HV VI : Beta

1 0 0
                                    


Molly POV

Pagkagising ko napahawak ako sa braso ko sobrang sakit pag tingin ko mag mga pasa siya kaya napa daing ako

"awww"

napatingin ako sa may pinto dahil may kumakatok pinagbuksan ko kung sino man ang kumakatok, pag kita ko kung sino nag papasalamat ako dahil hindi si adam ang nandito

"ms. Parker"

Muka siyang mabait napaka aliwalas ng muka niya at napaka gwapo niya pero likas ata na mas gwapo si adam pero erase erase hindi ko dapat siya iniisip

"ahm anong kailangan mo?"

Napangiti siya sakin, at maya maya napatingin sa braso ko

"wait lang ms. Parker"

"molly na lang"

nakangiti kong saad

Lumabas siya ng kwarto at maya maya ay may bit bit ng box, nakangiti siyang lumapit sakin

"mukang nasaktan ka kahapon ms.Park"

Gusto ko din magalit sa kanyan kaso ambait ng pinapakita niya sakin, naupo siya sa gilid ko, binuksan niya ang box at pag tingin ko puno ito ng mga gamot, hinawakan nya ang braso ko at napangiwi ako

"sorry"

iniiwasan niyang hawakan ang may pasang bahagi ng braso ko dinadampian niya ng bimpong may yelo ang mga pasa ko, hinayaan ko na lamang siya

"isa ka din ba sa kanila"

Dahan dahan siyang tumango at

" ako nga pala si Beta Luke ms. Parker"

Hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy niya na lamang ang pag gagamot sakin ng matapos siya ay tumayo na siya at

"ms. Parker alam kong galit ka sa alpha pero kilalanin mo muna siya at masisigurado kong hindi siya ganun kasama"

Ngumiti siya sakin pero mukang malabo mangyari ang gusto niya dahil ubod ng sama ang alpha na yun,  aalis na sana siya  pero

"ms. Parker gusto mo bang ipasyal kita"

agad akong napatingin sa kanya at ganun na lamang ka exited ang itsura ko dahil sa wakas ay may magagawa na ko muka naman siyang mabait kaya tumango ako at ayaw ko ding mabulok dito sa bahay siguro magpapakabait na lang muna ko hanggang sa maka alis ako dito

"mag ayos ka muna ms. Parket at mamaya maya ay pupunta tayo sa bayan ipapasyal kita pero bago yun ipapa alam muna kita sa Alpha siguro naman wala kang balak tumakas"

"wala, molly na lang ang itawag mo sakin"

nakangiti kong saad at agad niya din namang ginantian ng ngiti tuluyan na nga siyang lumabas ng kwarto pag kasabi ko nun





----------

Third Person POV

Papunta na ang Beta sa Alpha, nasa tapat na ng pintuan ng opisina ang Beta at agad agad itong kumatok

"come in"

Pumasok na ang beta sa loob ng opisina

"Alpha ipagpapa alam ko lamang sana na ipapasyal ko si ms. Parker"

Napatigil ang alpha sa kanyang ginagawa at tinignan ang beta, naihampas niya ang kamay niya sa lamesa

"no"

Napangisi ang beta

"bakit alpha natatakot ka bang makakatakas siya?"

Napaisip ang alpha

"don't worry Alpha hindi ko hahayaang makatakas siya"

Tumayo na lamang ang alpha at umalis na




----------

Molly POV

Nasa sala ako ngayon tapos na ko mag ayos exited din kase ako mamasyal first time ko maka alis dito simula ng makarating ako dito, inaantay ko na lamang ang beta, habang nag aantay ako ay nakita ko ang alpha ngumiti na lamang ako kahit na nagagalit pa rin ako sa kanya, napatingin siya sa braso ko na may pasa biglang nag igting ang panga nya, napayuko ako, maya maya ay may bigla akong narinig na yapak ng mga paa pag tingin ko ay ang beta na kaya napatingin ako at

"beta luke"

Napangiti ako ng malawak kahit kaka pakilala lang sakin ng beta ay ang gaan na ng loob ko sa kanya, pagtingin ko sa pwesto kung nasaan ang alpha ay wala na siya dun.

"let's go ms. Parker"

Inalalayan na ko ng beta palabas at hanggang sa pag sakay sa sasakyan, napatingin ako sa gilid dahil parang may nakatingin samin ngunit ng pag tingin ko ay wala naman kaya hinayaan ko na lamang.

ang sabi sakin ng beta ay kahit nasa mundo daw ako ng mga werewolf at lycans ay parang kagaya lang din daw ng sa mga tao ang pamumuhay nila may mga high tech na technolohiya mga sasakyan at iba pa ang kaso lang mas advance daw ang sakanila kesa sa mga mortal




----------

hi mga bibi enjoy kayo sa pagbabasa ☺️

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon