CHAPTER 7

5K 45 1
                                    

A/N: As I've mentioned in the previous chapter, Lee is taking the spotlight for this chapter.

***

LEE

"Lee!"

Lumingon ako sa likuran upang harapin ang tumawag sa akin. Isang lalaki ang tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko.

"Where's Joshua?" tanong niya sa akin. Hindi pamilyar sa akin lalaking ito, kaya kunot noo lamang ang isinukli ko sa kaniya.

"Oh! Hindi mo nga pala ako kilala." aniya saka tumawa. "Ako nga pala si Bench, manliligaw niya." he offered his hand for a shake hands.

Nang marinig ko ang salitang "manliligaw" ay agad na kumuyom ang kamao ko. Oth never told me about this guy.

"Hindi niya ba nasabi?" tanong niya. I gritted my teeth.

"Where is he? Wala kasi siya sa library, eh." aniya habang nagkakamot sa kaniyang batok. "He told me to meet him there exactly four. Pero four-thirty na, wala naman siya roon."

"I don't know where he is." I said, looking at him seriously. "Why don't you call his phone and asked him where he is." sabi ko at saka tumalikod. Maglalakad na sana ako palayo nang muli siyang magsalita.

"Kaya nga kita nilapitan para hingin sana ang numero niya." muli ay nilingon ko siya at tiningnan ng seryoso.

"I, myself, don't entertain anyone that I don't know." I said, frankly. "And I don't give my siblings' personal information to any strangers, especially to you. Hope you understand." sabi ko saka siya iniwan. Tinawag pa niya ako ngunit di ko na siya nilingon.

Why didn't he tell me about that guy?

As I was walking, nakita ko si Oth na nakatayo sa waiting area. Mukhang hindi siya mapakali at mukhang may tinataguan.

Tinawag niya ako nang makita niya ako. Nilapitan ko siya at hinintay na magsalita.

"Did you see Bench?" he asked. Nagpintig ang mga tenga ko nang marinig kong muli ang pangalan ng lalaking iyon.

"Oo. Hinahanap ka nga sa akin, eh." inis kong turan. "Una na ako. Inaantok na ako, eh." aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Sabay na ako."

"Eh? Kala ko magkikita kayo?" tanong ko. "Siputin mo na iyon."

"Lee!"

"Why?"

"Are you jealous?" I choked. Am I jealous?

"Of course not. Why would I?"

"I don't know."

"Why didn't you tell me about him?"

"Look!" he sighed. "Bench is a classmate of mine. Nagulat ako nang sabihin niya sa akin noong nakaraang linggo na gusto niya ako at balak niya akong ligawan."

"Kaya pinayagan mo siya?"

"Of course not." aniya. "Sinabi ko kanina na magkita kami sa library para ilihis siya. Ayokong magpaligaw roon, ano."

THREE SONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon