HV V : Pagka alam

1 0 0
                                    


Molly POV

Nasa kwarto ako ngayon iniisip kung anong magiging consequence ng aking hiniling sa kanya, napatingin ako sa pinto ng may kumatok, napabuntong hininga na lang ako at binuksan na ng labag sa kalooban ko kailan ba kasi ako makaka alis dito at makapunta na sa dqpqt kong puntahan, pag bukas ko ang lalaking ayaw kong makita ang andito itinulak nya ko para makapasok siya sa loob at prenteng nahiga sa kama

"ho-hoy anong ginagawa mo"

"Do you want to know my name?"

Kada magtatanong ako nagtatanong din siya pero gusto ko ang itinanong niya ngayon dahil matagal ko ng tinatanong ang pangalan niya hindi niya man lang sinasabi kaya gagawin ko na tong opportunidad para malaman antagal tagal ko na kaseng andito tapos hindi ko manlang alam ang pangalan niya, naglakad ako papunta sa kabilang bahagi ng kama kung saan siya nakahiga at mahinang tumango at

"oo"

Nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko, dibale kase ang pwesto namin siya nasa kabilang dulo ng kama nakahiga habang ako nasa kabila at nakaupo lamang kaya nabigla na lang ako ng hawakan niya ko

"a-anong gi-ginagawa m-mo?"

Para kong nakukuryente sa hawak nya ilang beses niya na kong nahawakan ngunit parang hindi parin ako nasasanay gusto kong kumawala kaso traydor ang katawan ko ayaw kumilos, maya maya may binulong siya

"Adam"

Pagkabulong niya ay bigla na lamang siyang nawala sa loob ng kwarto ko na parang kasing bilis ng kidlat, Adam napaka gandang pangalan ngunit napakasama ng kalooban pero alam kong lalambot din yun pag dating ng araw.




----------

Nasa dining area kami ngayon kumakain ng may biglang dumating

"alpha"

Nagulat ako sa narinig ko narinig ko na ang ganitong salita kaya hindi ko mapigilang magsalita

"a-alpha?"

Nginisian lamang ako ni adam at tumayo na para umalis ngunit agad ko siyang pinigilan

"te-teka"

Natigilan siya sa sinabi ko, sino ba talaga sila ang kwento kwento saakin ng lola kong namatay ay totoo ang mga lycans at sabi niya mag ingat ako sa kanila lalong lalo na sa alpha ang pinakapinuno, nanginginig akong tumayo at hinarap siya

"si-sino ba talaga kayo"

"lycans"

Sumagot siya na parang boring na boring, napaatras ako dahil sa nalaman ko, nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaba napakalakas ng pintig ng puso ko

"pa-paalisin nyo ko dito"

Tumakbo ako papuntang pinto palabas ngunit may bigla agad humarang sa akin at hinawakan ang braso ko pinaharap nila ko kay adam

"pa-palabasin nyo ko"

Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas sila kaya lalong humigpit ang hawak nila dahilan para mamula ang mga braso ko

"bi-bitawan n-niyo k-ko m-mga ha-ha-halimaw"

Nakita kong nag igting ang panga ni adam ng alpha nila bigla ko nitong nilapitan at hinawakan ng mahigpit ang baba ko

"a-aray"

Nag igting ang panga nya, napa luha na lang ako dahil sobrang sakit ng hawak nila sakin, tila bigla siyang natauhan at binitawan ako sinenyasan niya rin ang kaniyang mga tauhan kaya binitawan na ako, nanghihina akong tumakbo paakyat sa kwarto, gusto ko ng maka alis dito upang makapunta na ako sa 1234 kadilim diliman village o kung tawagin ay haunted village kailangan ko na lamang makaisip ng plano para maka takas dito sa mga halimaw.




----------

Tuloy tuloy ang update mga bibi enjoy reading 😘

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon