HV VIII : A Gift

1 0 0
                                    


Molly POV

Nagising na lang ako na nasa kwarto ko na ako sa mansyon, pag tingin ko sa gilid andun ang alpha, napatingin siya sakin ng maramdamang gising na ko

"a-anong gi-ginagawa m-mo di-dito"

Hindi niya ko sinagot at nakatingin lamang siya sakin, maya maya ay napahagulhol ako, nagulat ako ng bigla niya kong niyakap

"shhh don't cry"

Tila ba hanggang ngayon ay nakukuryente pa rin ako sa tuwing hinahawakan niya ko, ang bilis ng kabog ng dibdib ko, gusto kong umangal sa ginawa niya kaso hindi ko na lang ginawa dahil feeling ko mas safe ako pag nasa bisig niya ko, patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa naisipan kong tumigil at magtanong sa kanya

"si-sino yung babae kanina?"

Tumingin siya sakin ng seryoso at

"a witch"

"a-anong kailangan niya sa-sakin bakit niya ko tinawag na princesa?"

"I don't know"

Nagkibit balikat siya at tila nag isip ng sobrang lalim hindi na ko nagtanong pa, kahit pigilan ko ang pag iyak ay kusa pa din itong tumutulo, ano ba kasi tong pinasok ko, napahikbi na lamang ako, nagulat ako ng punasan niya ang luha ko, at may inabot saking paper bag

"ano to?"

"paper bag"

Napabuntong hininga na lamang ako bakit ka ba kase nagtatanong pa sa kanya kilala mo naman siya diba hindi siya maayos sumagot, kaya binuksan ko na lamang pero laking gulat ko ng isang hair pin siya

"wow ang gandaaaa"

Isang gold hair pin na may diamond na violet sa tuktok at may parang violet na perlas na tatlo sa ibaba

"salamat"

Nakangiti kong tugon sa kanya, bigla ko siyang niyakap sa sobrang saya ko pero ng marealize ko kung anong ginawa ko ay bibitaw na ko sa pagkayakap ngunit niyakap nya ko pabalik ng mahigpit, maya maya ay may bigla na lang may pumasok sa loob kaya agad akong napabitaw, pag tingin ko ay sina Beta luke at baby rosa, bigla akong nahiya kaya niyuko ko ang ulo ko

"did the both of you know how to knock?"

Inis na sabi ni adam, napangiti na lang ang dalawa at lalo itong kinainis ni adam

"get the hell out of here"

Sa sobrang bigla ay napatayo ako at lalabas na rin ng

"who said you to came out?"

"i-ikaw"

Napabuntong hininga siya

"come here"

Hindi ko alam kung lalapit ba ko o hindi pero mahal ko pa sarili ko kaya lumapit ako mamaya bigla na lamang niyang dukutin ang puso ko, nagulat ako ng bigla niya kong niyakap ng mahigpit

"I don't want any other man make you happy, even my brother"

Nagulat ako sa sinabi niya biglang bumilis ang tibok ng puso ko tila ba parang may nagkakarerahan na kabayo, magsasalita pa sana ko kaso bigla na lamang siyang nawala ng napakabilis, napaisip ako kung sinong kapatid, imposible naman sigurong si beta Luke.

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon