Capitulo Tres

1K 34 0
                                    

"Binibini, kayo po'y gumising na..." Ugh! It's so early!

"Manang, five more minutes..." Malumanay kong sabi.

"Binibining Adelina, kayo po'y pinapagising na ni Don Santiago.." Don? Binibining Adelina? What the hell is wrong with manang?!

"Manang Fel--- OMG! NASAN AKO? WHO ARE YOU? WHERE AM I?!! KINIDNAP MO BA AKO?!! AAAAAAH!!! STAY AWAY FROM MEEEE!!"

"Binibini, kayo'y mag hunos dili..." Gulat na gulat na sabi nya diba dapat ako yung magulat?!

"AHHHH!!! MANANG FELIZA HELP MEEEE!" Sigaw ko pa, gosh! Kidnapping to!

"Sino po si Feliza, binibini?"

"BY THE WAY BAKIT GANYAN MAG SALITA?! YOU'RE WEIRD!!"

"Binibini, una'y kayo po ay mag hunos dili, pangalawa hindi nyo po pa ako natatandaan? Ako po'y si Mireya, ang iyong tagapagsilibi, pangatlo po, wala pong Mali sa aking sinasabi marahil po'y sayo at mayroon at panghuli po... Kayo po'y humayo sa palikuran at magbihis na po binibini."mahabang sabi nya

WHAT THE ACTUAL FOCC?

"Ah.. Miranda-- este Mireya, A-Anong araw ngayon?" Tanong ko

"Ika-lima ng Hulyo taong 1888,binibini" sagot ni Mireya
WTH?! NOOOO THIS CAN'T BE HAPPENING?!

Agad akong pumunta sa banyo pero naka sunod sya.. Don't tell me papanuorin nya kong maligo? Omgee!

May hawak rin syang violet na baro't sayo... Mag babaro't saya ako?!

"Ah... W-Wala na bang ibang damit?" For sure, mainit yan!

"Ano po bang nais nyong kulay binibini?" Ugh! I guess I don't have a choice...

"Ah.. Eh.. W-Wala, You may go, bye!" Ah shemay!

"Binibini ano po iyon? Alam nyo nama't ako'y isang indio lamang at hindi nakaka intindi ng wikang ingles at espanyol."

"Ah I mean--- Maari ka nang lumabas" umiling sya

"Binibini ako po'y mapapagalitan ng inyong Ama pag hindi ko po ginawa ang aking tungkulin.."

"Ah.. Hintayin mo na lang ako sa harap ng salamin, wag kang mag alala Hindi kita isusumbong kay Ama" napatango nalang sya't lumabas na--- Finally! Ginawa Ko na ang morning rituals ko, nagbihis at lumabas na

Andun naman si Mireya't naghihintay. Sinuklayan nya ang buhok ko at bumaba na kami

"Adelina, tila kay tagal ng iyong pag aayos, kami ay kanina pa nag hihintay sa iyo, kapatid ko" KAPATID? MAY KAPATID SI ADELINA?!

"sorry--- paunmahin po"

"Bueno tayo'y mag dasal muna" announce nung lalaki na si Don Santiago ata...

Kumain na kami at ang sarap ng ulam! Di ko nga lang knows yung name ng ulam!

"Adelina? Anak?" Tawag ni Don Santiago sa akin

"P-Po?" Hays, I guess I have to be polite!

"Nais mo bang ipagpatuloy ang pag aaral kasama ng iyong Ate Corazon sa maynila?" Oh Corazon pala name ng kapatid ni Adelina..
Tumingin naman ako kay Corazon na katabi ko at nakangiti sya sa akin na parang 'sige na pag patuloy mo na ang pagaaral mo!'

"O-Opo Dad-- Ah Ama, I want to-- Uhm Nais ko po ipagpatuloy ang aking pag aaral.."

"Ngunit paano ang inyong pag iisang dibdib ni Ginoong Antoñito Garcia?" Tanong nung nanay ko ata but...

"ANO IKAKASAL AKO?" gulat kong tanong Gosh! 21 palang ako!

"Huh? Nakalimutan mo na ba, Adelina?" Confused na tanong ni Ama

"Marahil nakalimutan mo na dahil Isang buwan na nating hindi ito pinaguusapan.." Wews! Buti nalang!

"Uulitin ko Anak, Nais mo pa bang magpa kasal kay Ginoong Antoñito Garcia?"

"Ah eh... S-Syempre naman po, Ina" I guess wala akong karapatan na humindi sa kasal nila Adelina at Antonio? Antoñito?

"Ngunit paano ang iyong pag aaral?" Luh? Bawal ba mag aral pag magaasawa na??

"Ina, Ama.. Hindi ba't gusto rin ng mga Garcia na mag aral muna si Adelina bago ang kanilang pag iisang dibdib ni Ginoong Antoñito?" Woah! Thankies ate Corazon!

"Hmm.." yun na lang nasabi ni Don Santiago

Natapos na kaming mag breakfast at nandito ako sa kwarto at si Mireya naman may inaayos sa cabinet ko.

"Adelina, kapatid maari ba akong pumasok?" Si ate Corazon pala.

"Sige po, ate" pumasok naman sya

"Bakit ika'y hindi pa nag hahanda? Bukas na ng hapon ang ating alis kaya ika'y mag gayak na." Haaaays. 9 am pa nga lang ata. Excited naman to si ate.

"Ah.. eh.. maaga pa naman ate. Marami pang oras para dyan."

"Hays sige. Ngunit nais mo ba talagang mag pakasal kay Ginoong Antoñito?" May parang... bitterness sa voice nya.

"M-May mali po ba, ate C-Corazon?"

"Wala naman...Adelina."

"Ah.. sige po mag aayos na ako." Sabi ko nalang

"Ate.." biglang tawag ko at napalingon sya

"Ikaw po
ba'y umiibig na?"

"Ha? Ah... Eh... Mag ayos ka na.. L-Lalabas na ako." Sabi nya at nag mamadaling lumabas sa room ko. Aba i smell something fishy ha!

Nag ayos nalang ako ng gamit baka ako'y masermunan pa ni ate haha!

Mga hapon 6 pm na ata. Tinawag na ako ni Mireya para sa dinner.

"A-Ama, Nasan ho nga pala si Ginoong A-Antoñito?" Gusto ko makita yung mukha nya, ikakasal kami tas hindi ko pa nakikita ang fezlak nya? Baka kasi gwapo. Aish! Stop it, Adela! Wag kang lumandi dito sa 1888!

"Pati ba iyon ay iyong nalimutan? Si Ginoong Antoñito ay nasa Sugbu kasama si Amigo Ferdinand Garcia." Ha? Sugbu? Ano yun? Aish! This is the disadvantage of not listening to Prof. Ofelia's lesson! Kasi naman please kung magt time travel ako, yung informed ako!

"Ah.. G-Ganun po ba?" Yun na lang na say ko. Hindi ko naman kasi kilala yung Antoñito at Ferdinand nayun!

"Salamat at humiling kang makasal ka sa isang Garcia anak. Tiyak na lalakas ang impluwensya pag pinagsama ang ating pamilya." Tuwang tuwa na sabi ni Ama teka... SI ADELINA YUNG MAY GUSTO NG KASAL? OMAYGAD!

"E-Eh ilang t-taon na po si Ginoong Antoñito?" Haaays. Super curious ako noh!

"Pati ba iyon ay iyong nakaligtaan? Hesusmayorsep!" Sabi ni Ina, eh kasalanan ko bang hindi ko naman kilala yang Antoñito na yan?

"Si Ginoong Antoñito ay Veinte seis na, at siya ay kasing edad ko lamang." Sabi ni ate Corazon at nag... fake smile?

"Ikaw Corazon, ikaw ba'y napupusuan na mga ginoo sa maynila? Siguraduhin mo lang na isa iyon sa mga kilalang pamilya dito sa Filipinas." Sabi naman ni Ama, aba advance mag isip si father!

"Si, Papa (Yes) " sabi ni ate Corazon? Nag spanish lola nyo. Ay spanish era pala tong panahon na to. Hehe.

" Buena elección, hija (good choice, daughter) " hala, anyare? Bat nakakaintindi ako ng spanish? Last time i check hindi ko naman maintindihan yung nasa letter na written in spanish!

Hala. What is happening to me?!

El Hombre de 1888Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon