Unang Kabanata : Ang Libro

432 23 14
                                    

***HOY NOTE!!******

Bago magumpisa ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa mga magbabalak basahin ang creation of my imagination na story na ito :) Walang pinagbasihang existing story ang plot ng Desidia, o maski ung name ng story na ito ay coaccident lang (what a word XD)

Lalaki po ang author nyo XD baka mapagkamalan lang ah, puro babae kasi ung laging author dito sa wattpad eh, almost

Hope you all enjoy the story :) 

*********

Minsan, napapaisip na lang ako, napaka galing talaga ng diyos no' ?

Biruin ninyong gumawa siya ng ibat ibang likha na hindi mo maipaliwanag kung paano naganap o hindi lubos maisip na maintindihan.

Halaman, Hayop, Elemento, at tayo, mga tao...

Mga taong halos lahat nalang ipinagkaloob sa atin na gawin ang kahit ano dahil sa ating natural na kakayahan.

Pero, may isang tanong lamang na nagfifieldtrip sa aking isipan....

Sa tingin nyo? Tayo lang ba ang namumuhay sa iisang mundo?

O meron pang ibang daigdig na nasa paligid lang, isang dimensyong hindi mo maiisip na, may kung anung bagay na may kaugnayan sayo at sa kanila...

At alam mong kailangan ka nila... at walang paraan para takasan pa

Desidia at ang Puting Hiyas 

Ang Unang Kabanata : Ang Libro 

*KRING KRING KRIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!*

Hay salamat at tapos na din ang history class namin >.<

Dalawang oras din akong nakatulog ah! Ewan ko ba, pero pagdating sa history eh parang story telling ang naririnig ko at hindi ko talaga maiwasang makatulog.

And sa pagkakaswerte ko pa at sa bandang likod pa ako nakaupo kaya hindi pansin ni bruhitang professor ang kababalaghang ginagawa ko! yeah ^^

Inayos ko na yung mga gamit ko na nakakalat sa may arm rest ng chair ko at inilagay na sa aking green keroppi bag pack ^^ kyut no' ? 

Tumayo na ako at lumabas ng classroom ng biglang may humigit sa kamay ko...

"Iya! Sabay na tayong maglunch ah!" sabi ni cathy sabay kaladkad sakin papuntang canteen, Di halatang gutom ang isang to' ah? =_=

"Ahm... sige ba!"

At nakarating na kami sa canteen, Sobrang daming tao O.o kaya nakipagsiksikan nalang kami ni cathy para na rin makahanap ng table

At AYUN! Meron sa gitna *_* ! Kuminang naman ang mata ko at  sabay kaming nagtakbuhan sa table na yun. May pagka O.A ba? Naku! Himala na lang na magkaroon ng bakante dyan sa dami ba naman ng taong nandito no' ? Lagi nga kami ni cathy kumakain nalang sa may gilid ng corridor eh, para lang kaming tanga dun. Kaya wag na kayong magtaka kung ganyan kami ah?

Umupo na ako sa may table, si cathy naman, ayun bumili na ng pagkain, ililibre daw nya ako ngayon kasi kakatanggap lang nya ng allowance nya. Ako namang si kuripot, syempre, tatanggihan pa ba natin ang grasya? Libre na yan tol! XD

Habang hinihintay si cathy, napatingin tingin lang ako sa paligid, hanggang sa nakita kita! Oo ikaw na nagbabasa! Yah ikaw talaga :) Nakalimutan ko atang magpakilala eh XD

Ako nga pla si Mikaela Vizon, Iya for short, ang layu no' ? Pero mas prefer kong Iya nalang, ang sagwa nung mikaela eh, at makakapatay talaga ako pag yan ang tinawag nyu sakin.. promise no joke >:)

Desidia (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon