Childhood Friends

234 14 0
                                    

Chapter 4


D A N I E L L A


Woooh! Second day na ng taping, pero hindi pa rin ako makapaniwala na may project ako agad at pwede na akong makita sa tv. Parang hindi pa nag si-sink in sa akin.

"Ate, pwede mo ba akong sampal--" Ohmyghad? Bakit ang lakas?! Ate ko ba talaga to?

"You're welcome baby sis!"

"How dare you ate?! May galit ka ba sa akin?! Bakit ang lakas?!"

"Para maniwala kang totoo talaga yung mga nangyayari" sagot niya sa akin sabay peace sign.

"Pwes, oo naniniwala na ako. Pero isusumbong kita kay Daddy!"

"Go ahead, samahan pa kita eh. Gusto mo ngayon na?"

"Aba ate, atapang atao ka ah?"

"Syempre wala si Daddy dito eh" sabi niya sabay tawa na parang witch.

"Edi kay Mommy na lang!"

"Wala si Daddy, syempre wala rin si Mommy!" tumawa ulit siya na parang witch.

"Akala mo ha, may alas pa ako! Kay kuya na lang kita isusumbong!"

"Hep! Akala mo makaka-akyat ka doon sa kwarto ni kuya? Syempre hindi ako papayag. Tara na!" Tapos hinila na niya ako palabas ng bahay namin.

"Ang daya mo ate! Nakakainis ka!"

"Dami mo pang arte Daniella! Bilisan mo na, maaga call time natin!"

"Sus, reason mo lang yan para hindi kita masumbong eh!"

"Sort of, pero need na talaga nating umalis shunga"

"Na-shunga pa ako oh, ito na nga, nilalagay ko na gamit ko diba?!"

"Oo na bilisan mo, tsaka 'wag mo nga akong sinisigawan!"

"Sorry na ate, ikaw kasi eh"

"Mam Danica, saan po kayo ngayon?"

"Manila po manong kiks, hindi na rin po pala ako makaka-sabay pauwi. Si Daniella na lang po sunduin niyo"

"Ok po mam, copy!"

Palabas na kami ngayon sa subdivision na tinitirahan namin. Maganda at tahimik naman kaya rin siguro kahit medyo malayo sa kabihasnan ay dito napili nila Mommy at Daddy tumira.

"Daniella, do you remember Chris?"

"Chris who? Ohmyghad?!! Si kuya Chris na friend natin na crush mo?!"

"Manahimik ka nga! Hindi ko na siya crush noh"

"Diba ate nag artista na din siya?"

"Yun nga, makakasama natin siya sa serye."

"Siya yung love interest mo?!"

"Oo, ngayon ko lang nalaman pero excited na ako"

"Narinig ko yun!"

"Ang alin?" Patay malisya niyang sagot.

"Wala wala. Patay malisya pa eh."

"Manahimik ka nga, ikaw nga crush mo si Kyle--- ay si Andrew pala! Yie!"

"Ewww. Bahala ka nga dyan ate!" Sabi ko at sinalpak ang earphones sa tenga ko.

- - -

5:35 am kami nakarating sa Manila, buti hindi pa heavy yung traffic. Hindi ko alam kung saang lupalop ito ng Manila kasi ang peaceful ng paligid tsaka hindi masyadong matao. May ganitong lugar pa rin pala dito?

LOVETEAM (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon