CHAPTER 5

5.9K 45 2
                                    

A/N: It's been months since I last updated, hehe! Sorry for this super duper late update.

Anyway, since COVID-19 is spreading worldwide, please stay at home. Please do follow what the authority ordered.

Please don't get sick and stay healthy.

For this chapter, we have Dreike to take the spotlight!

***

DREIKE

"Oth, ikaw nga ang gumawa nito."

"DREIKE!" sigaw niya. Kumunot naman ang aking noo at inosenteng tumingin sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" sabi ko at isang ngiting nakaloloko ang sumilay sa aking labi.

"Napakabastos mo!" inis niyang turan saka tumalikod. Lalabas na sana siya ng kuwarto nang muli akong magsalita.

"Joke lang! Ang oa mo naman. Bakla ka ba? Parang di ka lalaki, ah!" sabi ko saka tumawa. Humarap siya sa akin sabay irap at saka lumabas ng kuwarto.

Naibato ko ang unan nang maupo ako sa kama. Nakaramdam ako ng inis sa sarili. Agad akong nagbihis. Habang sinusuot ko ang aking sapatos, biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Dreike, nasan ka na?" turan ng kausap ko sa kabilang linya.

"Papunta na ako." sagot ko saka ko ibinaba ang linya.

Dali-dali akong lumabas ng kuwarto nang matapos akong magbihis. Nakita ko sina Lee at Oth na masayang naghahampasan ng mga throw pillow sa sala.

"Oth!" tawag ko. Halatang nagulat siya sa pagtawag ko. Bigla naman silang tumigil sa ginagawa at inayos ang sarili.

"A-aalis ka?" nauutal nitong tanong. Hindi rin siya makatingin sa akin ng deretso.

"May trabaho ako, eh."

"S-sige, ingat k-ka."

"Kayo rin." sabi ko saka lumabas ng bahay. Hindi ko pa man naisasara ang pinto ay narinig ako ang sinabi ni Oth.

"Lee, tama na!" aniya sabay tawa.

Umalis na ako at nang makakita ng taxi ay agad akong sumakay. Nakareceive naman ako ng text mula sa kausap ko kanina sa telepono na magkikita kami sa cafe malapit sa school.

Nang makarating ay agad akong pumasok sa loob ng cafe at hinanap ang taong katatagpuin ko ngayon.

"Dreike!" napalingon ako sa tumawag. Agad akong lumapit sa kanya at naupo sa tapat ng upuan niya.

"Ethan."

Ngumiti ito ng malapad na siya namang sinuklian ko.

"Umorder ka na?" tanong ko. Wala kasi akong makitang kahit ano sa lamesa maliban sa kahon ng tissue.

"Hindi pa. Ano bang gusto mo? Libre ko." aniya. Sinabi ko naman ang gusto ko at agad naman siyang pumunta sa counter para umorder.

Si Ethan ay kaklase ni Oth at kaibigan ko simula nang sumali siya sa basketball team ng school namin. Halos tatlong taon na kaming magkaibigan. At halos dalawang taon naman kaming...

"Oh, yung tea mo." kinuha ko ang tea na inorder ni Ethan at agad na humigop doon.

"Saan tayo ngayon?" tanong ko.

THREE SONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon