Chapter 7

13.2K 143 8
                                    

Chapter 7

Emery's POV

Hindi niya akalain na mangyayari ng ganoong kabilis ang kanyang pinapangarap.

Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay. Sinipat niya at pinagkatitigan maigi ang bagay na nasa kanyang daliri. Napangiti siya.

It's their wedding ring.

Yes they got married in L.A noong araw din na pinasundo siya ni Prince.

Pagkadating niya sa L.A ay hinanap niya agad ang kasintahan dahil nag aalala siya na baka may mangyaring masama dito. Huling pag uusap nila sa phone ay he needs her daw.

Ang pag aalala niya ang napalitan ng pagtataka ng sinabi nito na mag papakasal sila agad, sa araw din na iyon.

Hindi na siya nangtanong kung bakit ang bilis naman ata. Hindi ganoong kasal ang pinangarap niya. Gusto sana niyang makasal sa simbahan at maihatid ng magulang sa taong pakakasalan niya. Hindi na siya tumutol siguro naman papakasalan naman siya nito sa Pilipinas ? Inisip na lang niya na mag papakasal din naman sila mas napaaga nga lang.

Muli na naman sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Totoo na ba ito ?

Isa na siyang Mrs. Zhieril Prince Villamia.

"So.. kung hindi ko pa nakita ang kambal ko sa mansion ay hindi ko pa malalaman na kabalik na pala kayo.." tumingin siya sa taong kadadating lang.

Paktay !

Nakalimutan niya na mag pasabi sa kaibigan na nakauwi na sila. Nako pooo..

"Hehe.. ikaw naman bessy ! wala man lang bang welcome back hug or kiss ?"

Pinameywangan siya nito.

Lumapit siya.

"Bessy naman.. sorry na.. huwag ka nang magtampo.." gusto sana niyang sabihin na na-occupy na ng asawa ang isip niya kaya hindi na naalala ang kaibigan kaso alam niyang magtatampo ito. "may pasalubong naman ako sayo.. I'm sure you'll gonna like it."

"Huwag mo akong suhulang babae ka !"

"H-hindi ahh !"

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinisil. Busangot kasi ang mukha sayang ang kagwapuhan... kagandahan pala.

"Ang shakit ah.." hinawakan nito ang kanyang kamay upang alisin sa pisngi.

Mukha itong natigilan. Binitiwan nito ang kanyang kanang kamay at nanatiling nakahawak sa kanyang kaliwang kamay.

My Husband's Twin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon