Chapter 4

124 4 0
                                    

Carissa's Point of view:

Wahhh!!! Lee Min Ho! Shett. Nanonood ako ngayon ng Legend of the Blue Sea. Wala lang pampalimot lang.

Habang busy ako nanonood meron akong nararamdaman na may tumitingin saakin. Nakakakilabot.

"Baby." Sino yun? Napatingin ako sa kanan at kaliwa ko pero wala akong makita. Tinaas ko ang hoodie sa sweater ko. Tsaka mas lalo ko tinaas ang kumot.

"Baby ko." huhuuu. Don't tell me may multo na dito. Pinatay ko ang laptop ko at humiga.

Feel ko hinihila nya ang kumot ko. Npasigaw ako ng malakas. "AHHH!!!!" Tili ako ng tili. Pero may biglang humalik saakin.

Pagkabukas ng mata ko si Ken?! "Baby, ang ingay mo. Baka kala nila may ginagawa ako sayo."Mahinang sabi nya. "Meron nga!" Sabi ko sakanya. "Teka ano bang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko sakanya.

"I'm just visiting you. Bawal ba i-visit ang girlfriend ko or soon-to-be my wife." Nakakaloko nyang sabi saakin.

"Tsk." Sabi ko nalang at lumabas na. Sumunod naman sya saakin. "Baby, galit kapa ba saakin?" Malungkot na tanong nya. Hindi ko sya sinagot.

"Okay fine, gagawin ko ang gusto mo basta wag ka magalit saakin, please." Pagmamakaawa nya. Nakita ko sa mga mata nya na sincere sya.

Napaisip naman ako. Hmm. "Wag ka na laging makipag-away." Yun ang naisip ko baka makick out sya.

Nalukot ang mukha nya. "No, I can't do that." Saad nya. "Then we will break up." Saad ko. Bigla sya sumeryoso.

"No! We will not break up! Saakin ka lang! Saakin lang, Baby." possessive nyang sabi. Niyakap kona sya ng mahipit. "Oo na." bumalik na kami sa baba.

Nakita namin sina Wish at Truce naglalambing sila at nagsusubuan pa sila ng ice cream.

Sumabat kaming dalawa. "Ehem." Masyado silang sweeetttttt. Napatingin sila saamin. Agad sila bumalik sa pwesto nila.

"Asan sina Red at Kendra?" Tanong ko sakanila. "B-bumili ng mga barbecue at dvds." Nauutal na sabi ni Wish. Napatawa ako ng patago.

"Ahh okie." Sabi ko nalang. Umupo ako sa couch para tingnan ang photo album na nakakalat dun.

Una kong nakita yun barkada 2017 namin. Bata palang kami dito. Mga 15 palang kami dito. Maraming nagbago maraming nawala. Si Bry at si Vaughn. Sila ang clown at serious type sa grupo namin.

"Anong tinitingnan mo dyan, Baby?" Lumapit sya saakin at pinakita ko ang picture.

"Ahh sina Bryan at si Vaughn. Kamusta na kaya ang mga ugok na yun?" Saad ni Baby. Nakakamiss sila.

Si Bry nasa States na sya dahil sa business breakdown nila nung last year lang sya umalis.

Si Vaughn naman nasa Italy sya kasama ang pamilya nya. Last year din sya umalis and inamin nya saakin nung araw ng mga puso na mahal nya daw ako.

Pero si Baby ang ipinili ko. Dahil nung 2017 lang naging kami at two years na kami ngayon e.

Biglang lumapit saamin si Truce at inagaw ang picture namin barkada. "Ahh naalala ko sina Bry at Vaughn. Sino kasi yun may gusto sayo noon?" Napapigil si Truce at nag-isip.

Nagsalita si Wish. "Si Ken?" Kinakabahan ako. Hindi alam ni Ken to. Nakakatakot to magalit.

"No, alam ko nagpapatulong pa sya noon saakin para lang makalapit sayo." Sabi nya pa. Ramdam ko ang paghipit na hawak sa kamay ko si Ken.

Napa-point up ang kamay nya sa taas. "Si Vaughn!" Paktay. Ayan na.

"Si Vaughn?!" Galit na sabi ni Ken. "Oo, si Vaughn, Insan? Bakit?" Inosente nyang tanong sakanya.

My Boyfriend Is A Mafia Boss (PMS#1)Where stories live. Discover now