Chapter 1

40.2K 285 13
                                    

Chapter 1

Emery's POV

Ilang minuto na din siyang lumalangoy bago maisipang umahon. Siya ay nakasuot lamang ng 2 piece swim suit na color yellow. Wala naman siyang pangamba na may makakakita sa kanyang katawan dahil nasa loob naman siya ng mansion.

Sa pag-ahon niya hindi siya nag-abalang mag punas o magsuot ng roba. Pinagmasdan niya ang kalangitan. Taos puso ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa mga magagandang nagyari sa kanyang buhay. Walang paglagyan ang kanyang kasiyahan.

Masasabi niyang maswerte siyang tao. Hindi dahil sa karangyaan niya sa buhay kundi dahil sa ilang buwan na lang ay makakasama na niya habang buhay ang taong mahal na mahal niya.

Lumakad siya sa papunta upang kuhanin ang roba dahil nakaramdam siya ng lamig. Bago pa niya makuha ang roba ay may naramdaman siyang mga kamay na pumulupot sa kanyang bewang.Niyakap siya nito mula sa likod. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. Napangiti siya. Isa lamang ang taong gumagawa ng ganoon sa kanya. Ang kanyang matalik na kaibigan.

Sanay na siya sa pagiging clingy at touchy nito. Kung hindi lang pusong babae ito ay mapagkakamalan niyang may gusto ito sa kanya. Pero mukhang malabong mangyari iyon dahil mahal niya ang kambal nito at isa pa mas malandi ito sa kanya.

Napasinghap siya ng maramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang kanang balikat at ang kamay nito ay pumipisil ng marahan sa kanyang bewang. Umakyat ang halik nito pataas sa kanyang leeg. Hinarap niya ito upang maputol ang ginagawa nito sa kanya.

Pinulupot niya ang kanyang kamay sa may leeg nito.

“Ikaw bessy ha ! Wala ka sa engagement party ko kanina ? Siguro ng lalaki ka no !” nagtatampo siya talaga sa kaibigan. Mahalaga sa kanya ang araw na ito. Kung sino pa’yong pinaka importante ay siya pang wala. Mawala na ang lahat huwag lang ang kanyang gay bestfriend.

“Hihihi…. Hindi ah !” tanggi nito sa kanya.

“Kung hindi eh bakit wala ka kanina sa engagement ko ?! alam mo naman na mahalaga sa akin iyong araw na ‘yon… tapos wala ka pa….” Pinalo niya ito sa may dibdib.

“Hay naku ! bess tampurorot ka naman eh ! Andoon ako pero abalang abala ka sa kambal ko kaya hindi mo ako napansin… ako dapat ang magtampo eh..” malanding sabi nito sa kanya.

Eh ?! Pumunta ito ? Naandoon siya ? Bakit hindi pa ito nagpakita sa kanya ?

“Eh kung pumunta ka bakit hindi ka nagpakita sa akin ?”

“Tss.. para lalo akong mag selos….. ?” halos pabulong na sagot nito sa kanya.

“Ano ‘yon bessy ?” Hindi kasi niya masyadong narinig ang sinabi nito.

“Wala sabi ko malalapitan ba kita ? eh… kapit tuko ka sa kambal ko ?”

“Ang sama-sama mo talaga !!!” Humilig siya sa may dibdib nito. “Pero bessy.. sa kasal ko ha.. huwag na huwag kang mawawala..” Hindi ito sumagot.

My Husband's Twin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon