narration; fuyu
(contains lowercase texts)just like what jisung told me last night sinundo niya nga talaga ako sa bahay. minho went out at ewan ko kung saan pupunta maybe he's going on a date? i'm not sure though.. wala naman siyang nasabing updates sakin about sa lovelife niya and i'm not that nosy no.
"uy ayos ka lang?" tanong ni jisung sakin at humawak sa braso ko. he's checking me out kaya kaagad naman akong tumango.
"ang putla mo. may dugo ka pa ba? teka gusto mo bang kumain? dyan ka lang ha" sabi nito at iniwanan nalang ako basta dito sa sidewalk.
dahil nga nagpresintang susunduin ako ni jisung sa bahay hindi na ako nag-abala pang magpadrive sa driver namin dahil kasama ko naman siya. pinayagan rin naman ako nung mommy ni minho na magcommute nalang dahil kilala niya naman si jisung. at sanay daw itong pagala-gala kaya sure siya sa safety ko.
ilang minuto lang rin ang nakalipas natanaw ko na si jisung na nakangiting tumatakbo papunta sa akin at may hawak na dalawang cup.
"kain ka muna" sabi nito at inabot yung isang cup na may bilog sa loob. hinawakan ko yung stick habang pinagmamasdan yung kulay orange na bilog sa loob.
"na-alien ka ba? haha di ka kumakain niyan no? kwek-kwek pangalan niyan at itlog ng pugo na binalutan ng kulay orange na food coloring 'yang bilog. huwag kang mag-alala masarap naman 'yan saka malinis." nakangiting sabi nito habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. darn it.
hindi naman na ako nagsayang ng panahon at tinikman yung kwek-kwek na sinasabi niya. he's right it tastes so good! favorite food ko na to!
"masarap no? sabi ko sayo eh" tanging sabi niya at tumatango tango pa. he's even making some loud noises while eating his kwek-kwek na pati yung mga taong napapadaan lang sana sa paligid namin ay napapatingin sa kanya. can't help myself but to laugh at him. i smiled so widely as i look at him. jisung is really fun to hang with.
napakurap nalang ako nang bigla itong tumigil saka dahan-dahang ngumiti habang nakatingin sakin.
"gwapong-gwapo ka naman sakin" sabi nito at humagalpak. nagtinginan na naman yung mga tao sa tabi namin kaya ako itong pasimpleng napangiti nalang sakanila. ganito ba talaga 'to?"mainit ba masyado? sabi ni kuya minho hindi ka daw sanay sa kainitan kaya mabilis kang namumula. okay lang ba sayong maglakad habang kumakain para makarating na tayo kaagad sa mall?" hindi pa ako nakakasagot nang inagaw niya sakin yung cup na hawak ko at tinapon yung kanya.
"tara na" tanging sabi nito pero natigilan rin nang mapansin niyang hindi ako kumikibo.
"p-pero hindi pa ako tapos kumain" sabi ko na ikinakurap lang niya. bumuntong hininga ito saka may sinabing kung ano na hindi ko naman naintindihan.tangka kong kukunin ulit sakanya yung cup pero nilayo niya lang ito na siyang ikinanguso ko. pagkatapos niyang manlibre basta nalang aagawin sakin kasi aalis na? ang.. sama!
"ako na. lalakad na tayo papuntang mall e. susubuan nalang kita habang daan fuyu. ang kalat at ang bagal mo masyadong kumain" mabilis niyang sabi at nauna nang naglakad.
susubuan niya daw ako!! napakagat nalang ako sa labi ko habang nagpipigil ng ngiti habang nakasunod sa yapak niya.
"akala ko ba lakad papuntang mall?" tanong ko nang huminto kami sa isang food stall. eto yata yung pinagbilhan niya kanina.
"oo nga! pero dito muna. gusto ko pang kumain nakakagutom kaya" plain niyang sagot sakin na ikinanguso ko nalang. kanina ang saya saya niya pa ah? he's even laughing out loud. bakit biglang ganito? ang moody naman yata niya!
pinagmasdan kong inabot sakanya nung vendor yung isang cup na malaki na puno ng kwek-kwek. large size yata yung cup hindi kagaya kaninang small lang. may isang stick doon na hinawakan agad ni jisung at tumusok ng isang kwek-kwek.
sinundan iyon ng paningin ko hanggang sa tumapat iyon sa harapan ko na ikinalunok ko agad.
"k-kain na" sabi ni jisung kaya ako naman itong ngumanga agad at kinain yung kwek-kwek na binigay niya sakin.pagkatapos noon sinubuan niya naman yung sarili niya. talagang pinanindigan niya yung sinabi niyang susubuan niya ako habang daan kaya ganon nalang ang naging interaction namin hanggang sa makarating kami sa mall dahil naging tahimik na siya nang tuluyan na kapagtaka-taka talaga. nakakacurious tuloy kung ano yung nasa loob ng utak niya.
bakit ang tahimik nalang niya that's not si jisung! at isa pa bakit niya ginagawa lahat nang 'to? hindi naman kami ganoon kaclose.. pangatlong beses palang kaya naming magmeet personally.
but despite han jisung's actions being a bit weird and too foreign for me one thing's for sure, i really had fun. and my heart? she had fun the most.
BINABASA MO ANG
sugar mommy | han jisung (✓)
Short Story[COMPLETED] "Magjojowa ako nang mas matanda sakin para magkapera ako" 「 stray store series ① 」 . .⃗ jisung x reader ᵎᵎᵎ