Ikawalong kabanata : Sa Ilalim Ng Tatlong Asul Na Buwan

228 14 11
                                    

Ikawalong kabanata : Sa Ilalim Ng Tatlong Asul Na Buwan

"HOY!! TUMIGIL KA MAGNANAKAW!! TULONG!!" pero grabe bat wala halos na tao sa paligid?? Parang kanina lang kulang na lang magkastampede sa dami ah??

At isang nilalang ang biglang lumitaw sa harapan nung magnanakaw... Isang nakaputing lalaking may blue jacket at black pants, may hawak syang maliit na ballpen at itinutok ito sa magnanakaw

"Ibalik mo yang bagay na yan sa binibining nasa likod mo kung ayaw mo pang malusaw ng wala sa oras!" nakangiting pagbabanta nung makisig na nilalang, mukha syang model >.<

"Sus, anu namang magagawa nyang panulat mong yan dito?"

At naglabas naman ang magnanakaw ng isang malaking espada, malaki talaga as in mas malaki pa sa kanya.. pano nya kaya nabubuhat yun? At san naman naggaling yun

"At ano namang ginagawa ng isang mandirigma sa aming nasyon? Naghihirap na ba ang kanlurang desidia kaya dito ka sa mayamang hilaga namin nambibiktima?"

"Aba, ang yabang mo din ah??!!" bigla itong tumalon papalapit kay mr. model at aktong iwawasiwas ang kanyang espada sa kanya

Pero nganga na lang ako.. sa laki ng espadang iyon, yung ballpen lang nya ang pinansalag nito.. na halos parang walang kahirap hirap at animoy pitik lang ang katumbas

Tumalon paatras yung magnanakaw at inilapag ang bag ko sa sahig

"May araw ka din sakin!" sabay ang isang mataas na lundag nito papunta sa sa bubong ng tindahan sa gilid, hanggang sa nawala na lamang ito.. Ninja??

Lumapit naman si mr. model sa may bag ko at iniabot sa akin na halos di makagalaw sa mga nakita ko.. sa tv ko lang nakikita yung mga actions na ganyan, anime pa nga eh

"Sa susunod wag kang maglalakad ng magisa sa lugar na ito, maraming tagalabas ang nagkalat, masyadong delikado para sa babaeng katulad mo, Ayos ka lang ba?"

"Ah... ehh.. oo ayos lang" sabay abot ng bag ko

"At anu namang ginagawa mo dito? Alam mo bang abandonado na ang bahaging ito?" nagtataka nitong tanong habang bahagyang nakayuko, masyado kasi syang matangkad

"Nawawala kasi ako eh, nahiwalay ako sa mga kasama ko, at hindi ko na alam kung nasan sila, di ko na alam T_T" mangiyak ngiyak kong sagot.. nasan na ba kasi yung mga yun?

"Sasamahan na lang kitang hanapin yung mga kasama mo" nakangiting sagot nito

"Talaga?? Salamat!!!" sabay bow

Hayy salamat.. grabe ang bait naman ng isang to', iniligtas na nga nya ako tapos sasamahan pa nya ako... kakahiya na... essh...

Kinuha nya ang bag ko sabay umpisa na sa paglalakad

"Uyy!! Teka ako na magdadala nyan!!"

Pero hindi nya ako pinansin, Naglalakad pa rin sya, kaya hindi na rin ako nagulit.. Grabe, gentleman, di katulad nung isa dyan (blue boy) pwee!! Halos makapunta na kami dito ako pa rin may pasan >.<

"Mas maganda kung sa may bridge stop na lang tayo mag abang, mas maraming taong dadaan dun mamaya, mas malaki din ang tyansa na makita mo yung hinahanap mo"

"Ahmm... sige.." malay ko ba kung san ako pupunta.. mas maganda na din siguro kung sundan ko nalang sya.. pero san daw?? Bridge Stop?? Parang Bus Stop lang ah, pero bakit bridge?

Naglakad lakad lang kami, halos hanggang chest nya lang ako, pero hindi ako maliit, mas malaki lang talaga sya, Okay?

Sa paglalakad, napansin ko yung bagay na nakasabit sa bewang nya, sa kanan, mala pocket na may nakalagay na ibat ibang ballpen, blue, red, green, white, at black. Nagdodrawing ba tong isang to'? Baka writter? Eh bat wala syang dalang papel?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Desidia (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon