CHAPTER 3

6.9K 61 3
                                    

A/N: Sorry for the super late update. I'm too busy with my studies, that's why. Hope you like this chapter.

OTH

Pagpasok pa lang namin sa ospital ay sobra na akong nanginginig dahil sa kaba. Natatakot akong may mangyaring masama kay Mama. Natatakot akong mawala siya sa amin. Ayokong may mawala na naman sa mga mahal ko sa buhay.

Nung mawala si Papa, hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahong iyon. Kaya baka hindi ko kayanin kapag pati si Mama ay mawala.

Nang makarating kami sa Nurse's Area tinanong agad ni Lee kung saan dinala si Mama. Sinabi naman nung nurse na nasa Operating Room si Mama. Lalo akong natakot.

Agad kaming pumunta sa Operating Room. May naabutan kaming dalawang pulis sa labas niyon, siguro mga investigator. Nang makalapit kami sa pwesto nila, agad na kinausap ni Lee ang mga ito.

"Kayo ba ang pamilya ni Mrs. Lucilla?" tanong ng isang pulis na nasa mid-30's.

"Opo. Ano po bang nangyari?" tanong ni Dreike. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Sabi ng mga saksi, habang tumatawid daw ang inyong ina sa national highway ay may dalawang lalaking nang-hold up sa kanya. Nanlaban ang inyong ina at nagmakaawang huwag kuhanin ang kanyang pera dahil daw para iyon sa inyo. Naagaw niya raw ang bag niya at tumakbo patawid sa kabilang kalsada, pero sa kasamaang palad, nasagasaan siya ng rumaragasang truck. Her head was damaged..." hindi naman naituloy ng pulis ang sasabihin niya dahil biglang lumabas ang doktor mula sa Operating Room.

"Are you the relatives of the patient?" tanong niya agad sa amin.

"Y-yes. How's mom? Ano na po ang lagay niya?" tanong ko.

"I'll be honest with you, Sir. Her condition is critical. Her brain was seriously damaged. Malaki ang posibilidad na ma-coma ang inyong ina. Hindi rin namin masasabi kung kelan siya magigising. Or worst, baka di na siya magising." paliwanag niya. "Excuse me." paalam niya saka muling pumasok sa Operating Room.

Bigla namang gumuho ang puso ko nang marinig iyon. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kaya. Hindi pa ako handa. Ayoko.

Si Mama. Si Mama na palaging nandiyan kapag may problema kaming tatlo. Si Mama na palaging nagpapasaya sa loob ng bahay. Si Mama na palaging nandiyan para suportahan kami. Si Mama na palaging ginagawa ang lahat para sa amin, para sa ikabubuti namin. Si Mama na palaging nag-o-over react sa mga bagay-bagay. Si Mama. Si Mama na mahal na mahal kami. Si Mama na handang ialay maging ang sarili niyang buhay para sa amin.

Masyado pang maaga para kunin siya sa amin. May edad na rin siya para sa ganitong paghihirap. Marami pa siyang pangarap sa amin. Gusto niya pa na makitang magkakaroon kami ng mga kasintahan. Ihatid sa altar at ikasal. Magkaroon ng maraming apo sa amin. Magkaroon kami ng magandang buhay. May pangarap pa ako na gusto kong makita niya. Ang makapagtapos ng pag-aaral. Ang maiahon siya sa hirap. Ang tumigil siya sa trabaho at kami naman ang magsisilbi sa kanya.

Pero...

Natatakot ako sa posibilidad na nabanggit ng doktor. Natatakot akong sa isang iglap, mawala ang mga pangarap niya. Natatakot akong mawala siya.

"Sssh! Everything's going to be fine." Lee said as he caressed my back.

"I'm s-scared." I cried.

THREE SONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon