Chapter 6

14.1K 138 3
                                    

Chapter 6

Emery's POV

Mababakas ang kasiyahan sa malapad niyang ngiti. Napahawak siya sa kanyang dibdib.

Gusto niyang tumili. Hindi niya nga lang magawa dahil baka mapagkamalan siyang baliw.

Kasalukuyang tumutulong siya sa pag hahanda ng pagkain nila ni Friks nang makatanggap siya ng isang txt mula kay Prince.

Napapangiti siya kapag naalala niya ang txt ng kanyang honey. Muli niyang tinignan ang cellphone at paulit-ulit na binasa ang txt.

'Mahal na mahal kita.'

It's a short txt message but it really means a lot to her. Ganoon nga siguro ang nag mamahal simpleng bagay pinapahalagahan lalo na pag galing sa iyong minamahal.

"HOY !!!"

"Ay ! palakang may buhok !" Nagulat siya. Tumingin siya sa likod. Hinampas niya ito ng hawak niyang sandok. "....Peste ka bessy ! bakit ka nang gugulat ha !"

"Ouchyy naman ! Masakit ha.." nahuli nito ang kanyang kamay. "....mukha ka kasing tanga na ngumingiti mag-isa."

Bigla na naman niyang naalala ang dahilan ng pag ngiti. Ang inis niya sa kaibigan ay biglang nag laho.

Inirapan niya ito at binawi ang sariling kamay.

"Panira ka sa moment alam mo 'yon ?" hinarap niya ang niluluto. Naramdaman naman niyang tumabi ito sa kanya.

"Eh bakit nga kasi ?"

"Nag txt kasi si Prince.." malapad na ngiti ang binigay niya sa kaibigan.

"Tapos ?" taas kilay na tanong nito sa kanya.

"Goshh !!! sabi niya mahal na mahal niya ako !!!!"

Ginulo nito ang kanyang buhok. "Totoo 'yon txt..." ngumuso siya. Lagi na lang kasi ginugulo nito ang kanyang buhok. "Mukhang masarap 'yan ahh.." baling nito sa kanyang niluluto.

"Syempre no ! ako pa !"

Nag simula na silang kumain kasama ng dalawang katiwala sa bahay.

Napag alaman niyang mag-ina ang mga ito. Si manang Norma ay nasa edad 40s na samantalang ang anak naman nito na si Cely ay nasa mga 20s pa lang.

Pagkatapos nilang kumain ay matandang katiwala na ang nag hugas ng kanilang pinag kainan.

My Husband's Twin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon