NAKANGISING BUMABA si Tarinio sa motorbike na dala. Taas noong pumasok sa building kung saan ang pad ng kanyang pinsang si Anaxy. Kumindat siya sa receptionist na humagikhik nang makita siya. Pabiro siyang sumaludo dito bago tuluyang sumakay sa elevator.Pasipol sipol siya habang hinihintay ang pagdating sa tamang palapag. Ngayon ang kaarawan ng pinsan, nagyaya ito ng inuman para magdiwang. Medyo hindi naman siya busy kaya nagpasya siyang pumunta, isa pa hindi niya rin naman ito matitiis.
"Mga tarantado kong pinsan," nakangisi niyang sigaw nang tuluyang makapasok sa pad.
Nandoon na ang lahat, busy sa pag-inom. Napatingin siya sa wrist watch, napailing nang makitang late siya ng dalawang oras kaya halos lasing na ang mga ito.
"Tari, akala ko hindi ka na dadating. You're busy fucking your slut?" natatawang salubong ni Cerio.
"Nasaan ang birthday boy?" Pabiro niyang sinuntok ang balikat nito at hindi na pinansin ang pagiging madumi ng mga salitang lumalabas sa bibig.
"Here." Bumaling siya sa kusina, nandoon ito. Nakaapron habang naglalabas ng panibagong pulutan. "Late ka na naman, lahat ba ng secret agent hindi punctual?"
Patalon siyang umupo sa stool, malapit sa kitchen counter. L-shape 'yon, may wine rack sa kabilang parte. Tumayo siya, pinasadahan ng kamay ang napakaraming wine na nakalagay sa halos singlawak ng pader ng pad.
"Go, boys. Ubusin ang wine ni Anax," sigaw niya.
Anaxy chuckled. Inilabas nito ang nabake na cake. His cousin, Anaxy Castillion is an ideal man. Kahit siya ay hanga dito, magaling itong magluto at matagumpay sa piniling propesyon. Lahat sila matagumpay pero iba para sa kanya si Anax.
Malinis ito, tila babae ang pagiging OC nito. Kahit na nagwalwal na ang mga pinsan nila nasa tama pa rin ang pagkakatayo ng mga bote sa ibabaw ng mesa. "Baka tumba na kayong lahat pero 'yong wine rack ko di pa nakalahati."
Bumalik siya sa pagkakaupo sa stool. Maglalagay na ito ng decoration sa cake. "Kumusta ang pagiging wine connoisseur?"
Nagkibit balikat ito. "Gan'on pa rin, maganda pa rin ang panlasa. Ikaw, tapos na ba ang kaso mo?"
Napabuntong hininga siya. "Hanggat hindi ako nagreretiro hindi matatapos ang mga kaso ko."
"Atleast learn to take a break, you are not getting any younger. You should start dating."
Natawa siya sa suhestyon nito. Dating is the least plan he have in his life. It's might clichè but he don't like the idea of dating. "Alam mo namang sa trabaho ko ubos na agad ang oras ko, kulang pa nga e. Paano ako magkakaroon ng panahon para sa dates?"
Sumandal siya sa counter, humarap sa iba pang mga pinsan na nagkakatuwaan. May sariling mundo, nawiwili sa pagyayabangan tungkol sa babae. Usapang hindi niya hilig salihan.
"Time management."
Umiling siya. "Walang imamanage kasi wala akong time."
"Tatanda kang binata."
Napakangisi siyang nilingon ito, sa likod ng kanyang balikat. "Tatanda kang virgin." Napahalakhak siya nang matigilan ito. "Kung makapagadvice ka sa'kin tungkol sa dating akala mo may girlfriend ka. Take my advice, enjoy pussies first before tying the knot."
BINABASA MO ANG
Tarinio Castillion: Under His Means (COMPLETED)
RomanceIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) Castillion Cousins Series 1: Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagap...