Ang taong magmamahal sayo - Part 2

223 6 0
                                    

Renmark @ Multimedia

Renmark's Side

Introduction

Ako si Renmark "Ren" Azores, 16 years old, 4th year high school ngayong pasukan, 'Ren ang tawag sakin nina Warren at Max, madali nga namang imikin ang tatlong letra mula sa bibig ng angkang tamad......Simpleng tao lang ako, baka kaya di pa ako nag kaka Girlfriend. ^_^

LAST DAY NG SUMMER VACATION...

 [AUTHOR'S POV]

Nag-uusap sina Ren at Max sa bahay ni Warren.

"Hays! Pasukan nanaman bukas!!!!" ---------Max.------------- "Pero sana naman maraming tranferees."

"At ano naman gagawin mo kung maraming transfer?" ------------------Ren.

"Aba, aba, Ren, minsan lang ang babae. At saka isa pa, wala pa nangyayaring matino satin!" -----------Max.

"Eh , di mapakatino ka . At saka , ikaw lang . Hindi "satin" kasi ikaw naman ang gungawa ng hindi katinuan" -----------------Ren.

 Fourth year na sina Ren , Max , at Warren . Last year na lamang nila ngayong taon . Ngunit ni wala pa maski isa sa kanilang magkakaibigan ang nauugnay sa kung anumang relasyon. Gano'n sila. :)

"AY , siyanga pala , Max! 'Yong utang mong five pesos!" naalalang sabi ni Ren. Napahatsing naman si Max . "Achoo! , Bukas na . Wala na akong pera , eh" sabi ni Max

"Ngayon na! May bibilhin pa ako." -------------------Ren.

"Eto naman , akala mo'y isang wanted ang kausap kung makapaningil . At saka , may bukas pa naman" --------------------palusot ni Max.

"Eh ano yang nakalansing sa bulsa mo?" -----------------------Warren.

"Wala , ah!"----------------- pagkakaila parin ni Max kahit buko na.

"Magsisinungaling kapa huling-huli ka na nga!"---------------Warren

"Hawakan mo 'yan . Titingnan ko " -------------------Ren . Hinawakan ni Warren si Max sa magkabilang kamay upang hindi makawala .

"OO NA! Babayaran na kita! Pinagmumukha niyo naman akong kriminal!" --------------sumusukong sabi ni Max.

Natawa naman 'yong dalawa . "Sus , para ka naman talagang kriminal , kahit buko na tuloy parin ang tanggi!" kantiyaw ni Ren at ni Warren.

NEXT SCENE

Natapos ang araw, naglalakad na pauwi si Ren pauwi sa bahay . Doon siya dumaan sa bangketa kasi may bibilihin pa siya ng may makita siyang pulubi . Naalala niya 'yong limang-pisong ibinayad sa kanya ni Max kanina . Ibinigay na lamang niya 'yong five pesos sa halip na ibili. Nakakaawa kasi 'yong nangangayayat na matandang pulubi. "Lola , eto po , limang piso , pasensiya na kayo kung 'yan lang ang meron ako...." sabi niya habang iniaabot 'yong pera sa kamay nito.

Agad na nangilid ang luha sa mga mata ng matandang pulubi .-----------"Salamat ,apo"-----------, malaking tulong na ito."

"Wala pong anuman." -sabi ni Ren .

Hindi alam niya alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng loob niya para dun sa matanda . Ngumiti ang matandang pulubi . Mula sa mga mata nito ay mababanaag ang kagandahan nito noong kabataan pa lamang.--- "Pagpalain ka sana ng Diyos" wika pa nito --. "Sana nga po." ------tugon niya . Dumiretso na siya pauwi kasi wala na siyang pambili.Pero may napansin siyang babaeng titig na titig talaga sa kanya . Simula no'ng lapitang niya 'yong babae , nakita na niyang nakitingin ito sa kanya pero hindi na lamang niya pinansin , kasi naisip niyang baka coincidence lamang na napatingin sa kanya 'yong babae.

 NEXT SCENE

[REN'S POV]

 "REN , SAN KA NAMAN GALING HA?"------------ agad na salubong kaagad ng nanay.

"Kina Warren po, kasama ko si Max, nag-usap lang po kami" -----------bale-walang sagot ko.

"AT MAGHAPON KAYONG NAG-USAP? " -------------tanong ni nanay saka piningot 'yong tainga ko.

"Ah, Ren, nandito ka na pala , tulungan mo nga yung kapatid mong mag-saing at baka kung ano pa ang gawin"-------------  utos sakin ni Papa

"Opo, pa." -----------------sagot ko.

"Ako na diyan Mari." ---------------sabi ko saka inagaw sa kapatid 'yong kaserola.

"Oh ,  Iyo na!" sabi ni Mari na hindi maipinta ang mukha . Para bang iyong batang inagawan ng laruan . Napatawa tuloy siya pero sandali lng.

"Kuya , pwede bang magtanong?"---------maya-maya ay sabi ni Mari.

"Hmm..?"

"Bakla ka ba? Kasi , halos lahat ng mga kaklase mo mga ka-relasyon na tapos ikaw wala pa . Tapos puro lalaki pa ang kasama mo!."  naka-emphasize na sabi ni Mari.

Nagulat ako .

"Ano'ng bakla ? Umalis ka nga dyan, bubuhusan kita ng tubig, eh!" -----------sigaw ko kay Mari

"Mama ,oh! Bubuhusan raw ako ng tubig ni kuya!!!"---------- patakbong nagsumbong si Mari sa Mama

"REN?!" ----------sigaw ni mama.

"HINDI PO!" ---------sabi ko.

Hanggang sa magtulugan kami , nagtataka parin ako kung sino 'yung babaeng nakatingin sakin kanina ............Hindi tuloy ako makatulog . Ah , hayaan ko na nga lang.

Sino kaya ang babaeng nakatitig sa kanya ng tulungan niya ang pulubi sa kanto?

TBC>>>>> ^^"

Matotachi (kapag tumibok ang puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon