Epilogue: Proposal

300K 7.3K 798
                                    

“Ilang beses ka na bang tinaboy at ni-reject noon pero go ka pa rin. Kuya, how stupid could you get?”

Hindi ko kinausap si Athena matapos kong marinig ang mga salitang iyon. I was just busy fixing my laguge habang siya ay paikot-ikot sa tabi ko, taking a picture of herself every now and then. Napapailing na lang ako. Kung tutuusin naman kasi ay tama siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinanggihan ni Hera. Ilang beses ko na siyang inayang magpakasal pero sa tuwina ay NO lang ang sagot niya. Wala siyang sinasabing rason, basta ayaw niya lang. Hindi naman ako sumusuko. Hangga’t kasama ko siya – kahit na tanggihan niya ako ng ilang ulit ay hindi ako tumitigil. That’s one thing about the Vejars, we are very persistent. 

“Saan ka nga ba ulit pupunta, Kuya?” Athena, now sat on my bed. She crossed her legs and eyed me with her beautiful blue violet eyes. She smiled. She flipped her hair and waited for my answer. 

“Korea. I’ll be there for about a week.” I smiled at her. “Pero magpapaalam muna ako kay Hera. Kapaag hindi siya pumayag, I’ll stay.” Athena rolled her eyes.

“Ayoko talaga sa Hera na iyon. Ang arte niya. You’ve been asking her mula pa ang noong nasa ospital sila ng mga pamangkin ko. Hanggang ngayon, nakalabas na siya at lahat, ayaw pa rin niya. Anong gusto niyang mangyari, nganga ka forever sa kanya? Kuya! Maghanap ka na ng iba!” Sigaw niya pa sa akin. I just shook my head. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan si Hera. Kung kaya ko at kung madali lang iyon, sana noon pa lang unang beses na nagkahiwalay kami ay nagawa ko nga. I’m only huma, tumikim na rin naman ako ng iba but there’s something about Hera that I just couldn’t let go and forget. I love her dearly. I love her with all my heart and I have fallen more in love with her because of the twins. 

Dalawang buwan na rin ang nakaraan mula nang makalabas si Hera sa ospital kasama ang kambal namin. They were now staying in the Apollo Consunji mansion at doon ako pupunta bago ako umalis patungong Korea. I said goodbye to Athena. Until the last minute sinasabihan niya akong humanap ng iba. Iling na lang ang isinagot ko sa kanya. Habang pababa ako ng hagdan ay nasalubong ko naman si Zeus. Napansin ko na nangingitim ang kaliwang mata niya at may pasa siya sa pisngi. My eyes widened. 

“Anong nangyari sa’yo?” I asked him. Tiningnan niya ako nang mariin at saka umiling. 

“Consunji women punches like Manny Pacquiao. Mag-ingat ka kay Hera.” Tinapik niya ang balikat ko at saka nilagpasan ako. I just shook my head. Lumabas na ako ng mansion para sumakay sa kotse ko. I was driving swiftly. I was very excited upon seeing my twins and of course their mother. Hindi man kami magkasama ay lalo ko lang siyang minamahal. I was smiling while driving. Fifteen minutes later, narating ko ang mansion ng mga Consunji. Sinalubong agad ako ng isang maid nila Hera. I asked her where Hera was and she told me that she was in the gazebo with the twins. Doon agad ako nagpunta. I saw her standing while carrying one of the twins. She was – I think bottle feeding the other while Ares was on the side carrying the other boy.

“Kapag lumabas na iyong baby ko, I’ll teach him how to ride a bike.” Narinig kong wika ni Ares. Natawa naman si Hera. 

“Ano iyang anak ninyo ni Bathseeba, super hero? Paglabas  naglalakad na at nagsasalita? Ares, you must think of a name first.” Napahagikgik si Hera. “Nagpa-check up na ba kayo ni B? Ang laki na ng tyan niya, four months palang iyon.” 

“Triplets nga kasi.” Sagot ni Ares sa kapatid niya. I cleared my throat. Noon lamang sila napatingin sa akin. Ares smirked at me. Tumayo siya habang hawak ang anak ko. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang baby. I smiled when I saw Apollo Simoun sleeping soundly. Iniwan niya kami ni Hera. Hera looked at me. 

“Late kaya yata.” Biglang sabi niya. 

“Bakit, hinahanap ba ako ng aking reyna?” Tudyo ko sa kanya. Gumalaw si Apollo. She was looking at us. 

Someone to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon