Chapter 5

17.4K 171 4
                                    

Chapter 5

Emery's POV

"Wooooohhhhhh !!!!!!" sigaw niya pagkatapos ilawit ang kalahating katawan mula sa bintana ng sasakyan ni Friks. May pawagayway ng kamay pa siyang nalalaman.

Manghang-mangha siya sa ganda ng kanilang dinadaanan. Ibang-iba ang scenario kumpara sa manila.

Ngayon ang usapan nila na magbabakasyon ng sila lang dalawa. Napagpasyahan nila na sa isang rest house ng mga Villamia sa batangas sila mag bakasyon.

"Umayos ka nga baka mahulog ka ! aishhhh ..." saway sa kanya ng kaibigan.

Sa katunayan, kanina pa siya nito sinasaway. Ayun nga lang hindi niya ito sinunod. Minsan lang manyari sa buhay niya ang ganitong bagay. Palalampasin pa ba niya ?

Heck no !! ;)

"Ang tigas ng ulo mo.."

"Anu ba ! Ang damit ko masisira !" hinatak siya nito sapilitan upang umayos ng upo.

"Tss.."

"Ang KJ mo naman bessy eh !.. minsan lang to okay ?.."

Akma niya muling ilalawit ang ulo ng higitin na naman siya nito.

"Bessy naman !.." umayos siya ng upo at kinagat ang ibabang labi.

"Shit !"

Aba ! at nag mura pa.

"Problema mo ba bessy ?"

"Ikaw." maikling sagot nito sakanya. Hindi man lang siya tinatapunan nito ng tingin. Focus na focus lang sa pag drive.

"Ako ?" tinuro niya ang sarili. "...at bakit ka nag mumura ha ?"

"Don't bite your lips." Hindi nito pinansin ang kanyang tanong.

"Ano ?! Ayaw mo ngang ipalawit ang ulo ko pati ba naman ang pagkagat ko sa labi ko bawal ?"

"Wala kang alam.."

Ano bang nagyayari dito sa kaibigan niya ? Daig pa ang may monthly period sa pag mo-mood swing.

Ayaw niyang masira ang mood kaya umayos na lang siya ng upo at tinuon na din ang tingin sa labas.

Ano kayang mangyayari sa kanilang bakasyon ?

Saan kaya siya dadalhin ng kaibigan ?

My Husband's Twin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon