New Found Friends?

266 22 1
                                    

Chapter 3

D A N I E L L A

Hindi pa rin ako makapaniwala. Alam ko naman na hindi imposible dahil maliit lang naman ang mundo ng showbiz, pero kasi diba may chance naman na pwedeng hindi na lang sila naging magkakaibigan? Lumiliit na ang mundo namin ni sungit!!!

"Dan, relax ka lang. Tense na tense eh" Bulong ni Sam sa akin.

"Hindi ako makakapag-relax dahil sa sitwasyon Sam!" Nag hi-hysterical kong bulong sa kanya.

Simula noong dumating si Andrew ay hindi na ako mapakali. Nararamdaman ko na ayaw niyang nandito ako, quits lang kami, ayaw ko rin namang nandito siya. Sana nga hindi na lang siya pumunta eh!

"Kumusta yung serye?" Tanong ni Blake kay Andrew, pero si Kyle ang sumagot.

"Okay lang, kakaumpisa pa lang namin mag shoot kanina. So far okay naman sabi ni direk"

"Anong role mo dun, Ky? Basurero?" Di ko alam kung tanong ba yun o pang asar, sira talaga itong si Sam eh.

"Grabe ka Jane ha, ang kagwapuhan ko ay hindi angkop sa basurero role. Pang mag bo-bote to noh!" Dahil doon ay nagtawanan sila.

Oo sila lang! Si Andrew at Andrei hindi tumawa, kahit ako.

Kambal ba sila? Magkamukhang magkamukha kasi! Parang pinagbiyak na bunga.

"Sam, kambal ba yang dalawa?"

"Magkapatid, pero hindi kambal" tapos tinawanan ako ng bruha.

Ang awkward, hindi ako makakilos ng maayos, paano ba naman yung sungit na yun nasa harap ko. Bakit kasi ganito ang arrangement ng upuan?!! Dito kasi kami sa rectangular table umupo, good for 10 person. Sa magkabilang dulo walang nakaupo.

     Kyle     Andrew     Andrei     Blake

     Sam        Ako          Stella       Nathan

Ganyan yung seating arrangement namin. Nakakainis pa dahil sinusubaybayan ni Andrew ang bawat gagawin ko. Isa pa tong Andrei, grabe kung makatingin sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya eh!

"Excuse me" Sabi ko at tumayo. Pupunta na lang ako sa cr kaysa mag stay dun. Hindi ko na matagalan yung dalawang masusungit at panget na yun.

Mas gugustuhin ko pang mag stay na lang sa cr kaysa makasama sila! Duh.

"Daniella Jascelle, wag mong pansinin yung dalawa okay? Kalma, relax ka lang. Halata ka na masyado eh" Baliw na ba ako? Kinakausap ko kasi ang sarili ko sa harap ng salamin.

Wala ding kaalam-alam ang mga kaibigan ko kung bakit ganito ako kumilos. Hindi ko pa nai-kwento sa kanila eh. Kainis talaga! Parang ayoko na lumabas dito. Grrr.

Sammyyy loves 💓

Hoy Daniella Jascelle, dyan ka na ba titira sa cr? Walang balak lumabas ganern?

Miss niya ako agad? Wala pa nga akong 5 minutes dito sa loob eh.

Mag rereply na sana ako kaso may kasunod pa palang text.

Sammyyy loves 💓

Lalabas ka o papasukin ka dyan ni Andrew? Anong meron sa inyo ha?! May hindi ka ba sinasabi sa amin?!

Ohmyghad. Ano daw? Si Andrew papasukin ako dito sa cr?!!

To: Sammyyy loves 💓

Huy. Anong sinasabi mo dyan? Mamaya kwento ko sa inyo.

LOVETEAM (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon