Drake's POV
Maaga akong nagising 6:30 ng umaga. Naligo na ako at nag suot na ng uniform. Lunes kasi ngayon eh kaya may pasok kami. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pagkababa ko nakita ko si manang na titimpla ng kape.
"Good morning manang" bati ko kay manang.
"Good morning din iho." Bati rin ni manang sakin. Umupo na ako at handa nang kumain pero bago ako kumain tinanong ko muna si Manang.
"Ahhh Manang si Anaya po ba umuwi dito kagabi?" Tanong ko sa kanya.
"Nako iho, hindi umuwi si Anaya kagabi." Sagot nya sa tanong ko.
"Ahhhh okay" sabi ko kay manang at kumain na ako. So hindi talaga sya umuwi kagabi. Nakakailang text at tawag na ako sa kanya pero hindi nya sinasagot ang tawag ko at hindi rin sya nag rereply sakin.
Tapos na akong kumain. Nag toothbrush na ako. Si manang nalang daw ang mag huhugas ng pinagkainan ko baka daw kasi ma late ako at wala raw syang gagawin kaya sya nalang daw ang maghuhugas ng pinagkainan ko. Kinuha ko na ang bag ko at nag paalam na ako kay manang na aalis na ako.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinatakbo ito nang mabilis. Habang pinapatakbo ko ang kotse ko ng mabilis ay may isang black & red color na lamborghini na naunahan pa ako sa pagpapatakbo ng mabilis. Siguro lalaki ang nagmamaneho ng lamborghini nayon kaya mas mabilis pa sya saakin magpatakbo.
Makikipag carera nalang ako sa kotse nato. Mas lalo kung binilisan ang pag dra-drive upang maunahan ko yung lamborghini na yun kaso kahit anong pagpapatakbo ko ng mabilis ay hindi ko talaga sya mauunahan. Ughh! Iniinis ba ako ng driver ng lamborghini nato. Actually guys ang lamborghini nayan ang dream car ko dati pa pero na ubusan kasi ako ng lamborghini nabili na raw kasi ang 3 lamborgini ganung style pero iba-iba ang color.
Mas lalo kung pinatakbo ng mabilis ang kotse ko para unahan ang lamborghini at malapit na rin ako sa school kaso ang bilis talaga magpatakbo ng may ari ng lamborghini kaya hindi ako nakapag over take sa kanya. Pumasok ang lamborghini sa school namin. So dito pala nag aaral ang may ari ng lamborghini nato? Nag hanap ako ng mapaparkingan ng kotse ko. Naghahanap rin ng mapaparkingan ang lamborghini at yung black na kotse katulad ng brand ng kotse ko kaso white lang ang kulay ng kotse ko eh black sa kanya.
Naka hanap na ng pagpaparkingan ang black na kotse at nag park na sya dun. Naka hanap narin ako. Katabi lang ng kakapark na black na kotse ako magpapark. Ipapark ko na sana ang kotse ko pero naunahan ako ng lamborghini dun sa pagpaparkingan ko. Ughhh! Malalagot talaga to sakin ang may ari ng lamborghini nato! Dun nalang ako sa Left ng lamborghini ako mag papark. Ughhh! Nakakainis. Pinark ko na ang kotse ko at agad ako lumabas sa kotse ko para tignan kung sino ang may ari ng lamborghini na yun.
Inantay ko na lumabas sa kotse ang may ari ng lamborghini. Lumabas na ang may ari ng lamborghini at O_O si Anaya ang may ari ng dream car ko? Shit! Bakit sya may lamborghini? At akala ko ba hindi sya marunong mag drive. Cold syang tumingin sakin habang ako naman tulala parin sa harapan nya.
"K-kotse m-mo ba t-to?" Utal utal kong tanong sa kanya.
"Oo kotse ko ito. Bakit may problema ka?" Cold na tanong nya sakin.
"W-wala n-naman" utal utal kong sagot sa kanya.
Lumabas naman ang may ari nang black car na nakasunod sakin kanina. At O_O si Shawn ang may ari ng kotseng yon? Shit! Naguguluhan na talaga ako.
YOU ARE READING
The Cassanova's Unwanted Wife
Fiksi RemajaYou thought that I'm a weak person but the truth is I'm more stronger than you. Try to mess with me and you will see hell.