Chapter 17

504 13 2
                                    

Tanginaaaaa! Ang sakit ng ulo ko. Agad akong napabangon sa kama ko dahil hindi ko na matiis yung sakit. Teka.. Bakit parang ang tigas naman ng kama ko? First time to ah. Tska bakit parang ang baho ng kwarto ko? Parang kwarto ng isang pangit na babae na sobrang bitter.

" ano ba! Wag ka nang magulo " iritang ungol ng nasa tabi ko.

Slow motion akong napatingin sa kaliwa ko at napasigaw. " WAAAAH! Pucha! Anong ginagawa mo dito arteia?! Nirape mo ako no?? Umamin ka! Ni rape mo ako!! "

Antok na antok pa siyang bumangon at saka ako binigyan ng malakas na batok. " arayy! Para saan yun? Pinagsamantalahan mo na nga ako tapos sasaktan ko pa ako! Aba sumusobra ka na ah. "

" ang oa mo! " pasigaw niyang sabi. " umagang umaga nambubulabog ka! Napuyat ako kagabi nang dahil sayo tapos ngawa ka pa ng ngawa! "

" edi ni rape mo talaga ako? " Shet. Hindi ko matanggap na narape ako ng isang katulad ni Arteia. I wanna die.

" feelinggero. Lasing na lasing ka kagabi kaya tinulungan kita. Tska pwede ba? You're not my type. " maarteng sabi niya.

" ang arte mo talaga. Choosy ka pa eh ang pogi pogi ko na nga. " reklamo ko. " oh nasaan na yung almusal ko? Umaga na ah. Dapat may breakfast in bed ako. "

" ano to hotel? Walangya ka. Ginawa mo na akong katulong mo. "

" mukha ka namang katulong eh. " pang aasar ko. Biglang namula yung tenga niya. Ha! Pikon.

" argh! Sumpa talaga kayong mga lalaki! Diyan ka na nga. " Lumabas siya ng kwarto at padabog na sinara yung pinto.

At dahil gutom na ako at wala akong paki alam sa pag iinarte niya, lumabas na ako ng kwarto.

Wow.. Ngayon ko lang na appreciate yung bahay nila Arteia. Napaka tahimik ng lugar at napaka presko ng hanggin. Probinsyang probinsya ang theme sa bahay nila. Kulang na lang ng kalabaw at baka.

" hoy bakit ka natutulog diyan sa may upuan?" Inalog alog ko yung katawan ni arteia. Pinagsisiksikan niya ba naman kasi yung sarili niya sa may papag na upuan. Shunga talaga to. " oyy. Wag kang matulog diyan. "

" ano ba!! " sigaw niya. " wag mo nga akong istorbohin! Asar to eh. "

" bakit ka ba kasi natutulog diyan? Nakaharang ka sa daanan! "

" wow ha! Hindi naman ako sa sahig natutulog. "

" ah basta! " hinila ko siya papatayo kahit na nag iinarte pa siya. Bagay na bagay talaga yung pangalan niya sa attitude niya. " doon ka na sa kwarto mo matulog. "

Oo na. Naawa na ako sa kanya. Napuyat siya ng dahil sa akin. At sempre, isa lang akong gwapong nila lang na may malambot na puso. Naawa ako sa kanya kaya naman kailangan ko siyang gantihan ng kabutihan.

Ting! Ipagluluto ko na lang siya ng almusal. Hihihihi. I am so brilliant! Ang pogi ko na nga, ang talino ko pa. Ako na talaga! ^____^

***

Nagising ulit ako dahil sa ingay na naririnig ko sa may labas ng kwarto ko. Ang sakit na din ng ulo ko dahil kulang ako sa tulog kagabi dahil sa hayop na Mo na yun! Bakit ko ba kasi yun tinulungan? Tsss. Wala namang utang na loob yun eh. Tska hindi dapat tinutulungan ang mga katulad niyang lalaki na manloloko at PAASA. Tss. Ewan ko ba kasi kung bakit pa ako naawa sa isa na yun.

Naputol yung pagmumuni ko ng biglang sumigaw si Mo, kasabay nun yung pag kalat ng kakaibang Amoy.. Amoy sunog!!!

" Walanghiya ka Mo!! " dali akong lumabas sa kwarto at pumunta sa kusina. And there he is, nag pa panic habang inaalis sa kalan yung kaldero na may laman na sunog na kanin. " anong ginawa mo dito??! Balak mo ba akong tostahin at sunugin tong bahay?! "

Agad agad akong kumuha ng basahan at ginamit na pot holder para sa kaldero. " jusme naman kasi mo. Ano bang pumasok sa utak mo ha! Hindi ka na nga marunong magluto eh wag mo nang ipush!"

" tss. Talak ka ng talak! " reklamo niya.

" eh kung i hagis ko kaya sayo tong kaldero ng makita mo yang hinahanap mo? " bulyaw ko. Asar eh.

" tsss. Oo na. Badtrip to " iritang sabi niya.

" bakit ka ba kasi nagluto? Nagmamagaling ka nanaman. "

" wala ka na doon! " parang bata na sigaw niya. " gusto lang naman kitang ipagluto eh. " halos pa bulong na yung huling sinabi niya kaya hindi ko na naintindihan.

" ano? "

" WALA! Asar to. "

" para kang timang! " Bigla akong napatingin sa kamay niya. " oh anong nangyari diyan? Napaso ka tapos hindi mo manlang sinasabi? " hinawakan ko agad yung kamay niya. Aba, Umiwas ang loko. Ang arte talaga nitong kulog na to

" wala to. "

" anong wala? Baka ma impeksyon yan. Akin na, may first aid kami dito eh. "

" paso lang to! Anong ma iimpeksyon? "

" manahimik ka na lang pwede? " hinila ko siya at pinaupo sa sofa namin. Agad ko naman nang kinuha yung first aid at saka hinila siya papunta sa may upuan. " Sa susunod kasi mag iingat ka! " binuksan ko yung gamot namin para sa paso at diniin sa kamay niya. " Balak mo pang sunugin tong bahay. "

Agad naman siyang napangiwi sa sakit. " aray naman! Pwede ba. Dahan dahan! "

" aba! Demanding ka pa? Eh kung putulin ko pa tong kamay mo? " inis na sabi ko.

" hindi naman na kasi kailangan ng ganyan eh. Ang oa mo na nga, ang pangit mo pa, ang arte mo pa at higit sa lahat ang bitter mo pa! "

Tinignan ko siya ng masama. " anong sabi mo? "

" wala joke lang! "

Hindi ko na lang siya pinansin, ni lagyan ko na lang ng benda yung paso niya para hindi na lumala. Aware ako na mali ang ginagawa ko kasi dapat cold compress ang ginagawa sa mga ganitong sitwasyon kaso tinatamad ako, at hindi ko feel ang gagamutin ko kaya keri na to.

" thank you " agad naman akong napatingin kay mo. Naka ngiti siya sa akin at parang nag susumamo ang mga mata. " maraming salamat sa mga nagawa mong kabutihan. Your an angel.. "

Hindi ko namamalayan na unti-unti nang nag lalapit ang mga mukha namin..

" na sinipa sa langit at unang lumanding ang mukha kaya naging pangit ka! HAHAHAHA " mabilis niyang sabi at saka tumawa habang gumugulong sa sahig.

" walanghiya ka talaga Mo Thunder Yoherisa!!!! " sa sobrang inis ko, nag walk out ako at hindi na siya binalikan.

Bwisit!

***

" oyy pare! Bakit late ka? Kanina ka pa namin hinihintay ha. " bungad agad sa akin ni Clark. Naka upo lang sila sa may VIP longer ng tambayan namin habang umiinom. " saan ka ba galing ha? "

" kela arteia." Inagaw ko kay Xander yung iniinom niya at tinungga agad.

" chill lang bro. Hindi ka mauubusan ng alak. " sabi ni Xander.

" bakit si arteia yung tinawagan niyo kagabi para sunduin ako? "

" hoy. Hindi ko siya tinawagan! " agad na dipensa ni Clark. I look at Xander, dahil wala naman ng ibang may alam.

" you called her. Masyado ka ng lasing noon. " he informed me. " so don't put the blame on us "

" arggh. Asar kasi. Nag karoon pa ako ng utang na loob doon! "

" stop acting like a girl dude, eh kung sinisimulan mo na kaya yung bet? "

Oh shit.

Masyado akong malalaman ng galit at inis ko kay arteia kaya naman nakalimutan ko na yung bet namin. Hindi pa ako nakaka gawa ng steps para mapalapit siya sa akin. Geez, sira ulo kasi yung babae na yun! Napaka laki ng galit sa akin. Should I take my words back at umamin na hindi naman talaga lahat maiinlove sa akin? Because sa kaso ni arteia, wala na talagang cure sa pagiging bitter niya. Pero hindi pwede, as the almighty Mo Thuder Yoherisa hindi dapat ako sumusuko agad.

" I'll start courting her then " sabi ko nang naka ngiti.

Sooner or later, arteia will be mine.

Eww.

Ang reyna ng mga BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon