Chapter 8

731 18 0
                                    

" this is so boring " bugtong hininga ni julien habang nasa PE class kami. Kanina niya pa hawak hawak yung phone niya at hinihintay na mag ring.
Mukhang kanina niya pa hinihintay yung tawag ni deen.




" Kung importante ka sa isang Tao, Hindi yun magiging busy unless mas mahal pa niya ang pinag kakabusyhan niya. " sabi ko sabay inom ng tubig.



Sus! Diyan na nag sisumula ang problema. Yung tipong dumadalang na siyang mag text o tumawag sayo dahil MAY IBA na siyang pinag kaka abalahan. Pag ganyan, niloloko ka na ng boyfriend mo kaya ibreak mo na agad-agad!



" tsss hay nako arteia! wag mo na ngang gatungan yung problema ni julien " saway agad sa akin ni cheska.





Tumingin agad Ako sa kanya with inosente look. " wala akong ginagawang masama! "





" yeah right! If I know gustong gusto mo ng sabihan si julien ng words of wisdom mo like 'Niloloko ka lang niyang boyfriend mo kaya I break mo na agad-agad' " sabi niya in a high pitch tone.







Aba loko tong si cheska ha!






" Hindi yan totoo no! " pagdedepensa ko. Pano niya kaya nabasa yung nasa Isip ko? Kamag anak ba siya ni Edward Cullen?






" argh! " nagulat na lang kami nung biglang binato ni julien yung iphone5 niya sa basurahan.






"Hoy bakit mo binato yung phone mo?! Sayang naman! Dapat binato mo na lang sa mukha ko , mukha din namang basura tong pagmumukha ko! " sigaw ko sa kanya.






" he's not picking any of my calls and not answering my text! DAMNIT! "






"Niloloko ka-" biglang lumipad sa mukha ko yung sapatos ni cheska dahilan para maputol yung speech ko.






Tumingin ako sa kanya ng masama.






" Baka naman may project na ginagawa or may thesis na kailangang ipasa. " singit agad ni cheska.





" project ? Thesis? Sinong sira ulong prof ang mag papagawa nun sa FIRST DAY OF CLASS? " tinaasan Ko siya ng kilay.






Be ready with my words of wisdom! Muwahaha.





" Sa pag kaka alam ko, kumukuha si deen ng tourism. Meaning madaming nag kalat na chix at manok! At dahil sa lalaki siya at 'natutukso din sila' sempre mambabae na yun at mag hahanap ng iba! - "






" chix agad?! " singit ulit ni cheska. " hindi ba pwedeng naka silent lang yung phone niya? O kaya naman nag q.quiz at busy sa pag sagot. "





" silent ba kamo? " tumingin Ako Kay julien " Hindi ba never nag s.silent si deen dahil ayaw niyang ma miss ang mga text or tawag mo? "





Tumungo siya.






And I smile evily at cheska. " quiz? On the first day of class? What a nice idea. " lame na lame kong sabi.
" umiiwas lang naman ang mga lalaki pag may ginagawa silang kababalaghan. Julien my dear, wag kang magpakatanga at gayahin mo Ako- "






" na maging bitter? " sabay nilang sabi.






" hindi! Na Hindi tanga pag dating sa love. " proud na proud kong sabi.







Ang reyna ng mga BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon