Drake's POV
Nang makarating ako sa bahay. Nanlaki ang mata ko O_O
Ba't nandito tong mga to? Anong ginagawa nila dito? At tignan mo tong mga to. Hindi man lang napansin ang presensya ko.
Patuloy parin sila sa pag kalikot sa cellphone nila kaya tumikhim ako.
"Ehem"Tumingin sila lahat sakin. Grabe parang matutunaw na ako sa mga titig nila.
"Oh andito ka na pala" sabi ni Min sakin.
"Anong ginagawa nyo rito?" Tinignan ko sila isa-isa. At tignan mo naman tong Shawn nato hindi man lang nakinig sakin.
"Bakit? Bawal ba kami dito sa bahay ni Yana este bahay nyo?" Sarcastic na tanong ni Trish sakin. Ang cold din nya tangina.
"Hey! Hey! Hey! Ako nalang ba ang kulang dito?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. At, O_O Huh? Kasama pati to? So ibig sabihin kasama rin sya sa kung ano mang paguusapan o gagawin nila.
"Kaibigan mo rin tong mga to Lucas?" Tanong ko kay Lucas.
Umupo si Lucas sa tabi ni Shawn. Nasa gitna sya ni Shawn at Trish at Inakbayan nya si Trish kaso tinanggal ni Trish ang pagkaka akbay ni Lucas sa kanya.
"Ohh namiss nyo ba ako?" Tanong ni Lucas kela Shawn, Trish, Chad at Min.
"Manahimik ka Lucas" pagbabanta ni ni Shawn sa kanya.
"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?
Mukha bang tambayan tong bahay namin para pagtambayan nyo?!" Sa di inaasahan na pag taasan ko sila ng boses."Bakit? Bawal na ba sila rito ha?!" Tumingin ako kung saan nanggaling ang malamig na boses na yun. At pag talikod ko nakita ko si Anaya nasa likuran ko malamig at matalim akong tinitignan. Shit! Nakakatakot sya.
"A-ahh, e-ehh. H-Hindi n-naman sa ganon" nauutal kong sagot sa kanya.
"Ganon naman pala eh" Aniya at binaling ang tingin sa kanyang mga kaibigan.
"Ohh dyan nalng ba kayo?" Tanong nito sa mga to. As usual cold parin.
"A-ahh...E-ehh...hehehe. Si Queen naman eh" nauutal na sagot ni Lucas at Min.
Mukhang takot talaga tong mga to sa kanya. Nakakatakot kasi syang tiigan eh.
"Umakyat na kayo sa kwarto ko at may pag uusapan tayo" saad nito sa mga kaibigan nya. Hmmm ano naman ang pag uusapan nila? Bahala na nga.
Umakyat na sya at ang mga kaibigan nya at pumasok na sa kwarto nya pero bago sya pumasok sa kwarto nya ay binigyan nya muna ako ang death glare. Tangina! Nakakatakot sya.
Umakyat na rin ako sa kwarto ko at nag laro ng laptop.
*****
Lucas POV
Pumasok na kami sa kwarto ni Anaya. Walang ni isa samin ang kumausap sa kanya dahil sa mga pinapakita nyang asal kanina. Mukhang mainit ang ulo ng Yana namin ah. Napangiti nalang ako.
Pagkapasok namin sa kwarto. Humiga kaagad si Shawn, Trish at Chad sa kama ni Yana. Feel na feel at home sila eh. Kapag ako nandito at nag fe-feel at home nako pwede pa. Pero silang tatlo? Nako wag nalang. Tyaka pinsan kaya ako ni Drake. Mga baliw talaga to. Tangina mabuti pa kami ni Min ang behave. Hayst Ang bait ko talaga.
"So? Wazzup?" Pambabasag ni Shawn ng katahimikan.
"Huy! Wag nga kayong feel at home dyan. Mabuti pa si Min behave kesa sa inyo." Biro kong sabi sa kanila. Kaya tinignan naman nila si Min. Timingin narin ako.
Tangina kaya pala natahimik tong babaeng ito dahil tinitignan nya pala ang mga drawing ni Yana sa sketch pad na nakalagay sa study table ni Yana. By the way guys Yana pala ang tawag namin kay Anaya minsan. Binaliktad kasi namin ang pangalan nya at inalis ang isang A sa pangalan nya kaya naging Yana. At tyaka nakalimutan kong sabihin sa inyo na magaling mag drawing si Yana.
"So anong ganap?" Tanong ni Yana samin.
"Eto na nga. Dahil nag balik kana Queen at marami nang naka alam na bumalik kana sa dati. So marami nang nag re-request na kumalaban satin." Sabi ni Shawn kay Yana.
"Name the prize" sabi ni Yana.
"Ferrari daw" sagot ko
"Sus, yan lang naman pala eh. Go na tayo." Sabi ni Trish.
"Kung ako tatanungin. Go na go na ako." Sabi ni Shawn.
"Go na din ako." Sabi ni Min at Chad.
Agree na kaming lahat except kay Anaya. Iniintay namin ang sagot nya.
"Okay. Go narin ako basta sabihin nyo lang sakin kung magka problema at siguraduhin nyong hindi to makakaabot kay Ethan kundi malalagot na naman ako sa kanya." Sabi ni Queen samin. Hahaha kawawang baby Yana namin papagalitan na naman sya ni Ethan kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi lang naman sya malalagot pati rin kami.
Hayst! Ang bait talaga ni Queen kaya nga na in love si King sakanya. Na alala ko tuloy yung mga panahong mag kasama pa sila. Ang sweet sweet nila at bagay na bagay sila. Tsk! Umeksena pa kasi si pinsan eh!
"Bye Queen uwi na kami" pagpapa alam namin sa kanya.
"Bye. Ingat kayo." Sabi nya samin at nag group hug kami.
Umuwi na ako sa condo ko. Hayst! Kakapagod. Makatulog na nga.
Zzzzz.....Zzzzzzz....
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Thank you for reading my story guys💜
-Author
YOU ARE READING
The Cassanova's Unwanted Wife
Roman pour AdolescentsYou thought that I'm a weak person but the truth is I'm more stronger than you. Try to mess with me and you will see hell.