Chapter 4

19.3K 175 5
                                    

Chapter 4

Emery's POV

"OMG !!! Talaga bessy !! hindi talaga ako maka-get over.. hihihi.. he kissed me.. he kiss--"

Napatigil siya sa pag k-kwento nang magawi ang tingin niya sa taong kinikwentuhan niya.

Mukhang hindi ito nakikinig sa kanya. Nakatingin lang ito sa malayo at.. at nakangiti ?

***boogshh***

"What the ?? bakit mo ako binato ?"

Binato niya ito ng kanyang sandals. Kasi naman daldal siya ng daldal eh un kinukwentuhan niya ay nasa mars ang isip ! Sayang lang laway niya.

Hindi niya ito pinansin. Sa halip ay nakayapak siyang bumalik sa duyan na kinauupuan niya kanina. Nasa likod sila ng kanilang mansion.

Mas gusto niya dito kesa sa garden na nasa harapan. Kasi dito nag kakaroon siya ng privacy.

"Hoy babae !" untag nito sa kanya.

"Tse ! ewan ko sayo ! 'wag mo akong kausapin."

"Hay naku.. nakikinig naman ako sayo eh.. Feel na feel ko pa nga 'diba ?"

Napatingin siya.

Feel na feel ang kwento ? Eh hindi nga sa kanya nakatingin ! Meaning wala sa kanya ang attention ng kaibigan.

"Feel na feel ka dan !" umirap siya dito. "O sige nga kung nakikinag ka anong sinasabi ko ?" hamon niya.

"You were saying na you really enjoying the kiss." Taas baba pa ang kilay nito sa kanya.

Nganga siya.

Nakikinig nga ito. Bigla tuloy siyang napahiya. Alam din niyang pulang-pula na ang kanyang mukha.

"Masarap ba ?" dagdag pa ng kaibigan.

Wala siyang nasabi. Siya ang nauna pero siya ang tiklop. Sino bang hindi maco-conscious sa ganoong topic 'diba ?

Binato na lang niya ito unan upang matakpan ang kanyang pagkakahiya.

"Nakaka-dalawa ka ng babae ka ha !" singal niyo sa kanya. Tinamaan kasi ito sa may mukha.

Ayaw na ayaw kasi nito na madadali o mahahawakan ang mukha nito akala mo may mabubura sa mukha.

"Ang arte mo ! Mahina lang naman 'yon."

My Husband's Twin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon