HV I : Sulat

6 0 0
                                    


Molly POV

Mag isa akong nakatayo sa puntod ng lola ko hawak hawak ang litrato niya. Kakamatay lang ng aking lola dahil sa hindi ko alam na dahilan na maski mga doktor ay hindi malaman kung ano.

Napatingin ako sa gilid ng may biglang kumaluskos. Parati na lang ganto simula ng mamatay ang lola parang parating may nakatingin sakin parating may nag babantay minsan natatakot na lang ako dahil baka isa itong serial killer.

"lola kailangan ko na umalis hanggang sa muli nating pagkikita paalam"

Naglakad na ko paalis sa lugar na to habang naglalakad ako magpapakilala na ko sa inyo ako nga pala si Molly Parker 20 years of existence at guys eto secret lang ha NBSB ako oo nabasa nyo diba as in no boyfriend since birth sino ba naman kase ang magkaka gusto sa tulad ko isang babaeng payat kulot ang buhok at naka eye glasses pa diba ang pangit pero kahit ganun ang sabi ng lola ko maganda ko kaya kapag nasa harap ako ng maraming tao ay yung confidence ko sa sarili ay nag uumapaw bakit ba eh sa sabi ng lola ko maganda ko kaya yun na ang tumatak sa utak ko

Nasa pamamahay na ko na inuupahan namin ng lola ko inililigpit ko na ang lahat ng gamit nya simula sa damit hanggang sa picture nya lahat lahat.

Napako ang tingin ko sa isang baul na maliit agad ko itong kinuha sa sobrang alikabok ay napaubo ako pero kahit ganun ay binuksan ko ito kahit na magkasama lang kami ni lola sa bahay ay mahigpit siya pag dating sa mga gamit niya maski sa akin ay ayaw niya itong ipagalaw pero bago siya mamatay ay sinabi niya na pwede ko ng galawin lahat ng pag aari niya kung hindi niya sinabi yun wala sana ko dito para iligpit lahat ng gamit niya takot ko lang kay lola baka multuhin pa ko

Napanganga ako dahil hindi ko akalain na may tinatagong mamahaling alahas ang lola ko napakaganda nya sobra isa syang kwintas at ang ginawang pendant ay sing sing na may katamtamang laki ng diamond. Pag hugot ko sa kwintas ay agad ko itong pinagmasdan parang may sariling buhay ang mga kamay ko at kusa itong isinuot sa leeg ko

agad akong humarap sa salamin at hanggang ngayon ay mapapa wow ka sa ganda ng alahas na parang hindi lamang siya ordinaryo parang may kakaiba pero hindi ko na lamang iyon pinansin

itatabi ko na sana ang baul ng may mapansin akong maliit na papel agad ko itong kinuha

"grabe naman napakaluma naman na nitong papel na to"

Tinanggal ko ang alikabok ng papel at binasa na

Molly apo alam ko pag nabasa mo na to patay na ko nais ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita apo ko gusto ko sanang pumunta ka sa lugar kung saan ako lumaki sa lugar na pag aari ng pamilya natin. Sana pag dumating yung araw na malalaman mo na ang totoo sana wag mo kong kamuhian apo. Nais ko din sana na suotin mo sa paglalakbay ang kwintas na nasa loob ng baul at wag na wag mo itong huhubarin kahit anong mangyari, Mag iingat ka sa paglalakbay apo, sa lugar na pupuntahan mo dun ka mabubuo at dun mo din malalaman ang impormasyon tungkol sa mga magulang mo.

Ps. Apo eto ang adress kung saan ka pupunta, 1234 kadilim diliman village.

Pps. Paalam na apo mamamahinga na ang napakaganda mong lola


Naiyak ako sa sulat ng lola ko kaso bakit kailangan pa ng pinakamaganda duh ako kaya pinakamaganda charr lang lola, agad kong sinuot ang kwintas, napaisip ako sa sinabi ng aking lola pano ako mabubuo ei buo na naman ako hindi ko na lang pinagtuunan ito ng pansin ang pinaka pinansin ko ay yung malalaman ko na kung nasaan ang mga magulang ko dahil matagal na kong nangungulila sa pagmamahal nila.

agad kong dinampot ang aking cellphone na kanina pa tumutunog

"hello"

"frenny kamusta ka diyan gusto mo bang puntahan kita alam ko kaseng nangungulila ka sa lo~

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita nya

"bessy ang OA mo alam mo ba yun?"

"hindi bes ikaw alam mo?"

"alam mo minsan hindi ko alam kung bakit kita naging best friend duh"

Napairap na lang ako sa kawalan akala ko ako na ang pinaka shonga sa lahat hindi pa pala kase anjan pa yung best friend ko.

"ako din hindi ko alam frenny"

Lintik na

"frenny kung mambwibwisit ka bababa k~

"teka lang naman frenny manganga musta lang ako"

Napa buntong hininga  na lang ako kahit ganyan yang frenny ko lab na lab ko yan

"ayos lang naman ako frenny, nga pala gusto mo ba sumama sakin fre~

Hindi niya na ko pinatapos magsalita sumagot agad sya

"oo naman frenny go ako kahit saan kahit sa mars pa"

"cge frenny babye na itetext na lang kita bukas kung anong oras tayo aalis"

"byeee freeeennnyyy mhuuua"

binaba ko na ang tawag mas muka pa syang exited sakin ni hindi nya nga tinanong kung saan sabagay wla din naman maghahanap sa kanya kase wala na din syang pamilya kagaya ko, kaming dalawa na lang ang magkasanga sa lahat ng bagay kapatid na ang turing ko sa kanya kahit na minsan ay shonga siya hindi lang pala minsan araw araw pala

napasalampak na lang ako sa higaan bukas ko na lang iisipin kung anong mga mangyayari sa paglalakbay namin.


<<<<<<<<<

Enjoy reading

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon