Chapter Two:
SILENCE AND CHILLS are not good combination after all. I hold my cardigan with my both hands as I look around the library tanging ang malaking bentilador na mahinang nag iingay bukod sa aking pagbubuntung hininga ang maririnig. I've been here for almost an hour gumagawa ng assignment sa Physics.
Kinuha ko ang aking cellphone sa mesa at binuksan, nagbabakasakaling nag text sa akin si Mang Ed kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya dumadating. Alas singko na ng hapon at kaninang alas kwatro pa natapos ang klase ko.
Nagtetext naman yon kapag nalelate siya, kaya nag aalala ako dahil hindi pa siya dumating o nag iwan ng mensahe gayong isang oras na siyang late.
I dialed his number, hindi siya sumasagot. Kinuha ko ang aking mga gamit at nagdecision na sa labas na lang maghihintay, sa may guard house. Baka andon na iyon, hindi lng nagtext. Nang matapos ay lumabas na ako. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin.
Sinamsam ko ang cardigan at bag saka nagsimulang maglakad. The lights in our school are all lighted. Salamat naman at hindi ako mahihirapan sa paglakad sa kabilang hallway ay may mga iilang maintenance na naglilinis pa. Tuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa guard house.
Sinilip ko ang labasan, I didn't saw a black BMW.
Mang Ed, ¿dónde estás?
"O, ma'am! Gabi na ah. Ba't naririto ka pa?" a middle age man on his white uniform spoke, startling me a little.
"Magandang hapon po Mang Saldy, hindi pa po kasi dumadating ang sundo ko." nakangiting sagot ko.
"Pwedi po bang dumito muna ako?"
"Oo naman! Teka, sandali."
Hawak ang umuusok na mug, probably his coffee, ay inabutan niya ako ng puting plastic na silya na agad ko ring tinanggap. Nangangalay ang paa ko dahil sa nilakad kong may kalayuan.
"Salamat po."
"Walang problema, maupo ka muna." tugon nito.
"Sorry po sa istorbo Mang Saldy. Mukhang nagpapahinga pa naman kayo."
Ngumiti siya sa akin at umiling.
Dahil sa antok niyang mga mata at laylay na balikat alam kong pagod siya. Pinipilit ang sarili na dumilat dahil hindi pa tapos ang duty niya.
"Sus! Iyon ba? Mabuti nga at may nagawi na estudyante dito. May makakausap ako kahit papano."
Ilang minuto kaming nag usap tungkol sa mga bagay bagay, tungkol sa pamilya niya at sa mga anak. Doon ko lang rin nalaman na kaibigan niya si Mang Edwin.
'Highschol barkada' aniya.
Dalawang sunod sunod na busina ang nagpatigil sa amin. Lumabas doon ang pagod na mukha ni Mang Ed, gusot ang damit at halatang nagmamadali. Tiningnan niya ako saka si Mang Saldy tumayo naman ako.
"Ano ba naman iyan Edwin, kanina pa ang uwian at ngayon mo lang sinundo itong alaga mo. Kanina pa yan naghihintay sayo." angil ni Mang Saldy, pumalatak pa.
"Nagka problema lang Saldy. Salamat sa pagbantay sa kanya." tinapik siya sa balikat ni Mang Ed saka tumingin sa akin.
"Pasensya ka na Ma'am Maer, nagka problema kasi. Hindi ko na kayo na itext kasi naubusan na ako ng load, hindi ko napansin."
"Okay lang po. Nag alala lang ako kasi hindi niyo naman po ako tinext tsaka nalibang rin naman ako kakausap kay Mang Saldy." nangiti ako pero tumango lamang siya. Masyado siyang pagod at seryoso.

YOU ARE READING
Dubious In Love
RomanceAedelmaer Palmarez was just fifteen, young and impulsive when she feel a strange attraction with the hot and sweet twenty years old Veoune Belafonte. Feed by her fairytale dreams and raging hormones, she fell in love with him easily and hard. But du...