HV XV : He's Choice

1 0 0
                                    


Molly POV

Nasa sala ako ngayon kasama sina adam, luke, rosa, at halos iba sa mga pack, hindi ko alam kung bakit ako ipinatawag ni adam may importante daw siyang sasabihin, magtatanong na sana ako kung ano yun ng

"get out"

"h-ha?"

Di ko makapaniwalang tanong akala ko ba ok kame baka nag gogood time lang siya pilit akong ngumiti

"I said get out now, are you deaf?"

Umalingaw ngaw sa buong paligid ang boses niya, tila ba tinakasan ako ng dugo ng sabihin niya ito, nilapitan ko siya hahawakan ko sana siya ngunit hinawi niya lamang ang kamay ko, napapaluha na ko sa ginagawa niya diba ok naman kami kagabi may nangyari pa nga samin pero bakit ganto na ngayon ano yun pag tapos niya ko gamitin itatapon niya na lang na parang basura.

"sabihin mong nagbibiro ka lang adam, diba guys nagbibiro lang siya luke rosa"

Tumingin ako sa kanila ngunit agad silang nag iwas ng tingin, so ano to planado lahat ganun ganun na lang kung kailan nahulog na ko sa kaniya tsaka niya ko papa alisin poota naman

"I done with you, don't you ever come back in this place again do you understand"

Tatalikod na sana siya ngunit niyakap ko siya ng napakahigpit ngunit agad niya akong itunulak dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig dun na ko tuluyan napaiyak

"minahal mo ba ko?"

Ayoko man itanong yan ngunit kailangan dahil kailangan ko ng matinong sagot hindi yung iiwan niya na lang ako sa ere ng basta basta

"never, you are just a toy for me"

May ngisi sa labing sabi niya agad ko siyang sinampal, biglang nagdilim ang aura niya at sinenyasan ang dalawang tauhan niya, agad akong kinaladkad ng mga ito ngunit nag pumiglas ako napaka kapal ng muka niyang gawin sakin to

"luke"

Tinawag ko siya ngunit hindi niya ko pinapansin, siguro nga planado nila ang lahat ng ito

"tell me adam planado niyo ba ang lahat ng ito? napaka gago mo kang lalaki ka matapos mo kong gamitin itatapon mo na lang ako ng basta basta napaka wala mong kwenta mamatay ka na sana"

Agad siyang tumango ng may ngisi sa labi, kakaladkarin sana nila ulit ako ngunit nagdalita ako

"wag kayong mag alala hindi niyo na ko kailangan IPAKALADKAD marunong akong maglakad, eto ba ang gusto mo adam ok FINE aalis ako ng bukal sa puso ko tutal yun naman ang matagal ko ng gusto diba pero isa lang ang sasabihin ko kahit kailan hinding hindi na ko babalik sa lugar na to at lalong lalo sayo, napaka wala mong kwentang lalaki, sabagay una pa lang naman masama na ang ipinapakita mo sakin bakit nga ba hindi ko yun napansin bakit ba hindi ko na pansin na ginagamit mo lang ako"

Tuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko sa pisngi napapahikbi na din ako sumisikip na ang aking dibdib

"minahal kita ngunit ito lang iginanti mo, minahal kita ng buong buo, ibinigay ko sayo ang lahat pati ang sarili ko maging masaya ka lang, itong lugar na tong kakalimutan ko to na parang kailan man sa tanang buhay ko ay hindi ako nakarating dito, kakalimutan ko to gaya ng gagawin kong paglimot sayo na tila ba hindi ka dumaan sa buhay ko"

Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya agad akong tumakbo palabas ng masigurado ko na nakalayo na ako ay agad akong huminto at umupo sa mga puno tuloy tuloy pa din ang pag tulo ng mga luha ko na tila ba walang katapusan

"ang tanga tanga mo"

Para akong tanga na sinisisi ang sari eh ginusto ko naman ang mga nangyari, maya maya ay nakarinig ako ng kaluskos

"si-sino yan?"

Agad na may nagpakita sa akin na lalaking naka itim na kapa, parang familiar siya sakin oo siya nga

"i-ikaw"

Tinanggal niya ang nakataklob sa ulo niya kitang kita ko ang pagngiti niya at tila ba nakaka akit, siguro sa kanya ko na lang itatanong kung saan ang papunta sa haunted village tutal yun naman ang dahilan kung bakit ako nandito ipagpapatuloy ko na

"may tanong sana ko"

"what it is my Lady"

"ahm alam mo ba yung papuntang haunted village"

"papunta din ako dun my Lady gusto mo sumabay ka na lang sakin"

Tumango na lamang ako at ngumiti mukang mabait naman siya kaya ok lang siguro na sumabay ako kaya lang bakit my lady pa ang tawag niya sakin hindi naman ako sa kanya

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon