Narration: Third Person
(Slight mention of Day6)
A/N: Local na banda yung day6 dito ah. Sorry sa mga nagbabasang hindi familiar sakanila baka medyo hindi kayo makarelate :(
Sila kasi yung banda banda na kinuha kong extra HAHAHAHAHA atleast may background kayo sa imagination niyo kesa naman spices. Neways Stan Day6!The Party
Kabadong nagpagala-gala si Fuyu sa loob ng venue, nakasuot na kulay beige na lace dress lumapit siya sa kanyang mga kaibigang nasa iisang lamesa lamang na paniguradong maglalaho rin mamaya.
Out of all her three bestfriends si Audey lang iyong maaasahan niya talaga sa ganitong event. Kapwa kasi silang walang hilig sa party at mahina sa socialization.
Napabuntong hininga nalang ito, her thoughts were filled about Jisung. Nakahanda na iyong mga sasabihin niya sakanya, nakabuo at nakaayos na iyon sa isipan niya. Kulang na nga i-print niya iyon upang hindi na niya makalimutan pa.
"Ahhhh! Naeexcite na talaga ako! Mga beshy once Day6 has arrived it is all over for me!" malakas na sambit nang kaibigan niyang si Onion na ikinakuha ng atensyon niya.
'Day6... I know them! 'Yan iyong sikat na banda na kinahuhumalingan ni Lino!'
"Makikita ko nang malapitan si kuya Dowoon! Ohmygod!" dagdag nito na ikinatawa lang nila.
"Stop it Onion! Nakakahiya ka kaya. Ang ingay mo." suway ni Ginger sa kaibigan nila ngunit para itong walang narinig at patuloy parin sa pagfafangirl niya.
"Parang nung nakaraan lang si kuya Brian yung pinagpapantasyahan mo ngayon naman si kuya Dowoon" natatawang sabi ni Audey na ikinangiti lang ni Onion.
"Heh. Bakit ba! Ikaw nga dyan... well nevermind. Cool kaya ni kuya Dowoon! Sobrang galing pa magdrums." nakuha pa nitong ipagsaklob ang dalawang kamay. Pasimple na lamang ngumiti si Fuyu at inilibot ang tingin niya. Kung saan nahanap niya ang table nila Jisung sa hindi kalayuan.
Kasama nito ang kanyang mga kaibigan. Fuyu's world has stopped as she saw Jisung laughing with his friends. Fuyu can also hear the loud noise coming from her chest. The feeling is familiar—it's the same feeling she feels whenever she talks with Jisung. And in a snap, an old memory flashes on her mind.
It was the day when she first heard the loud sound. Para siyang biglang nagtime travel nang maalala ang araw na iyon.
It was sunday, napagtripan nila ng mga kaibigan niyang pumunta sa isang KTV Bar out of boredom. Suggestion iyon ni Onion na sinangayunan naman nilang lahat.Inoccupy nila ang isang bakanteng mini room katabi ng room nila Jisung—kung saan niya ito unang nakita. Jisung is with his friend Felix that time. The entire time she's just looking at them, admiring Jisung secretly. The young man has a good voice na mas lalong nakakuha ng atensyon kay Fuyu.
"Ano ba 'yan ingay naman nung sa kabila. Broken hearted ba iyon" reklamo ni Onion na ginatungan rin ng kaibigan niyang si Ginger.
"Kilala mo?" tanong bigla ni Onion nang sundan nito ang mga tingin niya. Alam niyang nasa kanya narin ang atensyon ni Ginger kaya agad nalang tumango si Fuyu. "Yeah, you guys know Felix too right? Siya iyong isa and the other guy is his friend yata" she pointed at Jisung and Felix. Mukhang hindi naman sila pansin nitong dalawa dahil parehas busy tumingin sa song book. At abala sa pagkanta ng She's Gone. Mukhang may tama narin ito dahil sa ilang shot glass na nasa lamesa nila.
Dahil doon nagkaideya rin si Fuyu na baka may pinagdadaanan ito kaya hindi nalang niya pinuna ang kaingayang dulot ni Jisung.
"Hala omg" biglang sabi ng kaibigan niyang si Audey. "Why? Is there something wrong?" mabilis niyang tanong. Imbes na sumagot ipinakita na lamang ng kaibigan niya ang isang mensahe na nasa screen ng cellphone nito.
It's Chan.
Hindi rin nagtagal sumunod tumunog ang cellphone ni Fuyu at bumungad doon ang pangalan ng pinsan niyang si Minho.
"We're dead" tanging sabi niya bago sinagot ang tawag.
Nabalik sa reyalidad si Fuyu nang bigla siyang niyugyog ni Onion. "SI DOWOON!! BESHY TINIGNAN AKO NI DOWOON!!"
Nagsimula nang tumugtog ang banda. Magaganda ang kanta ng Day6 maliban sa masarap itong pakinggan maganda rin ang meaning ng mga kanta nila. Hindi naman ganoon ka-fan si Fuyu kaya normal lang sakanya ang pagkakataong ito. She even met them before. Nakaattend na siya sa iilang gig ng mga ito kaya ang panood sila ng live ay hindi na bago sa kanya.
"Ang susunod po naming tutugtugin ay 'Anong Magagawa' paniguradong maraming makakarelate sa kantang ito" pabirong sabi nung lead guitarist nilang si Jae na nakuha pang tumawa.
[Anong Magagawa = 좋은걸 뭐 어떡해 (What Can I Do)]"Tama si Jae. Para ito sa mga taong umiibig dyan. Hindi ko na bibigyan pa ng napakahabang intro at hahayaan na lamang kayong lahat na makinig at damhin ang bawat salita sa kantang ito" pagpapatuloy ng leader nilang si Sungjin.
Habang busy sa panonood ng banda ang lahat itong si Fuyu naman ay busy kakahanap kay Jisung. Iniisip narin niya kung paano ba siya ta-timing. Sa paghahanap niya kay Jisung namataan niya na lamang itong nakatingin sa gawi nila.
Nagniningning ang mga mata nito at tila ba nakatingin sa isang bituing gusto niyang abutin. Napalunok si Fuyu at mas lalong kumalabog ang kanyang puso habang sinusundan ang kumikislap na mata ni Jisung.
Nangingibabaw ang kaba sa kanya habang sinusundan ang tingin ni Jisung. Ang mga kumikislap nitong mga mata na wala sa kanya ang atensyon.
"A-audey?" huli na para marealize niyang nabanggit niya ang pangalan ng kaibigan niya. Tinignan ni Audey si Fuyu nang may pagtataka kung bakit na lamang siya nito tinawag.
"A-ah wala. I'm going to use the washroom kasi sana" pagdadahilan nito kaagad namang naghanda si Audey. "Samahan na kita"
"No. I'm fine. I can manage. Just stay here and enjoy the liveband" nakangiting sabi nito at pasimpleng nagpunta sa washroom.
'So... Jisung... Jisung... he likes Audey. I see.' nasa isip ni Fuyu habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili niya.
Napanguso na lamang ito nang maisip ang kaibigan. Hindi nito maipagkakailang maganda ang kaibigan niya at kagusto-gusto naman talaga. Ilang sandali itong natigilan at napasinghap nalang nang maalala ang nangyari sa mall nung lumabas silang dalawa ni Jisung. Kung paano nag-iba ang mood ni Jisung nang makita nila si Audey at Chan doon.
'Well, now that I think about it. It's pretty obvious. Kaya naman pala. I just..' napabuntong hininga ulit ito sa isa pang pagkakataon. Ang pinaghandaan niyang speech sa utak niya ay para bang naglaho nang ganun nalang. Nagdadalawang isip narin ito kung aamin pa ba siya kay Jisung o hahayaan nalang ito sa kung ano ang gustong gawin.
'Ano naman ba ang magagawa ko?'
BINABASA MO ANG
sugar mommy | han jisung (✓)
Historia Corta[COMPLETED] "Magjojowa ako nang mas matanda sakin para magkapera ako" 「 stray store series ① 」 . .⃗ jisung x reader ᵎᵎᵎ