Desidia : Ang Paunang Salita
Isang ordinaryong buhay na magbabago na lamang ng dahil sa isang matinding misyon
Isang misyong magbabalik sa isang mahalagang bagay sa kanyang pagkatao
At magdadala sa kanya sa isang mundong hindi mo maisip na namumuhay kasabay ng mundong iyong ginagalawan.
Ang mundong tanging ikaw lamang ang makakapagpanumbalik ng balanse, dahil sa isang bagay na pinagkakaingatan nito na ikaw lamang ang makapagliligtas
Ang mundong magbubukas sa iyong malayang imahinasyon at magbubukas ng panibagong pinto ng iyong buhay
Kasama ang isang nilalang na unti unting bubuksan ang isang pusong nanatiling sarado sa karanasang magmahal, magmahal ng labag sa isang kasulatan
Isang kasulatang maghuhudyat ng isang malaking pagkakamaling maghahatid sa tiyak na
Kamatayan
Tatapusin mo pa ba ang isang misyong matagal mo nang pinanindigan?
O Ipapagpalit sa isang nilalang na iyong ipaglalaban hanggang sa kamatayan
Anong mas pipiliin mo?
Ang strawbery taho na galing sa baguio?
O ang plain na taho na inaalok sa iyo ni manong sa labas ng bahay nyo
At anung kinalaman ni manong mangtataho sa storyang ito?
Halina't alamin ang misteryong bumabalot kay manong at ang kanyang mahiwagang taho
Written by a Programmer
BINABASA MO ANG
Desidia (On Hold)
FantasiaSa mundong binabalanse ng dalawang makapangyarihang hiyas, hiyas na babago sa buhay ng isang mortal, isang dalagang itinadhanang gawin ang isang mabigat na misyong hindi lamang magliligtas sa isang bagay na mahalaga sa kanyang buhay, kundi ang mahul...