Chapter 12

660 21 0
                                    

~ Minnie ~

KALALABAS pa lamang namin ng building para sana pumunta sa likod ay nakita ko na agad si Uno na balak yatang salubungin kami—ako sa paglalakad. Nang magkaharap ay hinila niya ako sa braso at kinaladkad papunta sa kaming dalawa lamang ang makakarinig sa kung anumang sasabihin niya.

“Ano na naman?” inis kong tanong pero seryosong-seryoso ang kanyang mukha.

“Kailan mo balak sabihing may banta sa buhay mo?” Nagulat ako sa tanong ni Uno.
“At paano mo naman ’yan nalaman?” tanong ko.

“Ipinaalam sa akin ni Jenny ang tungkol dito dahil hindi ka raw niya masyadong mababantayan. Alam na nina Cortez ang sabwatan ninyo kaya sinasadya na raw siyang isama sa mga mga buy bust operation para lagi siyang wala rito. So mayroon ngang banta?” inip niyang tanong.

“Wala aman akong pakialam sa ganiyan. May banta-banta pang nalalaman. Tuluyan nila ako kung tutuluyan nila.” Naihilamos ni Uno ang palad sa kanyang mukha.

“Anong plano mo?” tanong niya.

“Hahayaan ko sila. Bahala sila pero sisiguraduhin kong hindi iyon magiging madali sa parte nila.” Natawa si Uno sa sinabi ko.

“Talagang hindi iyon magiging madali. Kailangan muna nila akong mapatay bago ka nila magalaw!”

“Uno—”

“Makinig ka, Minnie...narinig nina Jojo ang plano nila. Ilalabas ka nina Cortez at itatago para palabasing tumakas. Hanggang sa maglalabas sila ng order na shoot to kill. Papatayin ka nila sa isang lugar at palalabasin na nanlaban kaya ka binaril. Delikado ka na rito, Minnie, dahil planado na nila ang lahat. Anumang oras ay may dadampot sa iyo.”

Alam kong delikado ako rito sa loob kaya hindi na iyon nakabibigla. Ang tanging ikinagulat ko lamang ay ang detalyadong hakbang para ma-despatsa na ako. Balwarte ito ng mga kalaban kaya wala akong magagawa oras na isagawa nila ang plano.

“H-hindi...hindi ko alam ang gagawin,” pag-amin ko. Totoong hindi ko alam ang gagawin sa ngayon. Kailangan kong makaisip agad ng paraan para malusutan ’to.

“Natatakot ka ba?” kalmado pero seryoso niyang tanong. Hindi ko na alam ang salitang ‘takot’. Bata pa lamang ako ay sinubukan ko nang maging matapang. Kahit gaano kadelikado ang isang gawain, alam kong kaya ko. Pero ngayon, siguro nga ay takot ang nararamdaman kong ’to.

“Hindi ko alam...” sagot ko. Tumango si Uno at tinitigan ako. Marahil ay binabasa niya ang nasa isip ko.

“Ako ang bahala sa iyo, Minnie.” Mayamaya ay may lumapit na sa aming pulis at dinala na sa livelihood program.

Maghapon akong hindi iniwan ni Uno. Pero ngayong isang oras na lamang ay kinakailangan na naming bumalik ng selda, hindi na siya mapakali.

“Bakit, Mayor?” Nahalata na rin nina Mang Jojo ang pagiging tuliro ni Uno. Nagpalinga-linga si Uno sa paligid para tingnan kung may ibang tao malapit dito sa mesa namin. Nang makitang abala ang lahat ay saka siya nagsalita.

“Hindi ako papayag ng ganito,” aniya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Mang Rudy. Sumandal si Uno sa mesa para mas lalo kaming magkalapit-lapit at saka mahinang nagsalita.

“Itatakas kita, Minnie,” walang pag-aalinlangan niyang sabi.

“Ano?” gulat kong tanong. Hindi siya basta nagsa-suggest lang, talagang nagdedeklara siya ng pagtakas.

“Mayor, bakit? Lalong bibigat ang kaso ninyo,” sabi ni Donna pero umiling si Uno.

“Wala akong pakialam. Hindi ligtas ang lugar na ito para kay Minnie.”

Serezo Penitentiary [First Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon