Chapter 19

478 22 2
                                    

Chapter 19

Maaga akong magising para mag handa ng gamit ko. 3 days and 2 nights din yun kaya dapat wala akong makalimutan no!

Ano na nga bang laman ng bag ko ngayon?

Damit. Check
Panty at bra. Check
Sabon at shampoo. Check
Tuwalya. Check
Pagkain for 3 days. Check
TV. Check
Kalan. Check
Refrigerator. Check

Sempre charot lang yung last 3 items, Dora lang ang peg?

Maaga ding gumising ang ate ko para ipag luto ako, aba naman supportive siya ngayon! Nanay lang ang peg dahil sa mga bilin niya sa akin.

" mag papaka bait ka dun ha. Wag tatanga tanga. Tska mamaya awayin mo nanaman yung mga lalaking makita mo dun. You're a representative arteia, wag mong ipahiya yung school mo. "

" grabe naman ate, hindi naman ako papatay ng tao dun. "

" I doubt it, sino nga ba yung kasama mo? "

" si Mo. " sabi na may diring effect.

" talaga si Mo? Nako! Damihan mo pa yung baon mo! Bigyan mo siya, alagang mo at wag mong gugutumin!!! "

Tumingin ako sa kanya with a straight face. " yung totoo? Akala ko ba representative ako ng school, eh bakit parang gusto mong maging alalay ako ni Mo dun? "

Tumawa siya " eto naman, aalagaan lang alalay agad? Masama bang maging mabait ka kay Mo? "

" nilalabag nun ang mission, vision at goal ko. Wag mag papaloko sa lalaki remember? "

" ay ewan ko sayo. Ubusin mo na tong niluto ko sayo, mahaba pa yung byahe mo baka gutumin ka. "

Nanahimik na lang ako at sinunod yung utos niya. Ang pangit naman kung umagang umaga makikipag talo ako diba? Bawal ang nega ngayon. Hihi.

6:30 ang call time kaya naman umalis na agad ako ng bahay. Pagkadating ko agad sa school, nakita ko si Mo na naka todo outfit habang naka sandal sa sasakyan niya . Naka beanie with glasses, at may dadalang bag na mukhang miski ako ay mag ka kasya.

At dahil maganda ang umaga ko, lumapit agad ako sa kanya at ginulat siya.

"BULAGA! "

" AY IMPAKTA! }^*>&@ " sa sobrang gulat niya muntik niya nang maihagis yung cellphone niya. " Tangina ano ba! "

Mo suddenly turned into a dragon. Hihi

" eto naman ang sunget. Umagang umaga oh! "

" bakit ka ba kasi nanggugulat? Para tong timang. "

" wala lang. Hihi "

" tss. Lumayo ka nga sakin , bago kita masapak"

On cue, bigla nang dumating yung professor na kasama namin sa activity na to. Pina sunod niya kami sa may school parking lot habang pinagsasabi yan kami. " oh, 3 days 2 nights tong activity na to. Marami kayong makikita lang tao, malay niyo yung isa dun ang makakapag bago ng buhay niyo. Yung tipong pag baba niyo pa lang sa sasakyan, makikita niyo siya at mahuhulog na ang loob niyo sa kanya. With matching hangin effect pa at sweet background song. Tapos mag kakamabutihan kayo sa loob ng tatlong araw. Ipapangako niya na pag ka tapos nun, hahanapin ka niya saan mang lugar sa Pilipinas. Pero hindi niya pala gagawin. Joke lang pala yun dahil may girlfriend din siya tangina niya!!!! "

Nagulat na lang kami ni Mo nang biglang mag dabog si Miss M. (Yung professor na kasama namin)

" okay lang kayo miss M? Tapos na po ba kayong mag labas ng sama ng loob? "Tanong ko. " mukhang may pinanghuhugutan kayo ah. "

Ang reyna ng mga BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon