Capitulo Siete

630 27 3
                                    

Waaah! Patulong naman oh! Hindi ko alam kung saan yun bayaaaan huhu. Malaking shitzu! Waaah! Hindi ko talaga alam..

"Uhm Pwede ba kong magpasama kay Tristana?" Ang natanong ko na lang kay ate. Pano ba naman kasi, ayaw nya talagang sumama kahit anong pilit ko. Nandito lang naman sya sa kwarto at ano ginagawa? As usual, ang magtahi. Ang boring kaya nyan!

"Sino Tristana? Ah! Ang tagapagsilbi ni Madame Lucia?"

"Oo?"

"Hindi ko alam. Kailangan mong humingi ng permiso mula kay Madame Lucia." Ay! Yes! Sigeeee sasama ko si Tristanaaa!

Dali-dali akong lumabas at pumunta dun ulit sa dulo kung nasan si Tristana.

"Tristana?" Tawag ko

"Bakit po? Binibining Adelina?"

"Pwede mo bang samahan ako sa ma--bayan?" Shocks! Muntik ko nang masabi na mall. Haaays i miss SM na nga pala!! Share ko lang.

"Po? Ako po? Maari naman po ngunit kailangan nyo po akong ipaalam kay Madame Lucia." Sabi nya. Close naman si Madame Lucia at Adelina diba? Keri yan!

"Nasan ba si Madame Lucia?"

"Ay siya nga po pala, wala po dito ngayon si Madame Lucia, sya po ay nasa San Rafael." Ano ba yan! GG ah!

"Maari po ba akong mag tanong?" Nuginagawa nya? Tumango na lang ako.

"Bakit po'y nais nyong samahan ko kayo sa bayan? Dati-rati po ay ayaw nyo pa pong kayo ay sinasamahan." So ganun nga talaga si Adelina? Baka naman may sikreto tong Adelina na to!

"Ah.. W-Wala lang.." gosh! Gustong gusti ko nang sabihin na HINDI TALAGA AKO TAGARITO AT HINDI KO ALAM KUNG SAAN YANG BAYAN NA YAN!

"Ganoon po ba? Pasensya na po ngunit kailangan ko na pong umalis dahil ako po ay naglilinis."sabi pa nya haaays. Tumango na lang ako at umalis na rin doon.

No choice. Ako na lang talaga mag isang pupunta sa bayan.

Pag labas ko ng dormitoryo ay agad naman akong pumara ng kalesa.. buti na lang may pera pa ako mga 20 silver coins.

Pag dating sa bayan ay agad kong binigyan ng mga 3 na silver coin yung driver. Natuwa pa nga sya at sobra sobra daw yung binigay ko.

Grabe 3 silver coin lang. Eh sa modern world halos wala na yang silbi kasi candy na lang nabibili dyan. Tsaka puro credit card lang ginagamit ko eh.

Dahil hindi ko alam yung directions ay pumunta na lang ako sa tapat nung parang tindahan ng pancit. Ano ba tawag dun?

"Binibining Adelina?" Tawag sa kin nung ale na nasa mga 40s na.

"H-Huh?" Oh gosh! Kakilala to ni Adelina!

"Ngayon po ang una nyong punta rito binibini.. Ako po'y nagagalak na pumunta kayo rito.. pasok po kayo, binibini.." at pinapasok nya ako.. ang giliw nya masyado nya rin akong winewelcome sa tindahan nya..

"Ako nga po pala si Aling Rina, Ito po ang aking munting panciteria.. pasensya na po kung ito'y maliit lang.. at kung hindi nyo po ako kilala.. ako po ay dating tagapagsilbi ng Hacienda Montemayor.. Ako rin po ang dating mayordoma doon.. Siguro po ay mga nasa tatlong gulang kayo at musmos pa mula ng ako'y umalis sa Hacienda.." pag kukwento nya.

"Lumipat po kami ng Maynila kasama ang aking anak na si Adriano at nangutang ng puhunan para rito sa aking panciteria.. Kayo po ba'y may nais kainin?" Halaa.. wala pala akong gagawin dito.. Kain na nga lang ako.. nagugutom na rin naman ako eh.

Ayun, umorder ako ng pancit at isang pancit bilao para narin kela Madame Lucia at kela Tristana.

"Paano iyan, binibini? Kayo po'y pupunta sa bilihan at sigurado pong marami kayong dalahin." Sabi ni Aling Rina

"Ah.. Ok--Este Ayos lang naman po sa akin ito." Nakangiti kong sabi

"Ngunit binibini, hindi po maaring marami kayong dalahing binubuhat.. Sigurado po'y magagalit ang mga guardia civil sa oras na kayo'y makita na nahihirapan." Sabi nya na iiling-iling pero agad namang lumiwanag ang mukha nya..

"Ang mabuti pa po'y samahan na kayo ni Adriano, binibini.. Wala naman pong mag iisip ng masama sa inyo.. dahil isa lang kaming hamak na indio.." Paliwanag pa nya. Haaays kesa naman maligaw ako dito at mabaliw at matrap na dito! As a answer, I just nodded.

"Sandali lang po at tatawagin ko lang ang aking anak na si Adriano.." Masaya nyang sabi sabay akyat sa taas para tawagin ang Adriano na iyon.

Habang wala si Aling Rina at ang Adriano na iyon ay tumanaw muna ako sa mga pamilihan. Napakaganda pala nung 19th century. Ngayon naisip ko na Bakit hindi ako nagkaroon ng ganang mag aral ng ganito kagandang mga lugar? Bakit all this time i hate the history?

"Magandang Umaga, Binibining Adelina Montemayor.." bati sa akin ng lalaki na nasa likuran ko.. O..M..G.. As in! SYA YUNG LALAKI NA NAKABUNGGUAN KO SA BARKO!

"H-Huh?" Waaah!!! Ambilis bilis ng tibok ng puso ko!! Waaah!!

Ngumiti naman sya.. ow.. ang cute.. WAAAH!!

"Nagkita tayong muli, binibini.." Sabi nya na para mapatulala ako sa kanya.. NGAYON KO LANG ITO NARAMDAMAN NA EWAN! ANO BA ITO?!

"Hindi pa nga pala po ako nagpapakilala.. Ang aking ngalan po ay Adriano Fernandez." Ow.. he has a cute name.. Oh gosh! Stop it! Kung ano man ito, it has to stop right now, or else!!

"Hindi po ba't pupunta kayo sa pamilihan? Halina po't habang maaga pa, panigurado'y mapapagalitan ka ni Madame Lucia sa oras na gabi ka na nakauwi.." sabi nya. Sa sobrang traydor ng paa ko at.. SUMUNOD SA KANYA!

"Saan mo ba nais magtungo, binibini?" Tumingin sya sa akin.. why so traydor, heart?

"S-Sa store of--- ah.. Sa.. Tindahan..Ng..Mga..Accesori-- Ah.. Ano.. Uhm.. P-Pandekorasyon ng.. ah.. Mga kagamitan..?" Grabe! Sobrang hirap pala mag tagalog ng deep! Owmaygad! Nakakainis ano bang tagalog ng Accessories? Haaays.

Tumawa naman sya na ikinataas ko ng kilay. What's funny? What a Crazy asshole.

"A-Ano ang.. Nakakatawa?" Pagtataray ko.. tsh. Sana naman tablan sya ng hiya na isa akong señorita at wag syang tumawa basta basta sa harapan ko!

Napalunok naman sya at napabuntong hininga.

"P-Pasensya na po.. Binibing Adelina.. Ako po'y natawa lamang sapagkat ikaw ay nauutal sa aking harapan." So nakakatawa na nauutal ako? Bat naman ako mauutal? May gusto ba ako sakanya? No way, Asa!

"I'm not-- Eh.. Hindi ako nauutal, noh." Pagdedepensa ko pa..

"Tara na po sa tindahan na inyong tinutukoy."

"By the way, Don't ever 'po' me.. I feel like an old granny!" Napairap ako pero agad din akong napatakip ng bibig ko. Nag english ako!

Napakunot ng noo sya. "Ah.. A-Ano po iyon?" Nagtataka nyang sabi. Pano ko lulusutan to? Huhuhu.

"I mean.. I-Ibig kong sabihin wag mo na akong i-'po' kasi feeli-- ano ah.. Parang akong matanda ganon." Nawala yung kunot ng noo nya at bahagyang natawa.

"Mararapatin lamang na mag bigay galang sa mga kilalang tao o pamilya, ngunit kung iyan ang iyong nais, ito'y aking susundin.. binibining Adelina.. Ngunit.. Sa aking base, wikang Ingles ang iyong itinuran kanina lamang.. Saan mo iyon natutunan sapagkat hindi rito itinuturo ang wikang Ingles.." napatingin naman ako sakanya habang naglalakad kami..

"P-Pasensya na sa a-aking pag-uusisa---"

"Nabasa ko lamang sa libro." Mabilis na sagot ko.. gosh! Buti na lang talaga.

"Tunay ngang Katotohanan ang aking mga naririnig na matalino ang bunsong anak ng mga Montemayor." Bulong pa nya pero narinig ko.. so hindi na bulong iyon.

Pero.. anlakas talaga ng tibok ng puso ko eh!

Ano ba itong nararamdaman ko, my abnormal heart?









El Hombre de 1888Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon