Narration: Fuyu
Isinantabi ko muna ang ideyang uuwi na si Jisung saka ipinasok sa pouch ko yung bagong phone na binili sakin last week ni lolamommy. After what happened at district night hindi ko na alam kung saan napadpad yung cellphone ko.
Pati yung mga nangyari before Jisung left is still fresh in my memory. I can still remember our last conversation telling me he wants us to talk in person na agad ko namang tinanggihan. It was the same night Felix sent me the screenshot from their group chat at dahil narin sa mga salitang ibinato niya sa akin nung district night malinaw na malinaw na galit nga siya sakin. Na ayaw niyang gustuhin ko siya. Ayaw niya sa lahat na ginawa ko bilang si Furosiaska.
Sino nga namang gugustuhin maloko? Paniguradong kinamumuhian na niya ako kaya bakit pa kami dapat magkita? Iyon lamang ang laman ng aking isip buong gabi but I realized one thing, it's my fault. Maybe he knows it already pero diba kailangan iexplain ko yung side ko para malinawan siya, na wala naman talaga akong intensyong lokohin siya. And that's when I decided na habulin siya sa airport kabukasan para makita siya sa huling pagkakataon at masabi lahat-lahat. But Felix accidentally gave me the wrong terminal! Kaya ayun, hindi ko rin naabutan. Maybe that's better.. I guess.
Napatayo nalang ako kaagad nang marinig ko ang pagtawag ni Minho mula sa labas ng kwarto ko. Plano naming lumabas ngayong dalawa para gumala at isasabay narin namin ang pagbili ng groceries dahil nagleave yung taga bili ng grocery namin. Sobrang busy rin naman ni Manang Sally dito sa gawaing bahay kaya nagpresinta nalang kami ni Minho. At dahil doon tuwang-tuwa si mokong kasi binigyan kami ni Lolamommy ng allowance pang-gala.
Ilang minuto lang ang dinrive ni Minho para makarating kami sa isang pinakamalapit na mall. The first thing we did nang makarating kami doon ay kumain. Nagpunta rin kami sa isang ice cream parlor at doon tumambay.
"Maya nalang tayo mag-grocery pag-uwi." tipid na sabi ni Minho habang busy sa pagsscoop ng ice cream niya habang nakatingin sa phone niya. Eto talagang pinsan ko...
Kagaya ng pinsan ko nilabas ko nalang rin yung phone ko para abalahin ang sarili. Wala rin naman akong mapapala sa isang 'yan kung hindi siya ang unang magsasalita. I'm not the type to talk first... Sinubukan kong magchat sa group chat namin pero wala niisa sakanila ang online. I wonder why...
"Saan mo gusto pumunta pagtapos?" tanong ni Minho na ikinaangat ko ng tingin. His eyes are still focused on his phone though..
"Hmm kahit saan? I'm not pala-gala naman so maybe we should head to the store nalang to buy the groceries needed and then uwi na tayo after" plain kong sabi na ikinakuha ng atensyon niya. Tinignan niya lang ako saka binalik ulit sa cellphone yung tingin niya.
"Wala ka ba talagang gustong puntahan? Ayaw mo ba mag-arcade? Manood ng sine? Or mag-shopping manlang muna?" tanong nito na agad kong ikinailing. It's already 6pm kaya baka mag-alala si Lolamommy if hindi kami makauwi agad. May ibang araw pa naman para sa ganoong bagay as if namang maglalakad iyong mall palayo samin.
"I'd love to but next time nalang siguro. It's almost late kaya and don't you have job interview tomorrow?" mabilis kong tanong. Minho has finally decided to quit managing our computer shops na though he will still visit our branches to keep an eye on it pero hindi na niya daw iyon ipaprioritize. He's a computer science engineer graduate and currently reviewing para sa board exam niya. His father runs a furniture business tapos ayan siya and also yung computer business ng buong family ang funny nga because he always wanted to be a policeman since we were kids tapos tingnan mo siya ngayon he took a completely different path.
"Bukas pa naman 'yon. Ang mahalaga ang ngayon" tipid nitong sabi. Ilang minuto rin pagkatapos namin kumain ng ice cream ay napagdesisyunan naring dumeretso sa grocery store
"Dun lang ako may titingnan akong supplies tapos eto yung listahan na binigay ni lolammy para mas mabilis ikaw nang bahala dyan. Babalikan nalang kita mamaya" sabi ni Minho na ikinatango ko lang. Dahan-dahan kong iniscan yung listahan, medyo madami-dami rin pala ang kailangan naming bilhin. Kung eestimahin baka tig-dalawa pa kaming paper bag ni Minho.
Nauna akong pumunta sa pinakadulong aisle kung nasaan nakalagay iyong mga all purpose nila.
Napapanguso nalang ako nang makarating doon at tinitigan ang sandamakmak na klase ng mga items. Sa sobrang daming paninda sa grocery na ito malulula ka nalang sa iba't-ibang klaseng brands ng iisang products.Dadamputin ko na sana iyong Febreze nang may tumawag sa pangalan ko kaya kusa akong natigilan. Naestatwa nalang ako nang tuluyan at walang balak lumingon sa kung sino man ang tumawag sa akin. I'm sure that's not my cousin. Napanguso nalang ako at nagpanggap nalang na walang narinig. Kumuha ako ng dalawang Febreze at magsisimula na sanang itulak ang pushcart pero nahawakan na niya yung tulakan kaya nabigo nalang ako sa pagtakas.
"Hanggang ngayon parin ba iiwasan mo ako?" bulong nito na kaya mabilis akong humarap sakanya. At gulat nalang ang dalawang mata ko nang bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Jisung. H-he's.. too close.
Nag-ayos ako ng tayo at marahang itinulak sa likod ko yung pushcart kasabay nang pag-atras ko para mabigyan kami ng espasyong dalawa. Parang kanina lang nalaman kong uuwi na siya tapos ngayon.. nandito na siya sa harapan ko? Ang bilis naman yata.
Napayuko nalang ako at hindi alam ang sasabihin. Ilang segundo rin kaming natahimik until he chuckled. His soft laughter...
"I missed you." ang tanging sabi niya na nagpabago ng nararamdaman ko. My heart started to race na para bang may nakasalubong akong aso at bigla nalang ako nitong hinabol."Ha?"
"I said, I missed you. I missed you so damn much Fuyu" ulit niya na pinagtaka ko halos. I swear... if this is a prank. Kung gusto niya lang akong paasahin using those words just to get even para sa pangtitrick ko sa kanya before ay hindi ko yata kakayanin.
Nang wala siyang makuhang response from me ngumiti lang ito at tinitigan ako nang sa mga mata ko. Nagniningning ang mga matang iyon na para bang tuwang-tuwa siyang makita ako ulit. Na magkita at magkaharap kaming dalawa.
"Akala ko malinaw na... hindi mo parin ba nabasa? Y-yung huling conversation natin sa Furosiaska."
"Uh.. yeah. I can still remember it Ji, you still hate me right?" sabi ko na ikinawala ng ngiti niya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin. May nasabi ba akong mali? Iyon lang naman yung huli naming pag-uusap sa account na 'yon. Dahil sa Fuyu kami nag-usap about sa meet up na tinanggihan ko.
And as far as I remember I deactivated my Furosiaska account few minutes pagtapos niyang sabihin iyong three painful words. Kaya sigurado akong iyon ang tinutukoy niya.
Hindi ito umimik at sa halip may kinuha siya sa bulsa niya and to surprise me it's my phone.
I was really surprised nang ilahad niya sa akin ang isang familiar na bagay na napalitan ko na. Paano napunta sa kanya 'to?"Check it" tanging sabi niya habang nakangiti. Ako naman itong kinuha kaagad yung cellphone at nilog-in doon ang account kong pilit kong binabaon sa limot.
BINABASA MO ANG
sugar mommy | han jisung (✓)
Historia Corta[COMPLETED] "Magjojowa ako nang mas matanda sakin para magkapera ako" 「 stray store series ① 」 . .⃗ jisung x reader ᵎᵎᵎ