15. Never, never

199K 4.6K 589
                                    

"Mrs. Consunji."

 

Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa mama ni Hera. She was standing in the middle of the corridor - hindi ko alam kung gaano siya kalayo sa akin pero alam kong nakita niya akong lumabas mula sa silid ni Hera. She was staring at me. Hindi ko mabakas sa mukha niya kung ano ang iniisip niya. Wala siyang reaksyon - wala siyang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Hindi siya mukhang galit pero hindi rin siya masaya.

 

"Mrs. Consunji..." Muling tawag ko. Nakita kong nagbuntong-hininga siya.

 

"Mag-usap tayo." Sabi niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Kinakabahan ako. Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na maayos at malinis ang intensyon ko kay Hera. Na hindi ko siya sasaktan at hindi ko siya pababayaan. Ipaglalaban ko si Hera. Alam ko naman na kung anong mangyayari ngayon. Alam ko na ang sasabihin niya - alam ko na ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng private office ni Mr. Lukas Consunji. Pinaupo niya ako sa antique chairs doon.

 

"Ipaliwanag mo sa akin ang nakita ko, Hades." Malumanay na wika niya. Nanginginig ang boses niya habang nakatayo sa harapan ko. Parang kahit na anong sandali ngayon ay iiyak siya at magagalit sa akin.

 

"Mrs. Consunji..." Huminga ako nang napakalalim. "Mahal ko si Hera."

 

"Pero bata pa siya. She's just eighteen." Sabi niya sa akin. Narinig ko ang paghikbi niya. "Hindi pa alam ni Hera ang gusto niya. Hindi pa niya alam ang choices niya sa buhay. Hades..." She sighed again. "Ayokong masaktan si Hera."

 

"Hindi ko naman siya sasaktan, Mrs. Consunji." Tumayo ako. "Mahal ko siya. You don't hurt what you love - no matter what kind of situation you're into, hindi mo sasaktan ang mahal mo o kung masaktan man siya, hindi ko iyon sasadyain. Alam ko naman kung saan ang lugar ko. Mahirap ako. Outcast sa pamilyang dapat nandoon ako. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko sa sarili ko, pero isa lang ang alam ko, Mrs. Consunji - mahal ko si Hera. With her I found the reason why I live and breathe."

 

Bahagya siyang natigilan. Titig na titig siya sa akin. Maya-maya ay nag-iwas siya ng tingin pero agad din niyang ibinalik sa akin ang malamlam niyang mga mata. May mga luha na doon.

 

"Hindi na kita kayang pigilan, hindi ba?" Tanong niya sa akin sa mahinang tinig. Umiling ako. Pinahid niya ang mga luha niya.

 

"Huwag mong sasaktan ang panganay ko, Vejar." Sabi niya. Hindi ko alam kung ngingiti ako o maglulupasay sa tuwa nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya pero naging masaya ako - masaya dahil hindi niya hiniling sa akin na layuan ko ang babaeng mahal ko. Wala akong ibang nasabi kay Mrs. Consunji noong gabing iyon kundi ang pasasalamat. Umalis ako sa kanila, nagpaalam ako ng maayos. Iibahin ko na ang buhay ko. Magsusumikap para hindi ko kailangan ikahiya kung ano ako sa iba. Gagawin ko ang lahat para magtagumpay at hindi ako hihingi ng tulong kay Kronos Vejar. Right after what he did to my mom, I will never let him in my life ever again.

 

Ilang araw ang lumipas, sinadya kong hindi magpakita kay Hera pero nakatanggap ako ng tawag na nagsasabi na kailangan naming magkita dahil alam na ng papa niya ang lahat. Natatakot ako para sa amin. Iba si Mrs. Consunji, pero alam kong mas iba si Lukas Consunji - wala siyang puso. My father hated him because Lukas had always beat him to closing business deals. Hindi ko alam kung saan kami nagsisimula ni Hera pero kukunin ko siya. I can never leav without my queen beside me.

Someone to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon