“I’ll take a Consunji, please, Father!”
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawiun ko. Everyone is looking at me. How could Hades put me in this kind of situation? Humigpit ang hawak ko kay Hermes. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa nkahihiyan o dahil ba sa galit. Hinawakan ko ang ibabang side ng gown ko.
“Hera?” Hermes looked at what I was doing. “What are you trying to do?” He asked with so much curiousity. I looked at him. My eyes were dark and mad. Naiinis ako kay Hades. Isn’t it enough that he had scarred me inside? Does he really have to do this? Ipinapahiya niya ako sa harap ng maraming tao.
“I have to run.” Hinubad ko ang four inches Manolos ko at saka tumalikod. Bago ako tuluyang lumayo ay nakita ko si Hades na naglalakad papunta sa kung nasaan ako. Binilisan ko ang lakad ko. Lakad na naging takbo. Tumakbo ako palayo – palabas sa lugar kung nasaan siya. Kailangan kong makalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko kay Hades. He had hurt me before. At kung pagaganahin ko ang puso ko – alam kong doon lang ako pupuntang muli. I’d get hurt again. I’d get crazy again. Ayoko nang mabaliw sa pag-ibig. Kapag nababaliw ang isang tao sa pag-ibog – maraming nawawala sa kanya. And in my case, I have lost what was supposed to be my everything.
Nakarating ako sa may gate. I wanted to go to my mom. Sa ngayon kasi, siya lang ang makaka-comfort sa akin. I was thinking of crying in front of her grave. I needed to do that to free what I am feeling inside. I feel so confuse. Iniisip ko kung anong dapat gawin kay Hades. Kailangan ko siyang masaktan but how can I do that? I couldn’t even stand being in the same room as him. Pinipigilan kong maiyak. Hindi ako iiyak. Hindi ko iiyakan si Hades Vejar dahil wala siyang kwenta. Iniwan niya ako noon. Ni wala siyang pasabi o paliwanag. I had waited for him for the longest time. Noong gabing hindi niya ako sinipot, kahit iniuwi na ako nila Papa ay naghintay pa rin ako. The morning after that – naghintay pa rin ako. I’ve waited for years. Kung tutuusin ay hindi ako tumigil sa kakahihintay sa kanya. Hinihintay ko pa rin siya hanggang ngayon – pero hindi ko siya kayang tanggapin.
I remember that day I found out he got back from I don’t know where. I was having breakfast with my mom. I was reading the newspaper when I saw his picture. May kasama siyang babae noon, hawak niya ang kamay nito at pababa sila mula sa kotse ni Hades. Hades was looking away from the camera but the woman was proudly looking at the press. Nabuo ang galit ko noon. What was he doing with that girl? Oo, nakadama ako ng selos pero kasabay noon ay ang matinding hinanakit. Hinanakit – dahil habang nagdurusa ako sa pagkawala ng anak ko ay nasa kandungan siya ng ibang babae at nagsasaya.
He left me miserable. He’s a heartbreaker. So how could I accept everything that he has said earlier? Kahit ginawa niya iyon sa harapan ng maraming tao – sa harapan ng buong pamilya ko at ng pamilya niya, anong magbabago? Maibabalik ba ng ginawa niya ang buhay ng batang dapat sana ay kasama ko ngayon? Kung hindi niya ako iniwan, kung sinundo niya ako noon, kung saana nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang pamilya ko, sana masaya kami ngayon kasama ng anak namin. Sana buhay ang batang iyon. Sana… Sana… Puro na lang ako sana. Hindi naman matutupad ang lahat ng sana na iyon dahil nawala na. Wala na sa akin ang pagkakataon. Inalis ni Hades sa akin ang pagkakataon na maging ina sa batang nasa loob ng sinapupunan ko noon. Nakakagalit.
“Hera!”
Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses niya. Sinundan niya ako. Alam ko naman na susundan niya ako pero bakit ganito ang pakiramdam? It’s like I have a butterfly garden in my stomach. I shook my head. I shouldn’t be feeling butterflies. I should be feeling anger. Iyon na lang ang dapat mayroon ako para sa kanya. Huminto ako at hinarap siya. We were in the middle of the street. Huminto naman siya at hindi na tinawid ang distansya naming dalawa. I was just staring – waiting for whatever will come put of his mouth.
BINABASA MO ANG
Someone to love
RomanceHera Adriana Consunji is the queen - and as the queen, she is entitled of everything that has something to do with her surname. She can have everything she had ever wanted and because of this she thought that she was contented. Until she met Hades...