I'll be using first person POV. Dapat Isla De Kastilyo installment 2 ang isusulat ko ngayon but I prepared a better plot for W kaya hindi ko siya mamadaliin.
I miss my Castillion babies so much.
_____________________________
Amanda
INIRAPAN KO TARINIO na halos puti nalang ang matira sa mata ko sa sobrang inis. Anino niya palang sagad hanggang buto na ang inis ko sa kanya. Napakayabang at parang pag-aari ang lahat. Walang talab sa'kin ang gwapo niyang mukha dahil bagsak siya sa ethics.
Pinagbuti ko ang pagsayaw. Dinig ko ay magpipinsan sila. Hindi na ako nagtaka kung walang tulak kabigin sa hitsura nilang lahat, para silang mga adones na iniluwa ng salitang perfection. Si Tarinio lang ang sablay.
Hinawakan ko ang leeg ng birthday celebrant na ang pagkakarinig ko ay Anaxy ang pangalan. Sa unang tingin para itong lalaking hindi makabasag pinggan, gentle ang feature niya hindi tulad ng ibang mga nandito na nagsisigawan at halatang malilibot. I know, halos lahat sa mga lalaki malibog.
Hinawakan ni Anaxy ang balikat ko, wala siyang reaksyon sa napakabongga kong sayaw. Inilapit ang dibdib ko sa mukha niya, akmang huhubarin ko na ang sosyal na robe na pinagamit sa'min ng manager namin pero pinigilan niya ako.
"Pasensya na sa trip ng mga pinsan ko, ayos lang pwede na kayong tumigil sa pagsayaw," sabi nito. Napangiwi ako. Sayang ang pagpapractice ko ng poll dancing ng halos dalawang araw para sa raket na 'to.
"Trabaho lang," sabi ko.
"Babayaran ko kayo kung magkano ang pinag-usapan niyo."
"Ayos lang, kailangan niyo rin masulit ang bayad niyo," sabi ko pa. Gusto kong paghirapan ang perang ibibigay sa'kin, isa pa ito ang trabahong dapat gawin ko para sa raket na 'to.
Tuluyan kong hinubad ang robe at wala na siyang nagawa. Kumandong ako sa kanya pero hindi pa man umaabot ng minuto ang pagkakakandong ko ay lumutang ako sa ere. May biglang bumuhat sa'kin.
"Sinabi na niyang babayaran niya ang halaga ng napag-usapan hindi mo na kailangang sumayaw." Si Tarinio. Umusok ang ilong ko sa inis. Napakapakialamero talaga nitong baluga na 'to.
"Bitawan mo ako, kailangan kong magtrabaho," madiin kong bulong. Ayokong sumigaw dahil baka magkaeskandalo.
"Matinik talaga ang taste mo, Tari," kantyaw ng isang lalaki.
"She's yours," dagdag ni Anaxy.
"Gusto palang masolo." Nagtawanan sila at ang ilan ay sumipol pa.
Kinurot ko ang dibdib niya. Napuno ng kantyaw ang room at ang mga kasama ko natigil na rin sa pagsayaw. "Bibitawan mo ako o pipisilin ko 'yang bayag mo?" banta ko.
"Subukan mo at itatapon kita sa binata."
Pumasok siya sa isang kwarto at pabagsak akong binaba sa kama. Inis kong inayos ang buhok kong tumabing sa mukha ko. "Namumuro ka na, ano bang problema mo? Bakit nang-aabala ka sa trabaho ng iba?" Pabalang kong hinubad ang heels ko at isa isang ibinato sa kanya.
"Gusto mong sumayaw, ha?" Seryoso ang mukha niya pero hindi ako takot. Kahit magboxing pa kami hindi ko siya aatrasan.
Inirapan ko lang siya. Kumuha siya ng steel chair na nasa gilid ng kama, inilagay 'yon sa harap ko at doon siya umupo. "Sige, sumayaw ka."
BINABASA MO ANG
Tarinio Castillion: Under His Means (COMPLETED)
RomanceIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) Castillion Cousins Series 1: Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagap...