Ikaapat na Kabanata : Ang Puting Hiyas
****HOY NOTE!!!!
Wala lang XD Sige na ituloy nyu nalang ang inyong pagbabasa... isipin nyu nalang na hindi ako nageexist! Haha go lang XD
****************************************
"Mga walang hiya kayong mga impaktitang walang magawa sa buhay! Sa araw araw nalang na ginawa ng dyos! May gad! Wala naman akong nagawang kasalan sa inyo ah?? Mga hinayupak! Mga Bakulaw! Mga! Mga basta!! I'll drag all of you to hell!!" i said at the top of my lungs and my stomach, and my pancreas and my intestines (small and large) and all of my organs >.<
"Takte ang ingay naman oh!!" biglang sigaw nung isang nilalang di kalayuan sa aking likuran
Wait! Alam ko ung eksenang to ah? Ilang beses nang nangyari to' sa mga koreanovelas, na may isang babaeng magsisisigaw sa may rooftop at may isang natutulog/nagbabasa na lalaking magigising/maiistorbo at magagalit. Gwapo ang mga lalaking nasa ganyang scene, at nagkakachance pa nga na magkatuluyan sila eh //^_^// ay shemay!!
Unti unti naman akong lumingon sa aking likuran
at VIOLA!!
Si manong janitor na naglilinis sa isang side ng rooftop ang humarap sa akin. BOOM! Basag lahat ng mga pangarap ko >.< Sabi ko na nga ba sa mga koreanovelas lang un eh!
"Sorry po manong... " sabay yuko-ng-disappointed-look at nagumpisang lumayo
lakad lakad lang sa paligid ng rooftop habang lumulutang nanaman ang aking ulirat sa pagiisip sa mga nangyari sakin simula palang nung kahapon.
Yung Asul na nilalang na yun? Sinu ba talaga sya? O mas magandang tanong is, Ano ba talaga sya?? Multo?? Hmmm...
Pero diba pag multo di ka nahahawakan kasi tatagos lang sila sayo?? Pero ramdam na ramdam ko bawat dampi ng kamay nya sakin, at yung pagdampi ng mga daliri nya sa mata ko, totoong totoo.
At ang mas pinagtataka ko, is yung parang kilalang kilala nya ako, sinabihan ba naman akong kailangan nya ako? At lalo na nung niligtas nya ako sa pagkakalbo. Hindi naman kaya Guardian Angel ko yun? Aba masyado naman atang gwapo yung binigay nyo sakin god //>.<//
Since ayoko pang bumalik sa classroom namin at ayoko din namang masayang lang ang oras ko sa rooftop, dumiretso nalang ako sa may library para naman may magawa naman akong may kabuluhan (Masipag akong magaral nu' ? di ko kayang magcutting classes... NGAUN LANG! >.<)
[LIBRARY]
Malaki ang library ng school namin. Mukha nga syang national museum sa sobrang laki at sa sobrang dami ng bookshelves eh. Pero sa laki ng library na to' ay ang sobrang dalang ng mga taong pumupunta dito. Ewan ko ba, baka hindi lang nila hilig ang magbasa.
Dumiretso ako dun sa literature section kung saan tatambad sa inyo ang mga maladambuhalang bookshelves na puro humor and romance ang genras. Isa don ay ang bookshelf na punung puno ng HYSTG Stories, at ung isa naman ay puro stories ni Alessana_Marie (Maka plug lang eh? WagaS! XD)
Kumuha ako ng book (kayo na ang magdecide kung saang shelf ako kumuha) at pumwesto na dun sa isang bakanteng table na napapaligiran ng mga book shelves at isang glass wall, na halos kita ka na sa labas. Malamang Transparent
Tawa lang ako ng tawa na akala mo wala ng bukas XD habang binabasa yung book. Ganda eh!! hanggang sa maisipan kong iuwi nalang to' sa bahay para dun ko nalang ipagpatuloy. At syempre kelangan ng library card para dyan, which is nasa bag ko naman :)
Binuksan ko ang bag ko at hinalughog ang bawat sulok, pero anak ng bakang may bangs! Di ko makita >.<
Tinaktak ko yung bag ko sa may desk haggang sa maglagapakan ung mga gamit ko sa may table. Puro libro at kung anik anik na mabigat ung laman nyan, kaya pag buhat buhay ko yang bag nayan para bang 'Pasan ko ang Daigdig' sa bigat =_=, at syempre pag mabigat ang bumagsak, malamang maingay
BINABASA MO ANG
Desidia (On Hold)
FantasySa mundong binabalanse ng dalawang makapangyarihang hiyas, hiyas na babago sa buhay ng isang mortal, isang dalagang itinadhanang gawin ang isang mabigat na misyong hindi lamang magliligtas sa isang bagay na mahalaga sa kanyang buhay, kundi ang mahul...