Chapter 3

2.6K 136 14
                                    

Amanda

NAPAINGOS ako at pinanood ang pag-alis niya. Tumawag ako ng waiter, bigla akong nagutom. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapalapit sa kanya. Sa ngayon itong credit card lang ang rason ko para sumulpot bigla sa harapan niya, kapag naisauli ko na ito tapos na. At hindi iyon maaari. Kailangan kong umisip ng paraan para araw araw ko siyang makasama at mabantayan.

Nakakapagod sumunod sa kanya araw araw. Kapag naubusan ako ng rason mahahalata niya ako. Nagmasid ako sa paligid, nagbabakasakaling may makuha akong idea. Napakagwapo niya naman kong palagi akong mag-eeffort na itrack kung nasaan siya.

I'm too gorgeous to follow him around, and he don't deserve my attention. Pero ngayon wala akong choice. Sinisira niya ang nananahimik kong buhay.

Pagkatapos kumain lumabas agad ako. Wala akong ibang dala kundi credit card niya. Patawid na ako ng kalsada nang may lalaking patawid din. May babaeng nakabuntot sa kanya.

"Kahit hindi mo ako pansinin basta hayaan mo lang akong makita ka," maiyak iyak na sabi n'ong babae.

Napataas ang kilay ko. Aba, napakabata pa pero gan'on na kung umasta. Di manlag nahiya na public place ito.

"Leave me alone, I don't need you," asik n'ong lalaki. Halata ang iritasyon sa mukha niya.

Somehow, I understand him. Nakakairita nga naman ang gan'on. Babae siya, hindi ko man nilalahat pero ang babae dapat ang hinahabol at hindi naghahabol. We, girls are priceless, our worth is more than diamonds. It incomparable. Pero kung hahayaan na'tin ang sarili na'tin na ibaba ang worth na meron tayo it means hahayaan din na'ting mababa ang pagtingin sa'tin ng mga lalaki.

It's a big no for me. We should respect ourselves, so, men will respect us. Nakatanaw lang ako sa kanila hanggang sa makalayo sila. Parang glue na nakadikit si girl kay boy. Mas lalong nilakihan ng lalaki ang mga hakbang niya.

Napangisi ako. Alam ko na kung anong gagawin ko para mapalapit kay Tarinio. Hinding hindi siya makakawala sa paningin ko na hindi ako nahahalatang may ibang pakay.

Umuwi ako. Nagbihis at lumabas ulit. Tinawagan ko si Saferino upang alamin ang location ni Tarinio. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito na walang magandang balita.

NAKARATING AKO sa condo niya. Napakataas ng building at halatang mga mayayaman lang ang nandito. Binati agad ako ng guard.

"How may I help you, Ma'am?" salubong sa'kin ng receptionist. Parang hotel sa garbo ang lugar. Gold interior design.

"Pwede ko bang makita si Tarinio Castillion?"

"Is he expecting you today, Ma'am?"

Tumango ako. Sinungaling. "Yes, girlfriend niya ako."

Ito naman ang tumango. "Please hold a seconds, Ma'am." Nagdial ito at halatang si Tarinio ang tinawagan. Nang maibaba ay bumaling ulit siya sa'kin. "Pababa na ho."

Napangisi ako. Napakadali naman palang kausap ng lalaking 'yon. Naghintay ako sa lounge ng ilang minuto hanggang sa lumabas siya sa elevator. Suot ang brown plain shirt, khako short at tsinelas. Halatang bagong ligo. Napakaaliwalas niyang tignan, and the visible mustache in his jawline na halatang katutubo lang mas lalong nagdepina ng tangos ng kanyang ilong at pula ng mga labi.

Tarinio Castillion: Under His Means (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon