CHANTRIA FOLLOWS Prince Travis like what Serena wanted. Ayaw man niya pero wala siya namang choice kundi sumunod. Bukod kasi sa nakakapagod ay hindi rin niya alam kung maaabutan niya ba talaga ito. Worth kaya itong pagpapagod niya ngayon? She's a bit annoyed right now and it is shown clearly in her face. Wala siya sa mood para rito dahil hindi naman niya ugaling maghabol.
"Manong, nakita niyo ba na dumaan dito si Prince Travis?" magalang na tanong niya sa bantay sa mismong harapan ng tarangkahan ng Academy. Mas inuna niya kasi itong puntahan dahil nag-i-expect siya na baka lumabas ito ulit ng Academy.
Umiling naman ang guard. "Wala iha. Atsaka mahigpit na ipinagbabawal sa amin ng Headmaster na walang sinuman sa inyo ang palalabasin sa Academy."
She heaved a deep sigh. Wala na namang choice kundi maghanap sa iba.
"Sige. Salamat po."
After that conversation with the guard, she then decided to go to the Enchanted Garden. Umaasa siya na baka doon pumunta si Prince Travis. Habang tinatahak niya ang daan patungo roon ay may nakasalubong siyang grupo ng mga estudyante. This group are consists of 5 students, 3 boys and 2 girls. All of them are wearing the same types of uniform- Class-B at kulay asul ang pangunahing kulay na nagrerepresenta rito.
Gold is for Class-S students, Red is for Class-A, Blue is for Class-B and last but not the least, Black for Class-C. Hindi kasali rito ang para sa mga Healer dahil nakabukod sila sa mga ito. Except Chantria, the first ever Healer to be included in Class-S.
"Magandang hapon po Vice Pres," bati sa kaniya ng mga ito. Habang tumatagal ay nakukuha na niya ang respeto at pagkilala ng mga estudyante sa kaniya. And that's good because she progresses.
Binati niya ang mga ito pabalik at pagkuwan ay nagtanong. "Nakita niyo ba si Prince Travis?"
"Opo," agarang sagot ng isa na ikinangiti niya. Ayown! Finally. "Nandun po siya ngayon sa Garden. Pero huwag niyo muna pong lapitan dahil beast mode ang Prinsipe."
"Anong bago dun? Ang prinsipe niyong iyon ay matagal ng ganun. Pinaglihi yata yun sa sama ng loob." She joke that's why they laughed. Sumingkit naman ang kaniyang mga mata nang may mapagtanto siya.
"Teka, class hours ngayon ah. Bakit kayo nandito sa labas?" she dangerously asked. She didn't tolerate bad deeds here.
Nakita niya naman na namutla ang mga ito. Kinakabahan habang nasa harapan niya. Nagtulakan pa ang mga ito kung sino ang sasagot sa kaniya.
"N-Nag-CR lang po kami," sabi ng babae. "Diba guys?" tanong pa nito sa iba.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Ako ba pinaglololoko niyo?" Napalunok naman ang mga ito dahil sa biglang pagtaas ng kaniyang boses. Hindi lang boses pati blood pressure niya. "Ang pag-CR ba ngayon ay by group? At kung magdadahilan lang din naman kayo ayos-ayusin niyo naman." Imagine, boys and girls in the comfort room. Oh God. That's rated SPG. "Hala sige, diretso na kayo sa detention room and don't you all dare escape from the punishments."
Nakayuko ang mga itong nagpaalam sa kaniya at pagkuwan ay kumaripas ng takbo palayo sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya at ginulo ang kaniyang buhok dahil sa inis. May mga estudyante talagang pasaway at bilang kasapi ng student Organization ng Academy hindi na ito bago sa kaniya. As a matter of fact, hindi na mabilang kung ilan na ang pinarusahan niya. Kung nakapagsalita lang talaga ang detention room sigurado na nagreklamo na iyon.
Pagkatapos niyan ay pinuntahan niya na si Prince Travis. At hindi naman siya nabigo dahil nandito nga ito sa Enchanted Garden tumatambay kasama ng alaga nitong aso, si Gavin. The Prince is comfortably lying in the grass field while his pet is sitting close to him. Acting as his personal bodyguard.
BINABASA MO ANG
HEALER (Completed)
FantasyPrologue: Healer is considered to be the weakest offensive magic user in the Enchantasia- the World of Magic. However, there's someone who strongly disagreed to this statement and she's no other than Chantria Dionne Selvestre- the woman who possesse...