Chapter 8

18.5K 233 70
                                    

Chapter 8

Emery's POV

Humahangos siyang dumating sa ospital. Sobra-sobra ang kanyang nararamdaman na kaba. Tila bang tinatambol ang kanyang dibdib.

"Bessy !" sigaw niya sa kaibigan. Nakaupo ito at sapo-sapo ang ulo. Nag angat ito ng tingin ng tinawag niya. "Si Prince ? Ano bang nangyari ?"

Hindi ito sumagot sa halip nagbaba lamang ng tingin.

Umupo siya sa katabing upuan.

Sabay silang napatayo ng may lumabas na doktor mula sa emergency room.

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente ?" Anang ng doktor.

"Ako po ang asawa." agad siyang lumapit dito ? "Kamusta po ang asawa ko ?"

"So far naman po ay maayos na ang inyong asawa. Maari na po siyang ilipat sa sa isang private room."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng doktor.

"Dok, ano po bang nangyari sa asawa ko ?" interesadong tanong niya sa doktor. Ngayon lang kasi nangyari ang ganito.

"Misis, hindi po ba ninyo alam ang kalagayan ng asawa niny--" naputol ang sinasabi ng doktor ng biglang sumingit si Friks.

"Ahh.. Dok maari ko ba kayong makausap saglit ?" bumaling ito sa kanya. "Sige na bessy.. ako ng bahala.. asikasuhin mo muna si Prince."

Tumango na lamang siya at sumunod sa sinabi.

***

Frik's POV

Laglag ang kanyang balikat ng lumabas siya sa opisina ng doktor. Hindi niya mapaniwalaan na nasa stage 2 na ng leukemia ang kanyang kakambal.

Paanong nangyari 'yon ? Hindi naman niya nakakakitaan na sintomas na nasa stage 2 na ang sakit nito.

Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang kalagayan ng kambal sa asawa nito. Hindi niya ata kayang makitang masaktan sa malalaman ang matalik na kaibigan.

Tumungo na siya sa silid kung saan naka-confine ang kakambal. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng biglang bumukas ito. Isang matalim na titig ang sumalubong sa kanya. Si Emery. Mukha itong galit na galit.

At isang napakalakas na sampal ang sumalubong sa kanya.

*pak*

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband's Twin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon