Narration: Fuyu
Napatitig lang ako sa dalawang huling bubble chats.. Is this.... dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Jisung na nakangiti at nag-umpisang magsalita. "How can you start a song off nang hindi mo manlang inumpisahan sa pinakauna?" sabi nito na siyang ikinakurap ko. Paano niya nalaman na yun iyong kanta? It's SV Gensan's song! As far as I remember Seventeen ang sinabi kong kumanta noon... though sila naman talaga original na kumanta nun.
"Listen Fuyu... hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ayokong gustuhin mo ako. Ayokong gustuhin mo lang ako dahil hulog na hulog na ako sayo." halos hindi ako nakahinga sa sinabi ni Jisung and I'm hoping na he'll add a 'Just kidding' sa bandang huli pero bigo ako. Unti-unti siyang lumapit sa akin at binasa ang labi niya.
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung bakit pero Fuyu, ayokong gustuhin mo lang ako. Gusto ko higit pa doon ang gawin mo Fuyu. Gusto kong mahalin mo rin ako kagaya nang nararamdaman ko para sayo."
"Y-you're kidding right? W-what about your chics? Diba, you have a l—shh" putol ni Jisung sa akin habang nakapatong iyong hintuturo niya sa labi ko. Bigla naman itong ngumiti na mas lalong nagpainit ng kapaligiran. I can feel my cheeks burning dahil sa bawat galaw niya.
"Yeah you mean chicks? Madami ako noon sa Malaysia" he said cockily at binigyan ako nang ngiting nakakaloko. "Madami ako para alagaan. Yun ang ginagawa ko minsan sa Malaysia para magkaroon ako ng income habang nagbabakasyon. Ang pag-aalalaga ng mga anak ng manok." sabi nito na ikinaloosen ng balikat ko. What did he just say?
Ang nakapahinga niyang hintuturo sa mga labi ko ay gumalaw para ilipat iyon sa chin ko.
"I didn't know you could be so jealous over chicks, Fuyu." mapang-asar nitong baling sa akin. My gosh! Chicks as in mga sisiw?"Kung wala ka naman palang ibang girl then it should be Audey. How about her? Diba you confessed na! It's your time Jisung!"
"Maghunusdili ka nga Fuyu. Kakasabi ko lang. Nahulog na ako sayo. Mahal na kita. Hindi mo ba gets?" sabi nito na ikinakurap ko lang.
"But the way you look at her that night..." pilit ko pa sakanya. I just.. I can't accept his confession right now. I'm too scared that he might just trick me...
Bumuntong hininga ito at yumuko. Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na pala siya kasabay ang paghawak niya sa dalawa kong braso.
"Oo gusto ko si Audey. Siya rin ang dahilan kung bakit ako naheartbroken at hindi na nagawang tumingin pa sa iba. Pero nung gabing iyon, nung gabing 'yon Fuyu. Nilaksan ko ang loob ko para umamin kay Audey dahil ilang araw narin akong binabagabag ng nararamdaman ko kaya napagdesisyunan kong sabihin na sakanya ang lahat. Pero.. bakit ganoon. Hindi manlang ako kinabahan at natakot na baka ireject niya lang ako." pagsisimula nito habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. I tried my best to avoid his gaze pero parang nakamagnet na doon ang mga tingin ko.
"At dumating rin sa punto na hiniling ko kay Audey na yakapin niya ako. Gusto kong yakapin niya ako sa una at huling pagkakataon" huminto siya sandali at tiningnan ako sa aking mga mata. Ang mga tingin niyang sumasayaw dahil sa palipat-lipat na tingin sa mata ko.
"Para makumpirma kung tama pa talaga ang nararamdaman ko" sabi ni Jisung habang ang isa niyang kamay ay umakyat papunta sa pisngi ko. Hinaplos niya iyon at ang kanyang mga matang namumungay na habang sinusundan ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
sugar mommy | han jisung (✓)
Cerita Pendek[COMPLETED] "Magjojowa ako nang mas matanda sakin para magkapera ako" 「 stray store series ① 」 . .⃗ jisung x reader ᵎᵎᵎ