17. Problems

157K 4.3K 442
                                    

I should be happy.

I kept on thinking that while looking at the sleeping version of my queen.Masaya naman talaga ako at magkasama na kami pero kakambal ng kasiyahang iyon ay ang pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko maalis sa sarili ko ang katotohanang parang may hindi siya sinasabi sa akin. I keep on thinking that I have missed an important event in her lif. Hindi ko maalis-alis sa isipan ko iyon. Bakit siya palaging umiiyak? Bakit hindi ganap ang kasiyahan niya?

Hinaplos ko ang buhok niya at saka hinagkan sa pisngi matapos iyon ay bumaba ako sa kama para magpunta sa private office ko.  I  have this thing in my mind. Matagal ko nang dapat ginawa ito. Pero noon kasi ay natatakot ako. Pero iba na rin kasi ngayon. Hindi na ako nag-iisa at alam kong kailangan ko nang malaman kung ano ang laman ng sulat na iyon.

I stood before my table. My heart was beating so fast.  Hindi ko nga maintindihan kung bakit pero kinakabahan talaga ako. At lahat ng kabang ito ay dahil lang sa sulat na ibinigay ni Mrs. Consunji sa akin halos isang taon na rin ang nakararaan. Huminga ako ng malalim at binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang sulat na iyon. Hindi ko iyon binuksan kahit kailan. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para basahin iyon dahil na din sa takot na nararamdaman ko.

I found the manila envelope lying beneath my things. Nanginginig ang kamay ko na kinuha iyon. Hindi ko alam kung anong nasa loob niyon. Noong araw na ibinigay niya iyon sa akin ay hindi ako nakakibo. Tanda ko pa iyong araw na pinuntahan niya ako sa office. Nagulat ako. I was in the.middle of a meeting when my secretary called me and said that someone was looking for me and that it was important.

Agad kong pinuntahan ang sinasabi ng secretary ko and imagine my surprise.when I saw Mrs. Apollo Consunji sitting on my visitor couch while waiting for me. Out eyes met and she smiled at me.

"Hello, Hades Vejar. Ang tagal nating hindi nagkita."

Kinulabutan ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit nandito siya? I was keeping my distance. Gustong-gusto kong lumapit kay Hera at bawiin siya pero hindi ko ginagawa.  Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito siya sa harapan ko.

"Hello, Mrs. Consunji." I smiled back at her. Tumayo siya at nilapitan ako. Agad kong napamsin ang hawak niyang manila envelope. Iniabot niya iyon sa akin at saka para bang naluluhang hinaplos ang balikat ko. 

"Ikaw na ang mag-aalaga ngayon sa panganay ko." Malumanay ngunit marriin niyang sabi. Matapos iyon ay walang dalawang sa.litang umalis siya sa aking harapan. Hindi ko na siya nagawa pang habulin dahil hindi ako makagalaw. What's the meaning of that? Anong gusto niyang gawin ko at para saan ang envelope na ibinigay niya sa akin. HIndi ko maintindihan talaga ang mga nangyayari. 

Nang gabing iyon ay ilang oras lang akong nakatitig sa envelope na bigay niya. No one can ever tell me what's inside the envelope and I was too sa red to open it. Mas lalong tumindi ang kaba ko nang marinig ko sa balita ang nangyari sa mama ni Hera. Hindi ako nagdalawang isip. Pumunta ako agad sa ospital. No one knew me - I got so close to her pero hindi ko siya magawang lapitan para yakain at patahanin She looked s weak and vulnerable. I just stood there - feeling scared. Mas natatakot pa nga ako kaysa sa kanya. 

Dalawang araw akong pabalik-balik sa ospital. Binabantayan ko siya mula sa malayo. Sa isipan ko, paulit-ulit ang sinasabi sa akin ni Mrs. Consunji Ikaw na ang mag-aalaga sa panganay ko.  Ito ba ang ibig sabihin noon? Kung sa akin niya hinahabilin si Hera - kailangan ko nang bumalik sa buhay niya and that was the reason why after some months - seeing her in Ilocos - I gained the courage to finally speak to her and I was rejected. But I guess I got lucky when that night came. Hera was so sad for her loss. I saw her crying and that was when she told me that to have closure. we need to make love. I grabbed the opportunity, thinking that I'll get her back. Pinaniwala ko siya na ganoon din ang nais ko pero hindi - hindi nangyari dahil nang magising ako kinabukasan ay wala na siya. 

Someone to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon