Ikalawang Kabanata : Ang Susi at ang Kwintas

322 15 8
                                    

Ikalawang Kabanata : Ang Susi at ang Kwintas

"Desidia"

"desidia? Ang panget naman ng name =_="

mas lalo ko pang inusisa yung libro, sobrang nipis lang nya, kasing laki ng bond paper at may makapal na cover, pero parang isang papel lang ang nasa loob. Sa gilid ko tinignan kaya nakita ko kung gaano ito kanipis.. Wow! Librong isang papel lang?

Sinubukan kong buksan yung libro. Di naman siguro masama diba? Pero pesteng librong to', ang tigas! Pero pagtingin ko sa may likod nito, aba aba! May lock na pwedeng lagyan ng susi! Keyenemenpeleh!

pero sino namang taong maglalagay ng lock sa isang libro? Hindi kaya diary to'? O listahan ng mga drug pushers? Oh may! Baka huntingin aq ng mga to' pag nalaman nilang nasakin tong libro na to' >.<

Babalik na sana ako sa loob ng school para ilagay sa may lost and found area tong librong to', pero ayun, sarado na ang back door, Uwian na din naman kasi eh... Itapon ko nalang kaya?? Wag sayang, kawawa naman yung mayari nito pag tinapon ko diba?

So no choice, nilagay ko nalang yung libro sa may bag ko at nagsimula nang hanapin ang bike ko na nasa likod lang nung school.

Yeah.. Marunung akong magbike, kahit na nakapalda ako keri na yan ^^ saka im environmental friendly nu' , wag na tayong dumagdag pa sa polusyon :)

5 minutes lang naman ang byahe pag naka bike, medyo malapit lang naman kasi ang bahay namin sa school

"Hello Cruel World!" pambungad ko pagkapasok ng bahay namin

"Oh, bat parang napagbagsakan ka ng langit at lupa?" litong tanung ni kuya Mark

"Wala kuya :) napagod lang ako sa pagbibike"  ako nabagsakan ng langit at lupa? baka ako yung ilang beses bumagsak sa lupa? kung alam mu lang kung ilang beses akong pumalakda sa sahig, kulang na lang magpakasal kami ni Mr.Floor eh >.<

"Umakyat ka na sa taas at magpahinga ka na... nga pla,  wala si papa ngaun kasi may inaasikaso sya sa office" sambit ni kuya habang ginugulo yung buhok ko

"Sanay naman na ako kuya eh" tingin kay kuya na may pilit na ngiti

"Iya.." 

"Sige kuya aakyat na ko"

Then umakyat na nga ako, pumasok sa room ko sabay hagis ng bag ko sa kung saan

sabay higa sa kama ng nakatalikod

Hay, bat ganyan lagi si papa? Lagi nalang wala dito sa bahay, binuro nalang nya ang buhay nya sa pagtatrabaho. Simula nung nawala si mama....

Aish! yan ka nanaman Mr.Tears, tumatambay ka na naman sa gilid ng mga mata ko >.< nahiya ka pa eh? bumagsak ka na nga lang!!

Gumilid ako sa pagkakahiga ko at napaharap sa table ko kung nasaan ang portrait ng mama ko. Kinuha ko iyon at saka niyakap

"Ma, nasan ka na ba kasi? Limang taon ma! Limang taon na nung hindi ka magpakita samin, Bakit? Ni isang sulat wala kaming natanggap? basta ka nlang nawala ng parang bula? Ang hirap ma eh, alam mu ba yung pakiramdam na kahit ni isa sa mga magulang mo hindi ka nahatid sa stage nung graduation mo? Halos mamatay nga ako sa inggit sa mga kaklase kong halos masaya kasi kumpleto sila eh.. eh ako? Panu ako ma? Panu kami ni kuya? Panu na si Papa? Naaalala mo pa ba kami?"

Sumisikip  ang dibdib ko, dati naman masaya ang pamilya namin ah? Yung bang kumpleto kami, kasama ang nagiisa kong ina, kahit yun lang, kahit maraming pang pagsubok na dumaan, basta  makasama ko lang sila masaya na ko.. lalo kana Ma...

At sa higpit ng pagkakayakap ko sa portrait ni mama, basta nalang itong nakalas, as in nagkahiwa hiwalay yung mga bahagi nito

"Hala sya!! timang ka talaga Iya ka, yan na nga lang yung picture ng mama mo eh sinira mo pa?" >.<

Sinubukan ko nang ayusin yung portrait, kinuha ko yung ibat ibang parts at kinabit, yan!! picture na lang yung kulang ^^

Inangat ko na yung picture ni mama ng suddenly...

"Huh? Anu to'??"

Isang goldish key na may parang pretzel like na hawakan, pero bakit naman magkakaron ng susi sa portrait ni mama? at isa pa, wala namang pinto na hindi pa nabubuksan dito sa bahay ah?

Pero hindi lang sya basta key, actually isa syang necklace, white necklace with gold key. A skeleton key like necklace. Ang ganda!  Siguro isa to sa mga alahas ni mama kaya nasa portrait nya to', pero ganun ba kaimportante yung key na to' at maski sa portrait nya ay nakatago to'? Curious

Binalik ko na yung portrait ni mama sa may table ko, pero hawak ko pa din yung necklace, at parang medyo pamilyar yung necklace na yun...

Tinignan ko ulit yung necklace at yung portrait ni mama. at

sa G, Buntis

sa B, Syete

BINGO!!

Suot ni mama sa picture yung necklace na hawak ko ngayon, pero syempre di na ko nagtataka dun, sa kanya to' eh, malamang susuutin nya to'

Tinry ko namang isuit yung necklace, may iniikot kasi doon para magseparate yung white lace, at nag pagkalagay ko na, tumingin ako sa salamin

*_* bagay!! Hindi sya ganon kasikip nor ganun ka luwag... sakto lang talaga sya :)

Kinuha ko na yung jewelry box ni mama sa loob ng drawer ko para dun ko nalang itago yung necklace... kaso may isang napakalaking problema...

HINDI KO MATANGGAL!

POTEK! Parang kanina lang may iniikot dito para magseparate yung lace ah? Pero pinaglalaruan nyo ba ako? kanina pa ko kapa ng  kapa sa lace eh, wala na T_T

Kumuha ako ng nailcutter, gunting, plies, samurai, panggupit ng yero, chainsaw (chainsaw?? OA much?)  pero di pa rin matanggal shemay >.<

Hanggang sa napagod na ako at sumuko na T_T Ang tigas eh =_=

Desidia (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon