CHAPTER 9

5.4K 60 14
                                    

A/N: It's been two months now since I last updated. And I feel sorry for letting you wait (I got my first job, that's why).

For my super duper late ud, here's Chapter 9 for you guys. Enjoy!

***

OTH

"Be my sex slave and your secrets will forever be a secret."

Ang mga salitang binitawan ni Bench ay paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan.

Hindi ko akalain na darating ako sa punto na kailangan kong magdesisyon. Desisyon na kailangan kong pumili sa dalawang bagay.

To be honest, I don't like the idea of being a sex slave. Sino ba namang magnanais na maging isang sex slave? Matapos ng pinagdaanan ko sa kamay niya, hindi ko na gugustuhin pang babuyin niya ang katawan ko.

Ngunit sa kabilang banda, kapag hindi ako pumayag sa nais niya, lalabas ang sekreto naming magkakapatid. Natatakot akong husgahan kami ng mga tao. Natatakot akong kamuhian at pandirihan nila kami.

Bakit kailangang umabot sa ganito? Nang dahil sa akin, madadamay ang dalawa ko pang kapatid.

Muli akong bumuntong-hininga. Kanina pa akong naka-upo sa harap ng hapag-kainan ngunit hindi ko pa rin nagagalaw ang pagkain ko.

"May problema ba?"

Nagulat ako nang yakapin ako ni Lee. Agad akong napatayo para kumawala sa yakap niya. Napansin kong nabigla siya sa naging kilos ko.

"Kanina ka pang tulala," aniya. Naupo siya sa isa sa mga upuan. Ipinatong niya ang dalawang siko niya sa lamesa at ipinatong ang kaniyang baba sa likod ng kaniyang mga palad. "May bumabagabag ba sa iyo?"

Napalunok ako bago muling naupo. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nangyari ngunit natatakot ako sa maaari niyang gawin.

Ilang araw na ba akong ganito? Isang linggo na marahil. Matapos akong ihatid sa bahay ni Bench, naging mailap na ako kay Lee maging kay Dreike. Paulit-ulit nga akong kinukulit ni Dreike sa kung ano raw ba ang ginawa namin ni Leonie sa loob ng isang gabi.

Noong una, nagtaka ako kung bakit niya nabanggit si Leonie. Ngunit noong maalala ko na ginamit ni Bench ang cellphone ko para sabihing may gagawin kami sa bahay nina Leonie, naintindihan ko na kung bakit.

Sinabi ko na lang sa kanila na may tinapos kaming project, since iyon ang sinabi ni Bench sa kanila. Akala raw nila, kinidnap na ako.

I have no choice but to keep what happened that day to myself. Isa pa, nakasalalay rito ang mga sekreto namin. Baka kapag sinabi ko sa kanila, ipagkalat ni Bench ang sekreto namin.

Sinimulan kong kainin ang pagkain ko kahit na wala akong gana. Isa pa, baka magtampo si Dreike sa akin, siya pa naman ang nagluto nito. Ilang beses na ba siyang nagtampo sa akin kapag hindi ko kinakain ang luto niya? Maraming beses na!

"Kala ko, hindi mo na gagalawin ang luto ko." nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot si Dreike. Naupo siya sa paborito niyang puwesto, sa tapat ng wall fan. "Handa na ang mga palad ko para ihampas sa mukha mo, eh!"

Napairap na lang ako sa kaniya. Wala akong panahon para makipagtalo sa kaniya.

Habang kumakain, nabitawan ko ang hawak kong kutsara nang biglang kumirot ang butas ng aking puwetan. Agad akong napatayo at tumakbo sa banyo. Narinig ko pang tinawag ako ng dalawa ngunit minabuti ko na 'wag na lang silang pansinin.

THREE SONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon