Chapter 2
D A N I E L L A
Ito na, mag uumpisa na ako ngayong araw. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung dahil ba ito sa mangyayari mamaya o baka dahil makikita ko na naman si sungit.
"Are you ready lil sis?" Tanong sa akin ni Ate.
"Ready or not Ate, I've always need to be ready" Sagot ko sabay tawa.
"Masasanay ka din Daniella" At nginitian niya ako "Tara na?" Aya ni ate kaya sumunod na din ako sa sasakyan.
"Saan ba tayo ngayon Ate?" Hindi ko alam kung bakit kasama na agad ako, mahalaga ba ang role ni Ysa?
"Doon ulit tayo sa Pampanga"
"Ate, bakit kasama agad ako? Hindi naman ganoon kaimportante ang role ni Ysa diba?" Tanong ko sa kanya kasi hindi ko talaga alam.
"Nako naman Danny, gusto mo ang role ni Ysa pero di mo alam kung importante ba siya sa story o hindi?" Napailing na lang siya. "Ysa is one of the most important character in the story." Dugtong pa niya.
"Sorry na Ate, ang cool kasi ng character ni Ysa. I want that kind of attitude, challenging siya para sa akin"
"You know naman na Ysa is the youngest na anak ni Mr and Mrs Montenegro, so it means na importante ang role niya."
"Copy ate! Sorry na hehehe"
"By the way, nakausap ko yung manager ko at sinabi ko na siya na din ang magiging manager mo" Okay na din at least parehas na kami ni ate ng manager.
"Okay lang ba sa'yo?"
"Ate naman, okay lang noh!"
"Baka kasi hindi ka pumayag"
"No prob ate, ano ka ba"
Bigla kaming natahimik kaya magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Ate.
"Mukhang masungit yung gaganap na Zach ah?"
"Nako sinabi mo pa Ate! Feeling ko hindi kami magkakasundo ni sungit" natawa si Ate sa sinabi ko.
"Pero infairness ha, gwapo siya. Anong name niya?" Ito talaga si ate, ang linaw ng mata sa mga gwapo. Tsk. Hindi naman gwapo yun, si Kyle ang gwapo hehe.
"Hindi naman gwapo si Andrew, yuck."
"Andrew pala name niya, how did you know?" Hindi ko pa kasi na kwento kay Ate na naka encounter ko na yung dalawang yun before. "Crush mo yun noh?" Dugtong pa niya.
"Ate! Ano ba naman yan, kadiri ka! Hindi ko crush yun, si Kyle pwede pa" Sabi ko sabay hagikgik kaya naman napalingon siya sa akin.
"Kyle? Yun ba yung kasama ni Andrew? Ang alam ko kasama din siya sa serye natin eh" Talaga?! Shhh lang kayo, crush ko si Kyle pero slight lang hehe.
"Yep. Friends sila eh. So artista din pala si Kyle?"
"If I'm not mistaken, Kyle is the only child of Tita Monica and Tito Ian. Nag artista na din pala siya."
"Hala, seryoso ka ba Ate?! Siya ba talaga si Kyle Dela Cruz?!"
"Tingin ko lang, hawig niya kasi si Tito Ian eh" Siya si Kyle?! Yung kababata ko?!!
"Matutulog na muna ako Danny"
"Sige Ate, gisingin na lang kita"
"Okay, thanks"
Medyo malayo pa kami, galing kasi kami sa Manila. Pero mamaya sa Bulacan na kami uuwi. Dahil malayo pa nga kami sa aming destinasyon ay napagisipan ko na mag open muna ng twitter account ko.

BINABASA MO ANG
LOVETEAM (DonKiss)
FanfictionDaniella Dela Fuente, isang sikat na artista sa kanilang henerasyon. Maganda, mabait, matalino, down to earth, mapagmahal, matulungin at marami pang iba. Siya ang tinaguriang Ms. Perfect sa industriya dahil tingin nila ay nasa kanya na ang lahat. An...