Chapter 14

541 13 1
                                    

Ang buhay ay parang ampalaya. Mapait. Kaya kailangan mong lagyan ng itlog. Para sumarap at magkalasa.

Samahan mo na din ng magic sarap.

-Arteia Di Mapagmahal. (Ano daw?!)

Chapter 14:

Masayang masaya akong naglalakad habang papauwi sa amin. Yung tipong tumatalon talon pa ako na parang bata. Hindi ko alam kung bakit masaya ako ngayong araw, siguro dahil may sinuntok nanaman ako kanina na lalaki kasi nakatitig siya sa maganda kong mukha at na ipa baranggay nanaman ako. O kaya naman dahil hindi ko nakita si Mo ''yabang" yoherisa at hindi niya nasira ang araw. O kaya naman dahil trip ko lang talagang maging masaya.

Napatigil ako bigla sa pagmumuni-muni ng makita ko yung mukha ni Zee sa may tapat ng bahay namin. Lumapit ako sa kanya at kumaway na parang bata. Masaya kasi ako kaya walang basagan ng trip.

" hello zee! "

Tinaasan niya ako ng kilay. " bahay mo to? " at biglang turo sa aming palasyo.

" oo naman " proud kong sabi.

" uso pa pala ang bahay kubo. " at tska siya tumalikod sa akin. Aba! Etong batang to sumusobra na talaga. Manang mana sa kuya niya!

" pumunta ka lang ba dito para manlait ng bahay? Wala ka bang ibang past time at hobby? Manang mana ka sa kuya mo na ubod ng yabang. "

Hindi niya ako pinansin, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at pag mamasid sa paligid. " Sa bukid kayo nakatira? "

" hindi, sa dagat " sarkastik kong sabi. Hello? Halata naman kasi na sa bukid kami nakatira eh. Kulang pa bang ibidensya yung mga tanim na palay at mais? Isama pa yung kalabaw?

" i need to talk to you. " bigla siyang humarap at ngumiti. " pero hindi dito. "

Magrereklamo sana ako ng bigla niya na lang pinitik yung kamay niya, gamit ang kanyang daliri at tska lumabas yung mga bodyguards niya. Bigla na lang akong binuhat at nilagay sa may balikat ng isa sa mga bodyguards nila.

" waaaah!! Kidnap! Kidnap! Rape! Rape- "

" wag kang assuming. =___= " inis na sabi ni zee. Dinala na nila ako sa kanilang van para bitayin. Waaah! Marami pa akong pangarap sa buhay!!

At sempre hindi talaga nila ako bibitayin dahil dinala ako ni zee sa isang 5 Class restaurant. Halos malaglag yung panga ko nung pumasok kami sa loob. Para kang nasa paraiso.

" anong ginagawa natin dito? " tinanong ko siya.

" edi mag swiswimming =___= " sarkastik din na sabi niya.

Badtrip to ah!

Pumunta siya bigla sa receptionist at sinabing dalhin kami sa VIP section. Akala ko maganda na tong lugar na to. Pero may mas gaganda pa pala at yun yung VIP section. Halos malaglag yung panga ko sa ganda nung lugar. Ganito ba talaga ang galawan ng mga mayayaman? Grabe naman.

Kumain muna kami ni zee bago siya magsalita. " May trabaho ako para sayo "

" sinasabi ko na nga ba eh! Hindi mo ako ililibre sa ganitong mahal na lugar kung wala kang binabalak na masama! Gagawin mo akong drug dealer no? Or worst, isang pokpok sa kanto! " panic kong sabi. Tumayo na agad ako para umalis pero pinigilan niya ako.

" sira ulo. Ano ba yang mga pinagsasabi mo? " tumingin siya ng masama sa akin dahilan para kilabutan ako. " at umupo ka nga! "

Umupo agad ako. Eto naman ang highblood. " ano ba kasi yun? "

" i want you to be my tutor. "

" tutor?! " gulat na sabi ko. "B-bakit ako? "

" my brother mentioned na utak lang ang maganda sayo. "

Ang reyna ng mga BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon