CHAPTER 1

13.2K 84 1
                                    

OTH

"Lee, nasaan na ba si Dreike? Kanina pa yun, ah. Baka magalit si Mama dahil mahuhuli na naman tayo sa pag-uwi." sabi ko. Palagi kasi kaming nahuhuli sa pag-uwi at dahil yun kay Dreike. Kung hindi dahil sa practice, dahil sa mga babaeng nililigawan niya.

"S-sorry, nalate ako. Ang tagal kasing magpalabas ng teacher namin." pareho kaming napalingon ni Lee sa kadarating lang na si Dreike. Inayos nito ang magulong bag habang habul-habol ang hininga.

"Teacher o yung mga nililigawan mo?" pang-aasar ko.

"Loko! Palibhasa wala kayong nililigawan nito ni Lee, eh." sabi niya sabay angkla ng kamay niya sa amin ni Lee.

"Get off me!" inis na sabi ni Lee. Kahit kelan, napakasungit niya. Noon pa man, masungit na siya. Simula nung makilala ko sila ni Dreike, napakatahimik niya. Ayaw kumibo. Daig pa ang babae sa kasungitan.

"Alam mo, Lee, di na ako magugulat kung aamin ka sa amin ni Oth na bakla ka." ani Dreike. Oo nga. Para ngang bakla itong si Lee.

"Say that again, basag yang mukha mo." ani Lee. Natahimik naman si Dreike dahil don. Pagdating kasi sa pisikalan, si Lee ang mas lamang sa amin. Naalala ko nung fourteen years old kami, nag-away kami ni Dreike dahil sa paglalaro namin ng video game. Tapos naghabulan kami nun, at nadali ni Dreike yung paa ni Lee, kaya naman nagalit siya at sinuntok niya si Dreike.

"Hoy! Anong inginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ni Dreike. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

"Wala! Duwag ka pala, eh." sabi ko sabay takbo dahil alam kong rarambulin na naman niya ako.

"Hoy! Bumalik ka rito, gago!" sigaw niya. Pero binelatan ko lang siya kaya naman lalo siyang naasar at lalo akong hinabol.

Habang tumatakbo, napatigil ako dahil may nakita akong mga asong nagbabangayan sa daraanan namin. Sakto namang naabutan ako ni Dreike.

"Gago ka, ah. Pinagod mo ako." aniya sabay suntok sa braso ko.

"Dreike!" tawag ko.

"Oh? Huwag mong sabihing natatakot ka sa mga asong yan?" tanong niya na may halong pang-aasar. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Ayaw ko kasi sa mga aso. Na-trauma ako sa kanila simula nung hinabol ako ng aso nung bata pa ako. Sobrang natakot talaga ako nun kaya naman inayawan ko na ang mga aso simula noon.

"Tss! Ikaw pala ang bakla, eh." pang-aasar niya pa.

"Gago! Tara na nga." sabi ko at lumipat ako sa pwesto niya para di ako makalapit sa aso. Naglakad na lang kami pauwi.

"Mga duwag." napalingon naman kami pareho ni Dreike kay Lee. Duwag daw, eh siya nga bakla.

"Ulol! Itong si Oth ang duwag. Kalalaking tao duwag sa aso. Pareho ata kayong bakla nito ni Oth, eh." muli ay inismiran lang siya ni Lee.

Hindi man sa pagmamayabang pero, lumaki kaming may mukhang maipagmamalaki. Si Dreike, na siyang panganay sa aming tatlo, lumaking matangkad, moreno at makinis ang balat. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang mga pilik mata, mapungay ang mata, may dimples sa magkabilang pisngi at manipis ang labi. Malalim rin ang boses niya. Siya yung tipo ng tao na kahit lalaki ay kung anu-ano ang ipinaglalalagay sa mukha. Ayaw niya raw kasi ng tinitigyawat siya, kaya naman, sa aming tatlo, siya ang may pinakamakinis na mukha.

THREE SONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon