HV IV : Consequence

2 0 0
                                    


Molly POV

Nasa sala ako ngayon at inaantay ang lalaking nagligtas samin, dahil kinausap ko ang isa sa mga tauhan niya na kailangan ko siyang kausapin

napatingala ako ng may mga yapak akong narinig mula sa hagdan agad akong tumayo ng mapagtantong andito na ang inaantay ko.

Tinignan nya lang ako at naglakad lang sa kung saan man siya pupunta kaya agad ko siyang sinundan

"hi ako nga pala si Molly"

lakas loob kong pakilaa at naglahad ako ng kamay ngunit hindi niya pinansin kaya binaba ko na lang, pakasuplado napairap na lang ako sa isip ko.

"aahh ei"

Napatigil sya sa pag inom ng beer at hinarap ako.

"what do you want?"

napilitan akong ngumiti para makumbinsi ko siya

"ano kase may pakiusap sana ko sayo"

Eto nanaman ako nauutal utal pag siya ang kaharap gusto ko man siyang tignan sa mata ay iniiwasan ko feeling ko kase parang may kakaiba sa mga mata niya sa bawat tingin ko ay hirap akong makawala

"spill it"

Nilakasan ko ang loob ko upang di na mautal

"gusto ko sana na pauwin mo ang bestfriend ko ng ligtas kahit sya lang"

Napataas sya ng kilay at diretsyong tumingin sa akin

"kahit ano gagawin ko pag pumayag ka na pauwiin ang kaibigan ko ng ligtas at walang kahit anong galos"

tila nabuhayan siya sa sinabi ko pero wla na akong paki dun ang kailangan ay mailayo ko ang kaibigan ko dahil ako ang dahilan kung bakit nasa kapahamakan din sya at ayokong makita na masaktan ang kaibigan ko sa lugar na to.

"really?"

mahina akong tumango, lumapit sya ng lumapit sakin at ako naman ay napapa atras hanggang sa macorner na nya ko,
Bigla niyang hinapit ang bewang ko para akong nakukuryenta sa paghawak niya sakin, Maya maya ay dinikit nya sa tenga ko ang mga labi nya at tila para kong napapaso akala ko kung anong gagawin nya pero bumulong lang siya

"tomorrow morning ihahatid siya ng mga bantay then ready for my consequences babe"

Bigla akong napalunok sa sinabi niya, maya maya nagulat ako ng mabilis siyang nawala sa harap ko.

para parin akong tanga na nakatulala sa kawalan ng dahil sa sinabi niya hindi lamang ang mga mata niya ang nagpapahina sakin kundi pati ang kaniya boses




----------

Eto na yung inaantay kong araw ang malayo ang bestfriend ko sa kapahamakan.

"frenny sure ka ba? Gusto mo sabay na tayong umalis"

"hindi na, sige na umalis ka na ayaw kong madamay ka sa gulo na pinasok ko"

Hindi ko na siya pinatapos pumasok na ko ng mansion alam kong ayaw niyang umalis dahil andito pa ko pero mas pinili kong maging ligtas sya kesa maging misserable lang siya, hindi ko namamalayan na may luhang tumulo na pala sa mata ko agad ko itong pinunasan at ngumiti ng mapait, pagkarating ko sa sala ay bigla kong nakita ang taong ayaw kong makita gusto ko umatras ngunit parang may pumipigil sakin, maya maya ay nasa harap ko na siya, napalunok na lang ako

"ready babe"

Kinabahan ako sa pagkakasabi nya dahil kakaiba ang boses nya na parang inaakit ako. Akala ko mas lalapit pa siya sakin kaya tuluyan na kong napa atras ng sobrang lapit nya na sakin ay napapikit na lang ako, inantay ko na may kakaibang mangyari pero wala kaya minulat ko ang isang mata sino ba naman ako para mag ambisyon na may gagawin siya sakin at ano ba tong kahalayan na nasa utak ko

nakitang kong nakangisi sya at tinuro ang pinto palabas nakita ko dun ang isa pang lalaki nilapitan niya to at nag usap sila napatalikod na lang ako gusto ko ng lamunin na lang ng lupa sa inasta ko akala ko akala ko kase ikik~ , napatigil ako sa iniisip ko erase erase hindi mangyayari yun

pag silip ko kung asan sila nakatayo kanina ay wala na sila napabuga na lang ako ng hangin dahil sa kung ano anong naiisip ko sino ka ba talaga at tila may kakaiba sayo at sa lahat ng nakapalibot sa mansyon na ito hanggang ngayon ay hindi pa kita kilala maski pangalan mo ay hindi ko alam

pumanhik na lang ako sa kwarto na nakalaan sakin dito




----------

Enjoy mga bibi ♥️

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon