Ikapitong Kabanata : Nasyon Ng Oras ; Ang Hilagang Desidia

230 11 1
                                    

Ikapitong Kabanata : Nasyon ng Oras ; Ang Hilagang Desidia

Halos hindi ako makapagsalita at halos matulala lang sa nakikita ko ngayon sa aking harapan

Isang orasan, isang napakalaking orasan

Pero hindi, hindi sya orasan

Isang malawak na bayan na bumubuo ng isang malaking orasan. Detalyadong detalyado ang bawat sulok nito

Mula sa pabilog nitong hugis, na isa palang nagtataasang pader na pumapalibot sa buong lugar, na nagsisilbing mala barikada sa buong paligid

Mala slices naman ng pizza na kumpulan ng ibat ibang imprastraktura, mga kabahayan ata, na pinaghihiwalay ng ibat ibang ilog, na bumubuo ng labindalawang bahagi

At pinagigitnaan ng isang pabilog na lawa, isang kulay asul na lawa, kung saan napapalibutan ng labing dalawang bahagi

At sa sentro ng malawak na lawa ay ang isang malaking isla, na kinatatayuan ng isang pagkataas-taas na tore, isang parisukat na toreng may tatsulok na itaas, at bawat pader nito ay may orasan na parang london tower na may clock

At ang itaas na bahagi nito ay animo'y naglalabas ng isang malakas na asul liwanag hanggang sa kalangitan

Dahil sa napapalibutan ng lawa, ang tanging nagduruktong lamang sa tore at sa labindalawang bahaging nakapaligid dito ay dalawang mahabang tulay

Ang ganda! Mukha na tuloy mga kamay ng orasan yung dalawang tulay, magkasing haba ito kumpara sa ordinaryong orasan na may isang mahaba at isang maliit, pero magkaiba ang kulay ng dalawa, isang puti at isang itim

Napansin ko din ang isang ibong lumilipad palapit sa mga barikada ng bayan na iyon, 

At nang makalampas na ito sa barikada ay bigla na lamang itong nasunog... Hala! Parang may kung anung invisible na bagay ang bumabalot sa paligid ng lugar.. Invisible Barrier??

"Tama na yan, tumutulo na laway mo oh?" sabay angat ni blue boy sa nalaglag kong panga

"Che!" pero sino nga bang hindi mamamangha sa mga nasaksihan ko ngayon? Feeling ko tuloy lumubog ako sa dagat at nakakita ng isang hidden city na atlantis *_*

"Tara na" sabay abot ng kanyang kamay sa akin

"At saan mo nanaman ako dadalhin aber? Sa Impyerno naman ganon?" Naku! Nakakatakot din tong isang to' eh, kung saan saan nalag din ako napapadpad ng dahil sa kanya, kung hindi sa tuktok ng puno, eh san pa?

"Dami pa kasing pinagsasasabi eh" sabay hatak nanaman sa aking kamay

At nagumpisa na ulit kaming maglakad, but this time, hawak hawak ni blue ang kanang kamay ko... Para daw hindi ako maginarte..

Pero bakit parang may kung anung pakiramdam akong nararamdam, dahil ba sa init ng kamay nya? Essssh!! First time din kasing maglakad ako ng may kahawak na ibang tao, kay kuya mark ko lang nagagawa tong mga ganito eh

"Hanggang dyan nalang kayo! Nasaan ang inyong mga pagkakakilanlan?"

Isang malaking taong nakasuot ng mala bakal na pananggala na may hawak na isang mahabang sibat ang tumambad sa amin

Nasa harap na pala kami ngayon ng napakalaking blue gate, may number 6 ito sa itaas, na napapaligiran ng mga sundalong kulay asul. Lahat sila nakatingin sa amin na parang mga nakawalang tigre sa gubat na handang pumatay ng tao >.< scarry

"Taga hilaga kami" sagot ni blue boy sabay angat ng kanyang kaliwang braso

"Ikaapat na bahagi" sabay turo nito sa isang bagay na nasa kanyang wrist, isang orasan

Desidia (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon